PHASE 13

15 5 0
                                    


Tatlong-araw ng nakalipas ngunit naka confine pa rin si Chichi. At ako naman? Madalas, pagkatapos ko sa klase, nag-o-overtime ako sa pagsa-sideline sa Parlor nila Ate Barbs kahit medyo mahirap sa schedule ko, pinipilit na ipagkasya ko. Salitan kami ni Kuya sa pagbabantay kay Chichi sa ospital. And every other day, bumibisita rin sina Nanay at Tatay.

Pero madalas, umaga at sa gabi ang halos ako na ang nagbabantay dahil abala sina Nanay na patuloy pa rin sa paglalabada, at si Tatay naman, patuloy pa rin sa pamamasada hanggang alas onse na ng gabi. Uuwi lang siya ng tanghali at hapon para kumain, tapos diretsong pamamasada ulit. Minsan nga madaling araw na rin umuuwi si Tatay para raw makadoble, sabi nya kasi marami pa rin naman daw pasahero na naghahanap ng maghahatid dahil galing pa sa iba pang malalayong lugar.

Kakaunti lang namamasada sa oras na 'yon kaya nasosolo niya yung ibang pasahero na galing pa sa malalayong byahe. Mas nakakalaki raw siya ng pera roon dahil madalas maraming nagrerenta sa kanya para lang maihatid ang ilang pasahero kahit gaano man kalayo ang tirahan nila.

Si Kuya? Mas super busy yun ngayon dahil ang dami niyang nire-review dahil sa tambak ng mga sauluhin niyang nasa libro at modules 'pag dinadalaw ko siya sa kanyang kwarto.

Minsan nga nagugulat na ako na alas kwatro ng madaling araw ay gising pa rin siya at halos hindi pa rin natutulog. Nauunawaan ko naman kasi mahirap yung course niya. At kahit na gusto niyang magbantay kahit pagod siya, pinilit ko na lang na huwag na dahil sinigurado kong kaya ko naman kahit mag-isa. Hangga't kaya ko, ako na muna umaako.

Halos dito na ako manirahan sa ospital. Araw-araw gigising ako ng maaga, medyo may kalayuan kasi ang ospital na ito sa bahay at sa school na pinapasukan ko. Uuwi lang ako kapag maliligo, magluluto sa umaga, at maglilinis sa bahay. Tapos sa hapon hanggang gabi--ako pa rin ang nakatoka, minsan nagdadala na rin ako ng pamalit ng uniform para hindi ako ma-late kinabukasan. Madalas dun ko na rin nagagawa sa ospital ang mga assignments at projects ko, nagdadala na rin ako ng pagkain at dun ko na rin itinutuloy ang paggawa ng thesis namin habang binabantayan si Chichi. Hindi naman ako nahirapan dahil pinahihiram naman ako ng kaklase ko ng laptop dahil alam ko naman na ako lang ang pinaaasa nila.

Pasalamat sila at medyo magaling ako sa english, dahil kung hindi, ewan ko na lang talaga.

Mahirap man ay napilitan akong itigil muna ang pagpa-pageant. Kahit anong pilit ko kasing pagkasyahin sa oras ay hindi talaga kakayanin. Mas tuon ang pansin ko lalo na't ako ang madalas na nag-aasikaso kay Chichi. Dun pa lang sa pag-aalaga at pagbabantay, ay hindi kaya ng isang araw kung pagsasabayin ko ang pag-aaral, pagsa-sideline at asikaso sa bahay. Mabuti na lang at nauuwaan nila Ate Barbs 'yon at hindi ako pinilit kahit na may mga oras na may ibinabalita sila sakin kung saan may pageant.

Malaking halaga na sana kung gagawin ko iyon pero hindi ito ang tamang oras. Hindi ko rin kayang isantabi ang may sakit na kapatid ko kaysa sa nasa pageant. Hindi ko siya pwedeng iwanan mag-isa sa ospital lalo na't kabilin-bilinan ni Nanay na ako muna umasikaso sa bunso namin dahil abala rin sila.

Labis rin ang ikinalulungkot nila Ate Barbs ng malaman nila ang kalagayan naming pamilya. Ngunit hindi naman ako nagkamali ng pautangin nila ako ng pera bilang tulong sa pagbabayad ng mga kakailanganin bilhing gamot para sa bunsong kapatid ko.

Maliit man para sa kanila, ngunit malaking bagay na rin ito sa akin.. sa amin. Maaasahan talaga sila. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa amin kapag hindi ako nakahingi ng tulong sa kanila.

"Pasensya ka na Prina, ah? Iyan lang talaga ang kaya ko sa ngayon, eh. Kakabayad ko lang kasi sa upa ngayong buwan, tapos may pinautangan rin ako kaya medyo gipit ako ngayon. Kailangan kong bumawi ngayong linggo, medyo humihina kasi itong Parlor ko ngayon dahil may naging bagong bukas na parlor sa kabila. Imbyerna nga eh, naaagawan ako ng costumer!" sabay irap nito sa kawalan.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon