PHASE 70

16 4 0
                                    


Ito na yata ang pinaka awkward na naging salu-salo ng aking pamilya.

Hindi ko alam kung ako lang ba... pero iba ang pakiramdam ko. Matapos makapag dasal, ay wala kami masyadong imikan, sasagot lang kapag may naitanong, madalas ang dumadaldal ay si Tatay, si Kuya Premi, si Chichi, paminsan ay ang pambe-baby talk nila kay Heinrich sa tabi ko at madalas na pagbalik niya kay Heimlich sa kabilang tabi ko. Sa bawat kubyertos na nadidinig ko, ang mahabang katahimikan, pakiramdam ko bawat minuto ay napipirat ang puso ko para hindi ako makahinga at hindi makakain ng maayos dahil sa katahimikang bumabalot sa amin. At dahil nga alam nilang nandito na ako, para bang nanibago sila kaya kahit magsalita ay palaging maagap ang kanilang sambit pagdating sa akin. Ganun din ako...

Ako, tanging nakatutok lang sa kinakain. Hindi makakain ng maayos.

Si Heimlich, nasa tabi ko, tahimik na nakamasid, pasimple lang rin kumakain. Mukhang nahahawa rin siya kaya hindi agad siya nakakapagsalita. Bilib din talaga ako sa kanya at nakakaya niyang hindi magsalita kahit na wala pang pumapansin sa kanya. Kasi kung ako lang ang nasa katayuan niya, baka kanina pa ako sumabog.

Habang abala naman sa kwento si Kuya Premi tungkol sa trabaho niya, naging interesante rin naman ang Tatay ko dahil puro iba-ibang kaso ang napagkukwentuhan nila, dahilan kung bakit napupunta ang atensyon niya kay Kuya Premi kaysa sa amin. Nagkaroon naman ako saglit ng pagkakataon na makapag-isip sa oras na mabigay na naman ang atensyon nila sakin. Dahil alam kong mamaya, ako na naman ang magiging bida sa pamamahay na ito.

Saglit kong nilingon ang aking katabi. He's wearing a black polo shirt na lalong humapit sa matikas niyang katawan.

"Heimlich..." saglit na bulong ko sa kanya.

Binalingan niya ako. Seryoso at tumaas ang kilay niya sa akin. He mouthed a word 'bakit?'

"You okay?" halos walang boses na sambit ko.

Kinagat ko ang labi ko nang mapansin ko ang kanyang semi-formal na suot. He's wearing a black polo shirt and a pair of pants. Simple, mas matikas ang dating, lalo na't sobrang linis niyang tingnan, nanunuot sa amoy ko ang panlalaking bango niya, kahit na... medyo pansinin ang ilang mga tattoo na nakaultaw sa kanyang balat. At ang kanyang medyo mahabang buhok ay nakatali, ang ilang hibla nga lang ay nakatakas sa noo nito. Hindi rin nakatakas sa akin ang gintong relong pambisig na kumikislap sa mata ko. Gwapo pa rin. Gusto ko siyang halikan.

Tumikhim siya saglit at bumulong din sa akin. "Yea... but I'm a little nervous." maliit siyang ngumiti sakin. "You?"

Sasagot ako nang bilang magsalita si Tatay. "Mabuti naman anak, sa tinagal-tagal ay naisipan mo ring makapunta rito."

Isa-isa ko silang tiningnan at tipid na nginitian. Napalunok ako ng malalim nang sila ay nakatingin na lahat sa akin, naghihintay sa maaaring itugon ko.

"H-Hindi na naman po 'ko masyadong busy ngayong linggo..." kibit-balikat kong sagot.

Sa kagustuhan na maging maganda ang daloy ay pinipilit kong magsalita kahit na medyo alangan pa. Masyado sila abala sa presensya ng aking anak kaya napagsawalambahala ko na lang ang nasa paligid ko, lalo na't... sobrang tahimik pa ng katabi ko, si Heimlich. At kahit na alam ko namang tipid silang magsalita at pare-parehas kaming nangangapa, napapadalas silang napapagawi ang tingin sa akin. Alam kong sa mga mata pa lang nila... marami na silang gustong sambitin. At sa kalagitnaan ng daloy na usapan ay bigla muli akong inuntag ni Tatay dahilan para lalo akong kabahan ng husto.

"Maiba tayo, sino nga pala ang magandang lalaking ito?" untag pa muli nila Tatay, habang nakangiti. Lahat sila ay nakabaling ngayon kay Heimlich at sa akin.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon