PHASE 68

8 4 0
                                    


Weeks have passed, seemingly inexorably. The lack of my life is getting worse and worse. Mahirap pero kailangan kong tanggapin na magiging isang single mother na lang ako. Mag-aaral... magtatapos... tuparin ang pangarap, hindi lang sa aking sarili kundi para na rin sa anak ko... mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak ko. Dun na lamang iikot ang mundo ko.

Naghintay lang pala ako sa wala.

Hindi ko maiwasang minsang maluha habang tinititigan ko ang anak ko sa gabi. Na... paano kung lumaki na siya? Paano kung magsimula na siyang magtanong tungkol sa walanghiya niyang ama? Na nagsawa na siya? Sa akin? Sa amin? Na hindi na niya kami kayang tanggapin? Anong maaaring isagot ko? Doble pasakit ang nararamdaman ko para sa anak ko. Para bang gusto ko na lang hilingin na pabagalin ang panahon at manatiling maliit pa ang anak ko habang walang ibang iniisip pa.

At sa ilang araw na lumipas ay tiniis ko ng huwag kausapin siya. Ang hirap pala talaga kapag nasanay ka, nasanay sa paghihintay, hindi mo namamalayang gawin ang mga bagay na hindi na naman dapat, halos magdamag mo pa ring iisipin kahit na may iba kang ginagawa. Pero wala, kailangan ko ng masanay na ako na lang at ang anak ko. Dahil alam kong mas lalong mahihirapan ako para makamove-on sa kanya kung ako'y patuloy na aasa mula sa kanya. Sobrang sama ng loob ko. Hindi ko inaasahan na sa dami ng aming pinagdaanan ay mapupunta lang sa wala.

At para bang gusto kong pagsisihan at tawanan kung gaano ako naging kabaliw sa kanya noon! Tang ina! Oo nga't gwapo at mayaman siya, pero saksakan talaga sama ng ugali! Bakit ba nabaliw ako ng husto sa balugang 'yon!? Hindi na talaga magbabago. Ang galing niya pa rin talagang magpabilog ng ulo! Magaling lang siya sa salita, pero wala naman pala sa gawa. Sa una lang siyang magaling! Kay tapang na tao pero ang pagiging ama, naduduwag siya!

Kung gaano kalaki ang titi niya siya namang kawalan ng bayag niyang hayop siya!

Dito ko talaga naisip na kahit nakilala kong gago siya... sobra... sobrang gago niya talaga! Mali akong naisip na may katiting na kabutihan sa puso niya. Na kahit pati alam naman niyang may anak na kami, pababayaan niya lang kaming mag-ina. Ang kapal pa ng sabihin niyang nagsasawa na siya at nawalan ng gana!

Ang sakit lang sa parte ko na kahit na alam naman niyang may anak na kami, naging sobrang open ako sa kanya, ni hindi ako naglihim sa kanya kahit malayo siya at hindi nasaksihan ang pagbubuntis at panganganak ko, dahil hindi ako yung tipo ng babaeng mahilig makipag taguan ng anak at tatakbuhan siya! Hindi!

Tapos... tapos gaganituhin lang ako?!

Wow! Sana pala hindi na siya nangako para hindi ako umasa ng ganito!

Sapat na naman siguro ang paghihintay ko. Tama na ang katangahang ito, Prina.

Ayoko na. Pagod na ako.

It seems like people are now scared. You don't know what their motives are for you ... and he also proved that it's hard to trust people again, especially with other men today. His courage came into my life, but he didn't even have the courage to apologize for what he said!

What a jerk!

Argh! Ang kapal... kapal talaga ng pagmumukha niya!

Hindi mawala sa isip ko... ang pagmumukha niya na para bang sawa na talaga siya sa akin. Sa sitwasyon namin... napagod na siya.

Sawa na siya? Edi salamat na lang sa lahat!

Salamat sa pagbibigay ng sama ng loob mo, Heimlich! Ang galing-galing mo! Hindi na yata matatanggal ang sama ng loob ko at patawarin ka! Hinding-hindi na! Hindi ko lubos maisip na aaksayahin ko lang pala ang mahabang panahon para sayo!

Each day like a repeat of the day before. Mas lalong dumaragdag nga lang ang mga gawain ko, but it's also better because I don't think about him too much. Mas nagda-divert ang utak ko sa ibang bagay. Sa sobrang dami kong ginagawa, wala na rin akong oras para ma-broken! Kahit na nakakapagod, parang mas nagugustuhan ko pa iyon kesa naman wala akong ginagawa, matutulala na lang at mamamatay kakaisip tungkol sa kanya. Basta nagising na lang ako na wala akong ibang naisip kundi ang magiging kinabukasan ng anak ko... at napagod na akong maghintay sa wala. Napagod na ako maghintay sa walang kwenta at walang awang puso niyang ama.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Where stories live. Discover now