PHASE 50

33 4 0
                                    


"What the hell is happening here?" mahinang kastigo ngunit may diin niya muling sambit sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin dahil masyado pa akong nagugulat sa harap ko. Naghaharumentado ang puso ko, pero nanatiling nakatulala ako sa kanya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko... kasi dapat ako. Ako dapat ang dinadaluhan pero bakit sa nakikita ko mas nag-aalala siya sa babae kaysa sakin?

Bakit parang mas nagagalit pa siya sa akin?

Ano na namang nagawa ko?

Ako na naman ba ang mali?

Para kasing lahat ng galaw at nakikita niya sa akin ay makikita disgutso sa kanyang mata. Lahat na lang ay ikinasasama niya. Na para bang ako pa ang nagdadala ng gulo.

"Phryne? What did you do to her?" nakakunot na tanong muli ni Heimlich sa akin.

Napalunok ako bago makatugon. "H-Huh?" ngayon lamang ako namalikmata nang lumapit siyang kaunti sa akin.

"She wants to hurt me!" singit ni Clementine. Yumuko siya at hinawakan ang sariling pisngi na para bang sinampal ko siya gayong ang totoo, siya naman ang nanampal sa akin.

Ni hindi pa nga lumapat ang dulo ng daliri ko sa kanya, eh. Pasalamat siya at dumating si Heimlich dahil kung hindi, lagas-lagas na ang buhok niya! Balak pa yata akong baliktarin!

Agad na nagparte ang labi ko sa sinabi niya at umiling agad sa nanlilisik na matang ipinupukol ng lalaki. At base sa ekspresyon nito ay para bang pinaghihinalaan na agad akong may nagawang malaking kasalanan.

"No. That's not true. She-" magdedepensa sana ako.

"Liar! I'm just trying to be nice to you, but you're enraged 'coz you're jealous the fact, that we are getting married! You're opposed to our marriage that is why you want to hurt me! " sunod-sunod na saad niya dahilan na hindi na ako makasingit at mukhang napaniwala pa niya si Heimlich.

"Is that true?" malamig na tanong niya. Hindi ko maiwasang kabahan kahit na wala naman akong ginagawang masama.

"No..." mahinang anas ko sa naniningkit niyang mata. Paulit-ulit akong napailing at malalim na napalunok para pakalmahin ang sarili. "I did not hurt her. Sinungaling siya, Heimlich. Siya pa nga ang sumampal sa akin!" paliwanag ko.

"What did she say?" singit na naman ni Clementine. Hindi ko inaasahang maiirita talaga ako sa babaeng 'to.

"Sumama ka sakin." hindi pa ako nakakapagpaliwanag ng maayos ay walang habas-habas na hinila niya ako palayo kay Clementine.

Mahigpit ang hawak niya sa aking braso habang hila-hila niya ako, ngunit hindi ko ininda iyon dahil nakatingin lang ako sa kanya, nagpapadala sa paglalakad at hindi alam kung saan pupunta.

"Heimlich," tawag ko, sapat para marinig niya.

"Don't fucking talk, Phryne. Just don't." anito sa nambabantang tinig.

Napanguso ako sa kasupladahan niya. "Edi don't."

Kasalanan talaga 'to ni Clementine. Naniwala siguro siyang sinampal ko siya, gayong siya naman ang sumampal sa akin! Dapat talaga sinampal ko na lang dibdib niya eh, para di halata! Makaganti man lang ako.

Hindi ko alam kung pinagtitinginan, o nakikita ba kami ng bisita ngunit mabuti na lamang sa dinaraanan namin ay walang masyadong tao kundi mga servants lang nila.

"Saan mo 'ko dadalhin?"

Hindi pa rin siya tumugon. Imbes ay pumasok kami sa isang kwarto na sa wari ko ay guest room iyon. Madilim, iisang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay naramdaman kong itinulak niya ako sa ding-ding dahilan na mapaigik ako sa sakit ng tumama ang likod ko doon.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang