PHASE 49

16 4 0
                                    


Tumpukan ang mga media, panay diklap ang mga camera at nakakaparindi sa aking utak ang mga sinasabi nila. Halos mag-unahan sila sa mga tanong, kahit sa mga bisita. Naghalo-halo sa pandinig ko ang background music pati na rin sa mga salita nilang hindi ko maintindihan, magkakaiba-iba na. I never thought that this will be public. Akala ko ay simpleng party lang ang mga tipo niya sa kanyang kaarawan pero naisip ko na hindi nga pala uso sa kanila ang simple.

Ang mga Sanjarni ay sanay na sanay palagi sa mga engrande.

I guess, I should say that Heimlich's birthday is the grandest party I've ever attended. From their entire castle, which is formally, tastefully, and heavily decorated with elegant set pieces, to the servings which is even cooked by famous chefs, and special guests, everything is formal, delicately, and extensively.

Samut-saring iba-ibang klaseng bigating tao ang nakikita ko. At halos magkislapan sila sa paningin ko, iba-ibang mukha at halatang hindi nakakadanas ng hirap. Cocktail tables are everywhere, may mga nagbibigay rin mula sa mga servants, mga tables ay engrandeng nakaayos na nakahilera para sa mga guests. Mas nangingibabaw ang kulay na ginto at pula sa kabuuan. May mga mararangyang chandeliers, mga kandilang animoy nakalutang at mga kumpulang bulaklak na maayos nakalagay.

And one more thing na nakapukaw sa atensyon ko ay sa parte ng gitna, there are 160-person banquet hosted by King Ilyas himself would do. May mga nakahilera rin na servants, mukhang doon uupo ang mga pinakaimportanteng tao. Oh, god! This is literally crazy, so elegant, and so classy. They really throw a giant banquet in his castle.

Ang mga bisita ay winewelcome ni Ilyas.

Hindi ko maiwasang magngitngit mula rito sa matandang ito habang nakangisi. Simula nang araw na iyon, hindi pa kami naghaharap muli. Sa totoo lang, gusto ko siyang kausapin pero alam kong hindi tamang oras ngayon. Women kissed his cheeks, while men, I assumed tycoon businessmen are offered him a handshake.

Kanina pa ako nasa isang tabi, nakatayo. Walang kausap. Nakatanaw lang ako sa mga alon ng mga tao. Hindi ko alam kung ilan pa ang darating pero masisiguro ko na napakarami ito. Aabutin na yata ng libo. I'm on the top of their grand staircase, looking down at the big space with guest, mga hindi pamilyar na tao at mukhang galing pa yata sa iba't-ibang panig ng mundo, halata rin na nagmula sa mayayamang lahi at angkan.

Parang hindi ako nanggaling sa pagkapagod kanina. Ang ganda-ganda ko rin sa suot ko at wala sa itsura ko kahit na napaka simple ko lang naman na tao. I'm just wearing a black dress that I think its brand is very expensive, and high silver heels. Maayos at malinis na nakapusod ang mahabang buhok ko na medyo mataas. I'm wearing a heavy make-up na nilapatan na dugong-dugo sa pulang lipstick ang labi ko. Sabi kasi ng make-up artist kanina, ang ayos niya sa akin ay mukhang ibinagay niya sa dating at personality ko na first impression niya raw sakin. Mukhang hindi naman siya nagkamali. Para bang ang ayos ko ay nagsilbing shield na pakiramdam kong protektado ako. Dahil wala akong nakikitang reaksyon sa iba kundi galak kapag nasisilay ako ng ibang bisita. Para bang naiisip nila na kabilang rin ako sa kanila.

Para akong nabibilang sa kanila pero ang totoo, para akong isang maruming bagay na nilinis lang mula sa tumpok ng mga basura.

Medyo sumasakit na ang paa ko sa pagkatayo, habang nakapatong ang kamay ko sa railings, hindi alam kung saan lulugar. Sa oras na ito, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, sabi ni Heimlich... may surprise pa siya sa akin, pero bakit nakaayos na ako't lahat hindi pa rin siya nagpapakita sa akin? Usually kapag may mga okasyong nangyayaring ganito, palagi siyang umaalalay sa akin. Hindi niya ako iniiwan. Lagi niya ako hawak at itinatabi sa kanya, takot na mawala sa paningin niya.

Nasaan na ba siya? Hindi ko pa siya nababati. At hindi pa ako nakakabawi dahil wala man lang ako karega-regalo sa kanya!

I really feel out of place. I began to feel uncomfortable and cold dahil mababa ang backless ko, at mahaba ang dulo na tirante nito na medyo umabot na sa sahig. Kanina pa ako hindi mapakali sa hindi malaman ang dahilan. Dati naman kasi kahit hindi ko kilala, nakakaya kong mag-entertain ng ibang tao, pero iba na kasi ngayon. Alam ko namang... hindi rin basta-basta malalapitan ang mga respetadong tao na nakikita ko. Kanina habang inaayusan ako ng mga make-up artist at designer ay puring-puri ako, they even told me that I could pass a model, naibida ko rin kasi sa kanila na nakapag model na ako ngunit hindi na dinetalyado at baka pagtawanan lang ako.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Where stories live. Discover now