PHASE 65

18 4 0
                                    


"So, what are you gonna do there?"

Bungad ni Mari pagkalapit niya sa akin. Kasalukuyan akong nagtiktiklop ng damit habang pinapatas ito ng maayos para maihanda na ang mga kakailanganin ko. Kanina pa siya pabalik-balik rito sa pagbibigay ng mga bilin at pabaon niya sa akin.

Napabuntonghininga na lang ako ng malalim at inabala muli ang mga kakailanganin.

What I'm gonna do there?

Hindi ko rin maiwasang maitanong sa sarili ko. Ano nga ba? Marami akong plano... at sa daming iyon hindi ko na alam kung ano ang mas tama at uunahin ko. Dahil mas may importante na akong kakailanganing unahin.

"Phryne, are you sure na handa mo nang harapin ang pamilya mo?" naniniguro niyang tanong. "Kaya mo bang makauwi sa lagay mong 'yan?"

Halos marindi na yata ako sa maya't-maya niyang tanong na ito mula kahapon habang nag-uusap kaming dalawa.

Lumingon ako sa kanya at tipid na nangiti.

Handa na nga ba talaga?

Matagal ko rin... hinintay ang oras na ito. Na maging buo ang desisyon ko sa kabila ng matagal na kaduwagan kong nararamdaman. Yung gustung-gusto ko, pero alam ko sa sarili na maduduwag lang ako... gusto ko na hindi, dahil alam kong hindi pa pwede kaya kahit na gustung-gusto ko noon, matagal rin akong nanatili at nagtiis dahil alam kong hindi pa talaga ako handa. Mas napapangunahan ng pag-aalinlangan. Mas naduduwag.

Pero ngayon... ngayon lang ako maglalakas ng loob. Nakapagdesisyon na ako, gusto ko ng bumalik. Babalik ako kahit na anong mangyari at hindi ko na kailangan pang pigilan ang sarili ko. Sa totoo lang ay matagal na rin akong kinukumbinsi ni Mari, at nagpapasalamat na lang ako dahil malaki naging tulong niya sa pagpapaalala para lumakas ang loob ko.

Maya-maya ay tumango rin ako kay Mari habang nag-aalala siyang nakatitig sa akin.

Napakibit-balikat ako at napabuntonghininga. "What? Ilang taon ko rin silang hindi inuwian. Baka makalimutan nila kung gaano ako kaganda ngayon at isa pa, baka dalaga na rin bunso kong kapatid at baka may asawa na ang Kuya ko!"

Hindi tuloy ako makapaghintay na maharap sila sa personal. Sobrang miss ko na sila.

Marahan siyang ngumiti at tumango sa akin. "Sabagay... tiwala ka lang. Maiintindihan ka ng pamilya mo. Sila ang mga taong... sigurado akong hindi tatalikod sayo."

Tumatangong sumang-ayon ako sa sinabi niya. Sandali akong napaisip at bumuntonghininga ng malalim.

Sa wakas... uuwi na ako...

Nay, Tay... Kuya Premi... Bunso... hintayin niyo ako. Makakauwi na ho ako.

"Ipinaalam mo ba sa kanila ang pagbabalik mo, hm?" panay tanong niya. Parang hindi siya mapakali at parating nag-aalala sakin.

Umiling ako at napairap sa inaasta niya. "Surprise nga, 'diba?"

Tumaas ang kilay niya at napailing sa akin. "Ewan ko talaga sayong babae ka. Kung ako ang Nanay mo, baka atakihin ako sa puso! Kinakabahan ako sa pag-surprise mo pero sana hindi sila mabigla ng husto."

Natawa ako sa sinabi niya nang magbaba siya ng tingin at pinasadahan ang aking kabuuan.

"Nagmukha ka na namang inosente sa paningin ko. Parang bumalik ang dating Prina na una kong nakita at nakilala," puna niya sa pananamit kong simple at may pagkakonserbatibo. "Lalo kang gumaganda."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Ako lang 'to, Mari. Ano ka ba?" dinaan ko sa pagbibiro, umiwas ako ng tingin sa paraan ng madrama niyang titig sa akin.

"Ano ka ba din?" pabalang niya rin na sagot. "Aalis ka na't lahat pero hindi mo man lang sinasabi sakin mga maaaring maging plano mo. Alam mo namang nag-aalala rin ako sayo, no! Saulado na kita, mahilig kang magdesisyon ng mga bagay na hindi nagsasabi sakin! Minsan talaga, nakakapagtampo ka!" anito na parang may hinanakit dahil hindi ako nagpaalam sa kanya noon nung mawala ako sa apartment sa dalawang pagkakataon.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Where stories live. Discover now