PHASE 61

12 4 0
                                    


Phryne, please don't let yourself fall for him again. It's stupid. It's a big stupidity, and that's a big shame too much for yourself!

Yan ang tanging linyang madalas na sumasagi sa isip ko kapag madalas kong nararamdaman ang presensya niya. Kapag tinitingnan niya ako sa mga mata. Kapag nahahawakan niya. At kapag kinakausap niya ako. Lalo na kapag minsan... parang bibigay na ako.

Habang paulit-ulit na rumerehistro sa isipan ko ang mga salitang sinabi niya, parang unti-unting kinakatay ang puso ko roon lalo na't naramdaman ko at nakita ko ang pagluha niya. I know I don't have the right to get hurt like this, dahil sa puntong ito, ay alam kong naging sobra din ako sa kanya. Damn... hindi ko pala talaga kaya.

Months ago, I became a very chaotic person. Inaamin ko iyon. I know it's crazy to think that but may mga times na wala na lang sakin yung... pain. I don't know. Maybe I'm just fucking too in denial. It was as if I was used to hiding my true feelings. Sa pagdaan ng mga panahon na nangyayari sa buhay ko—or should I say, mga pinaggagawa ko sa buhay ko para lang iwasan yon, iba-iba ang nararamdaman ko sa araw-araw.

I frequently feel empty, depressed, and lonely. I'm super hyped like a woman lost in jail. So much fun, to the point na para bang may nagrarambulan sa kalamnan ko at dun ko na lang nailalabas sa pamamagitan ng pag-inom, pakikisalamuha sa ibang tao, trabaho, trabaho, at trabaho.

Yung ang saya-saya ko na namamaligiran ng maraming tao kaya kapag uuwi ako, napapawi ang mga sandaling iyon at napapalitan agad ng kalungkutan. Kaya madalas, halos inuumaga na ako ng pag-uwi para kapag umuwi ako, wala akong ibang iisipin kundi pagod at pagkaantok. It's feels like a cycle but you'll still really fall into the bait like... pain—ng paulit-ulit.

Na sa kabila ng mga masasakit na naranasan ko mula sa kanya. Dati, palagi kong iginigiit na 'wala na 'yon', tapos na 'yon, bakit ko pa ba iisipin 'yon? Lalaki lang siya, hindi ko na dapat pang bigyan ng importansya. At isa pa ay kontrata lang naman ang nasimulan naming dalawa. Pangit man isipin, pero alam kong parehas kaming nakinabang sa isa't-isa. Ako sa pera niya... siya sa akin. Yung alam ko naman naging malaking bahaging bagay iyon sa buhay ko... pinaniniwalaan ko pa rin ang sarili ko na maliit na bagay lang 'yon. Sa loob ng maraming taon, madami na akong lalaking nakasalamuhang tulad niya kahit pa hindi kasing lupit niya... kaya ano pa bang bago para isipin ko pa lagi 'to, diba?

But there are times, when more often I feel the pain when I'm alone ... when I always remember, especially when I'm doing nothing else. I almost cursed him for what he did to me. Na halos isang kasalanan na rin ang mga naiisip kong gusto kong mangyari sa kanya. Na dapat maramdaman niya, madanas niya rin ang nadanas ko mula sa kanya.

You know I'm not a saint. I'm not the type of person when someone hurts you, you have no choice but to be happy for him. Fuck that! Hindi ako ganon. Pero iba ako, ang tanging naisip ko lang, ay sana hindi sya naging masaya sa naging desisyon niya.

I was full of resentment. Every time I cry it is full of weakness, anger and hatred. To Clementine, to Ilyas ... to Heimlich. Nadamay na rin sa buhay na katayuan ko na hindi naman dapat. My resentment piled up because I felt like they all played me, that I was the only one who bet, failed, and they won the game they started. Funny to think that I wasn't informed that they had a kind of game that I wasn't aware of would eventually fall victim to.

Gusto kong maging malungkot siya nung tinaboy niya ako. Gusto ko ring magdusa siya at makarma. Gusto kong dumating yung araw na kahit anong kalupit niyang tao ay balang araw ay may babangga sa kanya at pagmamalupitan rin siya. Mabigyan siya ng leksyon. Maramdaman niya kung ano ang pakiramdam na pinaramdam niya sa akin.

Pero sa kabila ng pangit na iniisip kong ganun sa kanya, sa huli, babagsak pa rin talaga ako sa mga linyang... kamusta na siya? Sana bumalik na siya... masaya ba siya? Naiisip niya rin ba ako? Hindi ba siya nasasaktan tulad ko? Gusto ko siyang makita... namimiss ko na siya... tang ina oo, ang sakit, pero mahal ko pa talaga siya... balik ka na...

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Where stories live. Discover now