PHASE 2

52 5 0
                                    


No matter what they say, it's all about money.

Kahit anong gawin mo o maging propesyon mo sa buhay, iisa lang naman ang ating inaasahan at madalas na kinakailangan, kundi.. pera. For the majority? Yes, kabilang na iyan sa mga pinaka dahilan kung bakit tayo nagpapatuloy magpakahirap o magpakasarap sa buhay.

Whatever we do, it's all about money.

Yun naman ang madalas na maging dahilan sa maraming bagay.

They say, sometimes you've got it all and we've got nothing. But sometimes there are things that are easily obtained with just one flip, and there are things that are not immediately.

Kaya... siguro ganito ang paniniwala ko. Malayo sa paniniwala niyo. Ako kasi, nag-aaral ako, gusto kong magtapos, makaahon sa hirap dahil kailangan din namin ng pera. Oo. Yun lang ang tanging iniisip ko. Kailangan na kailangan eh. Dahil dito? Pag di ka tapos, ang tingin ng iba sayo, tamad o kaya naman... bobo ka. Walang mararating sa buhay.

Mahirap na nga, bobo ka pa.

We are also always stuck with two options before we choose a decision. A decision we will not regret someday.

Once upon a time, there was a woman with lofty dreams. Not just for herself, but for her family as well. She was just a simple woman with a simple life. Kaya ang pangarap niya, simple lang rin, ang maiahon rin ang kanilang buhay. Tulad ng ibon ng malaya at matayog kung lumipad. Ganyan lang ang kanyang buhay noon. Malayung-malayo sa kinabubuhayan niya ngayon. Bago dumating sa puntong itong babaeng matayog kung mangarap ay unti-unting naging mababa ang paglipad hanggang sa lumagapak sa lupa.

"Okay. Both of you have worked so hard to get here. But only one of you is about to become our new Miss Binibining Cebu. Good luck to both of you. "at once, the sound of the song is accompanied by the shouts of many.

"The winner of Miss Binibining Cebu is..."

Along with the roar of a drum, was the strength of my heartbeat and the shouts of the people too, parang laging bago pa rin sa akin. Excitement at hindi mawawala ang kaunting kaba. Pinagpapawisan ako ng malamig ngunit nagagawa ko pa rin kumportableng ngumiti sa lahat ng manonood.

There's no denying that almost the screams of the people I hear from the stage are about me.

Mula ng kanina pa nagsisimula ay hindi yata mawala sa pandinig ko ang pangalan ko. Pamula sa introduction, talent portion, pag-rampa at ang question and answer portion na katatapos lamang ay lalo yatang lumala ang malakas nilang sigaw, masigabong palakpakan at suporta tungkol sa akin. Mapakilala ko man o hindi ko kilala.

Paulit-ulit na sigaw ang pangalan ko, halos marinig ko rin ang ilang baklang kasamahan ko, ilang kakilala at kaibigan ko na may kanya-kanyang hawak na pompoms at malaking banner na may malaking picture at pangalan ko.

I laughed at them, habang patuloy sila sa pag-cheer at tumatango sa akin. Sila pa yata ang may pinaka malakas ang boses.

Ang makita sila ay nawawala ang aking kaba at pangamba.

Ang mga katabi kong kandidata ay halata sa kanilang kinakabahan. While I, still stood with my head high and confidently smiling. Hindi inalintana ang sakit ng aking paa sa sobrang taas ng high-heels maging sa bigat na suot ng aking gown. Dahil ngayon, oras na para sa korona. Kung sino ang karapat-dapat, at malakas ang kutob 'kong mapapasakin 'yon dahil alam kong panatag ako at ginawa ko ang best ko.

Palagi akong consistent pagdating sa ganitong bagay, bukod sa katuwaan at hobby na rin, ay hindi ko maiwasang magseryoso mula rito dahil kapag alam kong mananalo ako... may price na makukuha ako.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Where stories live. Discover now