"Oh... see?! Bagay sa'yo. Mas lalo kang gumagwapo. Mas lalo kitang naguqwerdfghbvvc" hindi ko gaanong narinig 'yung sinabi niya bandang pahuli.




"Ano? May sinasabi ka?"




"Ah. Wala."





Kahit alam kong meron, hindi ko na lang kinulit. Baka kasi wala nga lang 'yun. Alam niyo na, hindi importante?




Nagpasya kaming lumabas na ng school. Habang naglalakad kami, panay ang pag-uusap namin.





"Ano ba kasing nangyari? Para kang sumabak sa Hunger games kanina ah. Hahaha." natatawa niyang biro.




"Hunger games ka jan." sinuntok ko 'yung braso niya. "'Yung pinsan ko kasi. Hindi ko alam kung kaano-ano niya si Satanas at sobrang sama ng ugali niya."




" Hahaha! Sobrang sama ba talaga? Sino ba 'yang pinsan mo? Laa. Kung may relation siya kay Satanas eh 'di baka... ikaw din?" oo nga 'no? Sinamaan ko na lang siya ng tingin. "De. Joke lang. Hahaha. Sino ba 'yang pinsan nating 'yan, ha?" napansin ko 'yung pag-akbay niya sa akin. Saglit akong nailang pero ipinagwalang bahala ko na lang.




"Si Jandrix." napa-stiff siya noong marinig niya 'yung pangalang Jandrix. "Oh? bakit ganyan ang mukha mo? Kilala mo ba 'yun?"




"Ah... ano... o..."




"Tss. Sa bagay, paano mo nga naman makikilala 'yun eh wala namang ibang inatupag 'yung haliparot na 'yun kundi 'yung ex ko." pagpapatuloy ko. "Alam mo kasi, dati, ok naman kami. Though talagang may tension sa'min, namamanage naman namin 'yun. You see? Napapakisamahan pa naman noon 'yung isa't isa. Kaso, simula ng gag*hin ako ng dalawang put*ang-in*ng 'yun, sorry for the word ha? Wala pa kasing ibang adjective na makakapag-describe sa kanilang dalawa kundi 'yun pa lang." bahagya siyang natawa.




"Ayun nga, as I was saying, noong ginag* nila ako, pinutol ko na lahat ng ugnayan namin. Akala ko nga ok na eh. Kasi two years ako sa ibang bansa. So naisip ko ng bumalik ako, cease fire na. Though hindi na kami magpapansinan, ok na siguro 'yun kesa gulo diba? Kaso hindi eh. Talagang sinagad noong gag*ng 'yun 'yung pasensya ko. Kaya kanina, matapos niya akong buhusan ng softdrinks at sabuyan ng spaghetti, ayun, nasapak ko. Kaya na-guidance office ako."  

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now