"Gaggoooo! Ang aga aga ang libog libog mo!" halos masira 'yung speaker ng cellphone ko sa sobrang lakas ng sigaw niya.




"Hahahaha! Joke lang eh, ikaw naman. Sige na, matulog ka na. Mukhang puyat ka pa eh. Maghanda ka ng maraming maraming lakas para mamaya kasi..."




"Kasi ano?" nanunubok niyang tugon.




"Papagurin kita. Papagurin sa sarap."  






*toot toot*






Pinagbabaan niya ako ng telepono.








*Reggo









Hindi na ako makatulog matapos 'yung phone convo naming 'yun. Kaya ang ginawa ko na lang, inubos ko na lamang 'yung oras ko sa mga walang kakwenta-kwentang mga bagay.




Aaminin ko naman na naeexcite din ako. Siyempre, kahit papano, namimiss ko rin 'yung pakiramdam na kasama siya. Ang tagal na rin kasi eh. 'Yung pinakagusto ko sa kanya eh 'yung kahit kayong dalawa lang, kahit walang mga fireworks, lanterns, romantic dinner set-up o kung anu-ano pa, nagagawa niyang memorable 'yung date namin, nagagawa niyang sweet pa rin 'yung ambiance. Ang galing niya 'no? Kahit wala 'yung mga ganoong bagay, he never fail to make me feel that I am loved, that I am special.




Dumako 'yung tingin ko sa mga cabinet at nakita ko dun 'yung sobrang natanggap ko nitong mga nagdaang araw lang. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako nakatanggap ng ganito o kung kanino ito galing. Ang creepy pa ng message, "Happy Broken Hearts Day". I mean, hello? February 14, araw ng mga puso tapos broken hearts day ang matatanggap ko? Siguro prank lang 'to. Prank lang 'to galing sa mga bitter na walang ka-date ngayong Valentines. Ang ironic lang kasi ang wish nila sa'kin eh Broken Heart samantalang walang kasing saya 'yung puso ko ngayon. Yiieee.

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon