"Sigurado ka bang kakausapin mo siya ngayon? Hindi ka ba pagod?" Tanong sa akin ni Naomi nang makapasok na kami sa unit niya.

Umiling ako. "Hindi, mas nakakapagod kapag itutuloy ko pa ito."

Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako. Naramdaman kong bumalik ang sigla ko, kahit kailangan kong kabahan dahil ilang minutes na lang, makakaharap ko na si Damon, makakausap ko na siya tungkol sa panloloko ko sa kanya. But no, there's no turning back.

"Gusto mo bang samahan kita?"

"Ha? Huwag na! Kaya ko na ito, Naomi."

Ngumisi siya at parang may kung anong tumatakbo sa isipan niya. At kung ano man iyan, alam kong pang-aasar sa akin at kay Damon. Pero ang totoo, mag-uusap talaga kami ni Damon nang masinsinan. Sana ay huwag siyang pangunahan ng galit niya sa ginawa kong ito, sana ay maintindihan pa rin niya ako..

Iiwan ko muna ang mga gamit ko rito kay Naomi at tanging 'yong sling bag ko na ang laman ay wallet at phone ko ang dadalhin ko papunta sa unit ni Damon. Babalik din naman ako rito sa unit niya dahil dito ang sinabi ko kay Daddy na place para sunduin ako.

Hindi pa alam nila Daddy na nakabalik na kami rito sa Manila, sinadya ko iyon. Dahil sa plano kong kitain si Damon at makipag-usap, na hindi ko alam kung ilang oras naming magagawa kaya mabuti na 'yong safe at hindi mai-interrupt ang gagawin ko. Basta ang alam ni Daddy, ngayong araw ang uwi ko at mamayang hapon pa.

"Tawagan mo lang ako, kung may problema." Sabi pa ni Naomi sa akin nang magpaalam na akong aalis na ako para puntahan si Damon.

"Yes, I will. Thank you."

Nakasakay na ako sa taxi at habang byahe, napatingin ako sa phone ko, hanggang ngayon na past 1 na, wala pa ring tawag o kahit message si Damon sa akin. Napangiti naman ako, malamang ay nagpapa-miss.

Nag-send ako sa kanya ng message.

To: Hubby

Hi, love! Papunta na ako riyan sa'yo 💓

Bigla namang nanlamig ang mga kamay ko sa kaba nang makarating na kami sa condo. Binayaran ko ang sinakyan ko at bumaba na, at bawat paghakbang ko papasok, lumalakas ang tibok ng puso ko. Sumakay na ako sa elevator at may parte sa akin na humihiling na sana masiraan ako rito sa loob, pero hindi nangyari.

Nakarating ako sa 8th floor kung nasaan ang unit ni Damon, mas tumindi ang kanang nararamdaman ko. At imposibleng hindi niya ito mapapansin kaya tumigil muna ako sa paglalakad para kalmahin itong sarili ko.

Damn, Agatha! There's no turning back! You have to do this dahil ito ang dapat!

Huminga ako nang malalim bago magpatuloy sa paglalakad, hanggang sa marating ko na ang pinto ni Damon. Ilang segundo pa, kumatok na ako sa pinto. Nakailang katok ako pero walang nagbubukas ng pinto para sa akin.

Wait, nandito ba siya? Nandito naman siya at wala na sa school, right? Kasi, ayun ang sabi niya sa akin, na half day lang siya today dahil sa pagdating ko.

Sinubukan ko itong buksan at bukas naman kaya pumasok na ako. Sinubukan kong palawakin ang ngiti ko sa pagpasok ko sa loob ng unit niya, pero nakatatlong hakbang pa lang ako, naramdaman kong may marahas na humila sa akin at isinandal ako sa wall. Pagkakita ko kung sino ito, lumabas na ang tunay kong ngiti.

"Lewis--"

Lumapit si Damon sa akin para halikan ako sa aking mga labi. At first, I thought this was just a kiss to greet me but no. Malalim ang mga halik niya at gumagalaw ito. Mapusok. Napaawang pa ang mga labi ko nang kagatin niya ang lower lip ko.

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now