“Nah..you look like a kid that will cry any minute from now.” Anito in a very uncaring tone na para bang nagdedescribe lang ito ng isang napakasimpleng bagay.

          “Nang-iinis ka ba!” Hindi niya napigilan ang sariling lingunin ito para lang matigilan ng makitang wala ang awa na ineexpect niya sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Sa halip she is just looking at him na para bang wala sila sa ganitong sitwasyon.

          Sandaling tinitigan siya ng batang babae at muli hindi niya alam kung bakit para siyang nalulunod sa uri ng tinging ibinibigay nito sa kanya lala pa at pakiramdam niya ay isa siyang specimen na pinag-aaralan nito sa loob ng isang microscope.

          “WHAT!” Ang  galit niyang singhal. Hindi niya gusto ang pakiramdam na ibinibigay ng titig nito.

          Walang anumang ekspresyon ang makikita sa mukha ng batang babae. SUnod-sunod itong umiling bago tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.

          “S-sandali! Hindi mo ba ako tutulungan!” Ang hindi niya mapigilang sigaw.

          Mabilis na huminto ang batang babae bago tumingin sa kanya ng may matinding pagtataka ang nakalarawan sa napakaamo nitong mukha. “Bakit naman kita tutulungan?”

          Sandaling hindi niya alam kung ano ang isasagot lalo pa at iyon ang unang pagkkakataon na may nagsalita sa kanya ng ganoon. “Dahil lumpo ako! Hindi ba at dapat mo lang akong tulungan!” Ang malakas niyang sabi habnag nanlilisik ang mga matang nakatingin dito.

          “Lumpo?”

          “Oo! LUMPO! HINDI MO BA NAKIKITA!” Ano ba itong batang ito!

          “Sinubukan mo na bang maglakad?”

          Muli hindi siya nakapagsalita. Hindi niya lang tiyak kung dahil ba iyon sa sinabi nito kundi sa walang halong malisyang way  ng pagsasalita nito. “BINGI KA BA! SABI NA NGANG LUMPO AKO EH!”

          “Sinubukan mo na bang maglakad?”

          Naiinis niya itong tiningnan. “Bakit pa! Wala rin namang silbi!” Ang galit niyang sabi.

          Sandali muli syang tiningnan ng batang babae bago tahimik itong tumango at muling naglakad palayo.

          “TEKA! SAAN KA PUPUNTA! HINDI MO BA TALAGA AKO TUTULUNGAN!”

          Isang naiinis na buntong hininga nag pinakawalan ng batang babae bago naiinis din siyang tiningnan. “Hindi.” Ang wala pa ring kaekspresyon-ekspresyon sa mukhang sabi nito.

          “Why not!

          “Bakit hindi?” She challenged.

          At sa kauna-unahang pagkakataon hindi alam ni Giordan ang sasabihin. “Dahil lumpo ako.” ANg mahina niyang sabi na kahit sa kanyang pandinig ay hindi magandang sagot sa ganitongt argument.

          “So dahil lumpo ka kailangan na agad kitang tulungan?”

          Naiinis niya itong tininganan at tulad ng inaasahan wala pa ring anumang emosyon ang makikita sa mukaha nito. Ano bang klaseng bata ito! “OO! Diba ganoon naman dapat! Lumpo ako kaya dapat lagi akong tinutulungan!”

          “Kung ganoon bakit hindi mo tulungan ang sarili mo?” She asked curiously na pati mukha nito ay puno ng pagtataka.

          “Bakit pa wala rin namang mangyayari!”

          Biglang dumilim ang mukha ng batang babae. “Exactly! Bakit pa kita tutulungan wala rin namang mangyayari! Malalaglag at malalaglag ka rin at palagi na lang mag-iintay ng tulong! Pinakaayaw ko sa lahat ay yung mga taong sumusuko agad kahit pwede pa namang lumaban.”

          Hindi nakaimik si Giordan. “Ano bang gusto mong gawin ko?” ANg nanghihina niyang sabi.

          Inilahad ng batang babae ang kamay nito sa harap niya. “ Hold my hand at susuportahan kita para makatayo ka pero kung bibitiw ka at susuko sa bandang huli then huwag na lang nating subukan.”

          Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para abutin ang kamay nito pero natagpuan na lang niyang ginagawa iyo at kahit napakahirap nahanap niya ang sariling nakatayo at iyon ang unang pagkakataon na naipangako niyang pipilitin niyang lumaban para hanapin ang batang babaeng iyon.

          Nagsikap siyang lumakad. Napahirap halos araw-araw parang gusto na niyang sumuko pero sa tuwing maaalala niya ang napakalawak na ngiti ng batang babaeng iyon ng magawa niyang makatayo muli niyang nahahanap ang sariling lumalaban hanggang sa tuluyan na nga siyang gumaling.

          Kahit sa murang edad hindi siya tumigil sa paghahanap sa batang babaeng iyon. Gift…kakaibang pangalan, noong una ang buong akala niya madali niyang makikita ito pero sadya yatang napakalawak ng mundo dahil nabigo siya.

Noong una niyang makita si Gift sa Infinity Mall hindi agad niya ito nakilala pero ng mahanap nila ito at makita niya ng malapitan ang mga mata nito hindi siya pwedeng magkamai ito ang kanyang Gift…pero anong gagawin niya? Kakayanin ba niyang labanan si Light na siyang naging tagapagtanggol niya ng mga panahong mahina pa siya?

Kaya kahit napakahirap nagpasya siyang manahimik na lang sa isang tabi. Oo nagparaya siya para maging maigaya ang dalawnag taong pinakamahalaga sa kanya pero hindi ibig sabihin noon wala na siyang nararamdaman. Dahil oras na saktan ni Light si Gift kakalimutan niya ang lahat! Aagawin niya ang dalaga  dito at hindi na ipaaagaw pa anuman ang mangyari.

ITUTULOY…

         

                   

         

         

"My Possessive Devil"Where stories live. Discover now