Kinabukasan ay medyo mugto ang aking mga mata dahil sa pagiyak. Kaagad iyong napansin ni Lolo pagbaba ko para mag-almusal. Maging sina Auntie ay napuna rin iyon.

“Bakit namamaga ang mata mo, apo? May nangyari ba?” Tanong sa akin ni Lolo.

Umiling ako at tipid na ngumiti. “Wala po, puyat lang po. Nag review kasi ako ng notes ko kagabi.” Sagot ko.

“Nag-review o umiyak? Huwag kana magpalusot Eli.” Segunda naman ni Auntie.

“Nag-away ba kayo ni Flynn? Sinaktan ka ba niya?” Nag-alalang tanong ni Lolo.

Nanlaki ang mga mata kong umiling. “Hindi po Lo. Wala pong nangyari okay lang ako.” Pagtanggi ko. Ang totoo ako pa nga ang nakasakit kay Flynn.

Pinaningkitan ako ng mata ni Lolo at tila gusto pang magtanong ngunit nginitian ko nalang siya. Ayokong sabihin sa kanila ang totoong nangyari dahil nahihiya ako sa ginawa ko. Isa pa baka kapag nalaman nilang kasama ko sa trabaho si Keano ay palipatin nila akong ospital. Hindi ko kasi sinabi sa kanila na sa ospital kung saan nagta-trabaho si Keano ako pumasok.

Hindi naman sa gusto kong itago sa kanila iyon, ayoko lang na mag-alala pa sila sa akin.

Pagkatapos kong kumain ay nagprepare ako ng lunch para kay Flynn. Sobra ko siyang nasaktan sa nangyari kahapon. Kailangan kong bumawi at ipakita sa kaniya na totoong mahalaga siya sa akin at totoong mahal ko siya.

Kung ano ang mayroon sa amin ni Keano noon, matagal ng tapos iyon. Ngayon ay si Flynn na ang lalaking kasama ko. Siya ang boyfriend ko at dapat kong ayusin ang relasyon naming dalawa.

Nang dumating si Flynn sa bahay upang sunduin ako ay kaagad ko siyang sinalubong.

“H-hi, good morning.” Pagbati ko sa kaniya. Muli kong naramdaman ang pagkain sa akin ng aking konsensya nang makita ang mugtong mga mata niya.

“Good morning.” Tipid siyang ngumiti sa akin.

Tahimik ang naging biyahe namin patungo sa ospital. Naiintidihan ko ang pagiging tahimik niya, siguradong galit pa rin siya. Inaasahan ko na ito, nasaktan ko siya at normal lamang ito. Pasalamat pa nga ako at inihatid niya ako.

“I’ll pick you up, later.” Sabi niya. Nasa tapat na kami ng ospital.

Tumango ako at kinuha yung paper bag na dala ko kung saan nakalagay yung lunch na ginawa ko para sa kaniya.

“Ginawan kita ng lunch. Paborito mo to, kaya ubusin mo ito okay?” Sabi ko sa kaniya tsaka iyon iniwan sa passenger na inupuan ko.

Mukang na-surprise naman siya dahil saglit siyang napahinto. Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang yakapin siya.

“I’m sorry Flynn. Alam ko hindi enough yung paghingi ko ng tawad sa nagawa ko kaya gusto kong bumawi sayo. Gusto kong ayusin natin ang relasyon natin, please? Maniwala ka man o hindi mahal kita at importante ka sakin. Pangako, di-distansya na ako kay Keano simula ngayon. Iiwasan ko na siya.” Sabi ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang marahang paghagod ng kamay niya sa aking ulo. Tapos ay mahigpit niya rin akong niyakap.

“Okay...thank you Eli.”

Umiling ako. “Wala ka dapat ipagpasalamat. Ito ang tamang dapat kong gawin. Ayoko nang saktan ka pa, you don’t deserve it.” Sabi ko. Nanatili akong nakayakap sa kaniya. Mahigpit niya rin akong niyakap ay dinampian ng halik sa aking ulo.

Ilang sandali pa kami nanatili roon bago ako kusang bumitaw sa yakap.

“Alright, I’ll see you later. Take care, I love you.” Hinalikan niya ako sa noo.

“I love you too. I’ll see you later.”

I waved my hand. Pinanood ko siyang sumakay sa kaniyang kotse at mag-drive palayo. Nang mawala siya sa paningin ko ay tsaka na ako naglakad papasok sa ospital.

Ngunit isang kamay ang humablot sa aking braso. Ang madilim na mukha ni Keano ang sumalubong sa akin nang lingunin ko ito.

“Keano!” Medyo gulat kong tawag sa kaniya.

Walang salitang hinitak niya palayo sa entrance ng ospital. Sinubukan kong kumawala sa kaniyang pagkakahawak ngunit hindi ako nagtagumpay. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa kaniya sa kung saan niya ako dadalhin.

Huminto kami sa garden ng ospital. Duon niya lamang ako binitawan.

Masama ko siyang tiningnan habang hinihilot ang braso kong mahigpit niyang hiniwakan kanina.

“Anong problema mo? Bakit ka nanghihitak?!” Inis kong sita sa kaniya.

“Anong problema ko? Nag seselos ako Eli! Tangina!”

Malakas niyang sigaw. Hindi ko maiwasang manlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.

Humakbang ako paatras sa kaniya upang magkaroon kami ng distansya dalawa. Naso-soffucate ako sa lalim ng kaniyang pagtitig sa akin.

Huminga ako ng malalim at matapang na sinalubong ang kaniyang mga titig.

“Uuliti ko sayo, yung nangyari kahapon isang malaking pagkakamali lamang iyon. Walang ibig sabihin iyon…humihingi ako ng tawad sa nangyari. Hindi ko sinasadya, sana kalimutan na natin iyon.” Sabi ko sa kaniya at hindi pinansin ang kaniyang sinabi.

Tinalikuran ko siya kaagad. Ayoko nang magtagal pang magkausap kami. Pinangako kay Flynn na lalayuan ko na siya. Kung hindi kinakailangan ay hindi na ako lalapit sa kaniya o makikipag-usap sa kaniya.

“That should be me.”

Napahinto ako sa paglalakad nang magsalita siya. Ang kaniyang boses ay puno ng hinanakit at pagsusumamo.

“Eli ako dapat iyon. Ako dapat iyong nasa posisyon ng lalaking iyon. Sa kotse ko dapat ikaw nakasakay. Ako dapat ang susundo at maghahatid sa’yo. Ako dapat yung magbubukas ng pintuan para sayo. Ako dapat yung hahalik sa noo mo, yung yayakap sayo…”

Nahimigan ko ang pagkabasag ng kaniyang boses. Nanatili akong tahimik.

“Tangina Eli! Ako dapat yung pinagsasabihan mo ng I love you! Ako dapat yun! Ako Eli! Ako! Dahil akin ka at sayo ako!”

Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi at matapang siyang hinarap.

“Kung ano man ang meron sa atin noon, matagal ng tapos ‘yun. You don’t own me anymore and I don’t own you too. Masaya ako kay Flynn, maayos ang relasyon naming dalawa at gusto kong manatili iyon…” Bumuga muli ako ng hangin.

“Bumitaw kana, dahil may ibang kamay nang hawak ang kamay ko. At hindi ko siya bibitawan para muli kang hawakan…You have to let go and move on.” Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay muli ko na siyang tinalikuran at naglakad papalayo.

Nagtatalo ang puso at isipan ko habang naglalakad ako palayo sa kaniya. Ang puso ko ay nasasaktan sa bawat paghakbang ng paa ko papalayo muli sa kaniya ngunit ang sigaw ng isipan ko ay ito ang tamang gawin.

Hindi inaasahan na matapos ang halos walong taon, patuloy pa rin kaming masasaktan ng ganito. Siguro nga, hindi talaga kami para sa isa’t-isa.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon