Chapter 47

538 30 0
                                    

Chapter 47

Ganon ba talaga kapag mahal mo yung tao? Nagiging mababaw ka para sa kanila? Sa kabila ng lahat ng frustrations, alinlangan at pagdududa sa isang yakap at salita lang nila nawawala lahat?

Kanina punong-puno ng maraming tanong at pagdududa ang isipan ko para kay Keano. Ngayon na nasa harapan ko na siya at yakap-yakap lahat ng iyon ay tila tinangay ng hangin sa kawalan.

All I could think right now is he's here. He's already here and everything is fine.

Mababaw ba ako? O sadyang mahal na mahal ko lang ang taong ito?

Hinawakan niya ang mukha ko at pinahid ang luhang lumandas roon.

"Hey, stop crying. I'm already here." Masuyo niyang sabi.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Welcome home."

He smiled and lean on me to me kiss on the lips.

"Yeah. I'm home." Sabi tapos ay muli niya akong nilapatan ng halik sa noo.

After ng mahabang yakapan na iyon ay hinatak niya ako sa kusina dahil nag luto raw siya ng hapunan kanina. Kanina niya pa raw ako hinihintay at lumamig na ang sinigang na niluto niya.

Pinaupo niya ako sa upuan habang iniinit niya ang sabaw. Pinanood ko lamang siya roon. Sa sobrang occupied ko sa presenya ni Keano ay muntik ko nang makalimutan si Flynn na naghihintay sa baba.

Kaagad kong kinuha ang phone ko sa aking bag upang i-text si Flynn. Nakakahiya baka isipin niyang nakalimutan ko na siya!

[To: Flynn

Hey, Keano is already here. You can go home, drive safely.]

Ilang segundo lamang ang inintay ko bago nakatanggap ng reply sa kaniya.

[From: Flynn

Just what I presumed. Now I can be at peace knowing you'll be fine now. Good night Eli.]

Hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ko iyon. I am so lucky to have a friend like him. Ever since I was a kid, I never been so comfortable sharing my personal issues to my friends even to my closest ones. Feeling ko kasi, magiging dagdag burden pa iyon sa kanila.

But with Flynn, I don't know why I feel so comfortable. Maybe dahil siya rin 'yung kasama ko noong panahong pilit kong tinatakasan ang nararamdaman ko kay Keano. I hope na makabawi rin ako sa kaniya sa susunod.

"Who are you texting?"

Sumulyap ako kay Keano nang magtanong siya. Salubong ang kaniyang mga kilay habang ang mga mata ay naniningkit.

"Uh, si Flynn." Sagot ko.

Inilapag niya ang isang mangkok ng sinigang sa mesa. Pinag-krus niya ang kaniyang mga braso. "Flynn? Siya ba ang kasama mo kanina?" Nawala ang lambing ng kaniyang boses.

Tumango ako. "Oo, nasa bahay nila ako."

Tumaas ang isang iyang kilay. Ang kaniyang mga naninigkit na mga mata ay biglang tumapang.

"So the whole time that I've been trying to call you, you're with him? What the hell are you doing in his house?"

Nag-iba na ang tono ng boses niya. Tumaas ito at galit. Bigla akong nataranta dahil mukhang alam ko na ang kapupuntahan nito.

"Because my father is there." I answered.

Kumunot ang noo niya, tila naguguluhan sa aking sagot. Bumuga ako ng hangin at inumpisahan ang pagpapaliwanag sa kaniya.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon