Chapter 05

903 36 0
                                    

Chapter 05






Hindi ko alam kung pagsisihan ko bang si Keano ang pinapili ko kung saan kami kakain o ano.


Ang buong akala ko ay sa normal na kainan lamang kami kakain, ngunit hindi. Nasa isang maganda at mamahaling restaurant kami ngayon.


Hindi ko tuloy maiwasang mahiya dahil hindi bagay sa eleganteng restaurant na ito ang aking lumang t-shirt at pantalon.

"May problema ba?" Tanong ni Keano. Napansin niya yatang hindi ako mapakali at panay ang tingin ko sa paligid.


Naka order na kami, iniintay nalang.


Umiling ako at umayos ng upo. "Wala naman. Hindi lang ako sanay sa ganitong lugar." Sagot ko.


Ngumiti siya. "Don't worry, you'll get used to it soon. Just don't mind, people around you." Sabi niya saka sumimsim ng tubig.


Hindi katulad ko si Keano ay sanay na sanay gumalaw sa ganitong klaseng lugar. Ngayong tinitignan ko siya, ay tila mas nakaramdam ako ng panliliit sa sarili.


Kahit isang casual na long-sleeve shirt, na nakatupi hanggang siko lamang ang kaniyang kasuotan, ay nababagay pa rin siya sa eleganteng ambiance ng lugar.


Samantalang ako, pakiramdam ko mas mahal pa nga ang sapin ng mesang ito kaysa sa mga suot kong damit!


Teka, kailan pa ako na conscious sa estado ko sa buhay? Tsk. Bakit ba ganito ang pumapasok sa isip ko? E ano naman kung mahirap ako. Ano naman kung napaka luma nang damit ko? Tsk. Wala namang masama at nakakahiya sa pagiging mahirap.


Nagkaiba lang naman ang estado ng tao sa pamumuhay dahil sa hindi pantay na oportunidad sa buhay. May mga taong nakakuha ng maayos at malaking oportunidad kaya maginhawa ang buhay. May roon naman na kahit anong sikap ang gawin, dahil walang magandang oportunidad ay walang asenso ang buhay




Gaya namin sa probinsya. Masipag ang mga tao sa probinsya, ngunit hindi ganon ka progresibo ang pamumuhay dahil hindi ganon kaganda ang oportunidad na kanilang nakukuha, idagdag pa ang ilang mga taong inuuna ang kanilang pansariling mga interest at nanlalamang sa kapwa.


Tsk. Ayusin mo ang sarili mo Eli! Walang oras para mag self-pity para sa estado mo sa buhay. Narito ka sa Maynila upang baguhin iyon at bigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya mo!


Umiling ako upang tanggalin lahat ng negatibong bagay sa aking isipan. Wala namang mangyayari kung iisipin ko ang mga iyon.


Mga ilang minute pa ang lumipas at dumating na ang napaka raming pagkaing inorder ni Keano.


Siya na ang pinaorder ko dahil hindi ko maatim na magorder ng pagkaing doble ang mahal sa presyo ng pagkain namin sa buong maghapon sa probinsya.


"Ubusin mo lahat 'yan Eli." Natatawang sabi ni Keano.


Nanlaki ang mga mata kong tiningnan siya.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Место, где живут истории. Откройте их для себя