Chapter 41

633 36 1
                                    

 Chapter 41



Since tapos na ang tournament ni Keano at tapos na rin ang finals at mga requirements para sa semester na ito. Lantern Festival nalang ang hinihintay upang tuluyang matapos ang semester.

Bumalik na rin ako sa condo niya dahil ayaw niya akong tigilang kulitin. We spent days and nights together. Naging daan rin iyon upang mas makilala namin ang isat-isa.

"So that explains, kung bakit hindi ka lumapit man lang sa dagat noong nasa beach tayo sa Batangas." Sabi niya matapos kong maikuwento sa kaniya kung saan nanggaling ang trauma ko sa dagat.

Nasa condo niya lang kami ngayon dahil weekend. Wala na silang training kaya naman hindi na niya kailangan umalis. Nasa sala lang kami at kumakain ng ice cream. Naka upo ako sa sofa habang siya ay nakahiga sa lap ko at parang batang nagpapasubo ng ice cream sa'kin.

"Yeah. Sinubukan ko naman noon na i-overcome yung trauma ko pero hindi ko kaya." Sagot ko.

"Then why did you jump on swimming pool that time to save me? Ni-hindi mo naman ako kilala noon." Tanong niya pa.

Nagkibit balikat ako. "I don't know. Nataranta ako at hindi ko na alam kung anong gagawin ko." Sagot ko.

"Maybe because we're really destined for each other?" Ngumisi siya.

Umiling ako at kinurong at ilong niya. "Ang dami mong alam." Natatawa kong sabi.

"Why? Hindi ka ba naniniwala?" He asked.

Nagkibit balikat ako. "I don't know. You think we are destined?" Pagbabalik ko sa kaniya ng tanong.

Hinuli niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. Dinampian niya pa iyon ng halik.

"Yeah. I think we really are. That night when you jump on the water to save me, you really did. You saved me from drowning into my own misery." Muli niyang hinalikan ang likod ng aking palad. "That is why I can't help but to fall for you. You are like a sun into my grayish day, my moon into my dark nights."

Bawat salitang kaniyang binibitawan ay naghahatid sa akin ng kakaibang saya at kiliti sa aking sikmura. Ang mga insektong naroroon ay tila mga baliw na sa walang tigil na pag-ligalig.

"That is why I don't allow you to leave me. Hindi ka pwedeng umalis sa tabi ko, unless kasama ako understand?"

Natawa ako sa parang batang pagkakasabi niya noon. Tumango ako at kinurot ang kaniyang ilong.

"Opo. Hindi ako aalis sa tabi mo." Sabi ko.

Ang pag-iwan sa kaniya ang pinaka huling bagay na naiisip kong gagawin ko. Hanggat kaya ko, hinding-hindi ko siya bibitawan o iiwan. Hanggat may rason para ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kaniya mula sa mga taong tututol sa amin, ay lalaban ako.

University lantern festival arrived the following week. Magkasama kaming pumunta sa festival. Sobrang excited ko dahil ito ang unang pagkakataon na makaka-punta ako sa ganitong selebrasyon.

"Sobrang excited mo naman." Natatawang sabi ni Keano dahil kanina ko pa siya sinisigawan na bilisan.

Pano ay nanood pa ng movie, alas siyete na ng gabi!

"Baka hindi natin maabutan ang fireworks at ang bandang tutugtog!" Sabi ko sa kaniya.

Nasa sala ako habang hinihintay siyang magbihis. Ubod ng kupad!

Narinig ko ang paghalakhak niya mula sa loob ng kwarto. "10 PM pa starts ng mga banda, at 12 midnight ang fireworks. 7 PM palang, and don't worry I can get all that bands to play for you and gives you a live fireworks if we missed it."

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now