Chapter 32

675 34 0
                                    

Chapter 32

"K-keano!"

I tried hard to push him away. Tears starting sting my eyes. Suminghap ako ng hangin nang maghiwalay ang aming mga labi.

I slap him. Bumiling ang kaniyang mukha. Nakita ko ang pagigting ng kaniyang panga.

"I-I'm moving out." I stated. Nanginig ang boses ko.

Hinawi ko siya upang makaalis mula sa pagkaka-corner niya sa akin roon. Inis kong pinahid ang luhang nagbabadya sa aking mga mata.

"Eli no! Hindi ka aalis rito! You'll stay here!" Mataas na ang kaniyang boses, mukhang nainis na rin siya.

Hinablot niya ang aking isang braso upang muling mapaharap sa kaniya.

"Ano bang problema? Hindi ka pa rin ba naniniwala sa mga sinabi ko? Handa kong patunayan ang lahat ng iyon. Papatunayan kong mahal kita hanggang sa maniwala ka!" I heard a hint of desperation in his voice.

Hinawi ko ang kamay niya. Umiling ako. "No, Keano hindi iyon. Ang problema ay ang mismong nararamdaman mo!" I hissed.

Kumunot ang noo niya. "What's wrong with that? Ano bang mali na mahalin ka? Bakit dahil sa pareho tayo ng gender?"

"Oo Keano! Dahil pareho tayong lalaki! You shouldn't feel something like that for me! Hindi pwede! Gusto mo bang husgahan ka ng mga tao? You are Kean Anthony Leondones! People knows your name and you have a reputation. Gusto mo bang masira iyon?"

"Kung huhusgahan nila ako dahil lang sa minahal kita, then be it. I don't fucking care if they call me names just because I fall in love with you. Nakahanda ako." Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniya. "Wala akong pakealam kung masira ang pangalan ko, I'd risk it for you."

Is he serious? Handa siyang masira ang pangalan niya para sa akin? Ganun ba talaga ka worth it ang nararamdaman niya para sa akin para lang isugal niya ang sarili niyang pangalan?

"Paano ang pamilya mo? Ang mga kaibigan mo? Keano, ayokong masira ka sa kanila ng dahil lang sa akin. Pwede ka pang magmahal ng iba, please iba nalang...huwag ako." Naramdaman ko ang tila patalim na gumuhit sa aking dibdib nang sabihin ko iyon.

"Yeah, only if I could. When Sofia left me, I promised to myself that I'll never love again. But then you came, unconsciously you make me fall for you. Kung kaya kong magmahal ng iba matagal na Eli, pero hindi. Hanggang sa dumating ka."

Ang bawat pagkabog ng dibdib ko ay halos bumasag sa rib cage nito. Ang mga insekto sa aking sikmura ay hindi na mapakali. Kung sa ibang situwasyon, siguro ay maa-appreciate ko ang bawat salitang binibitiwan ni Keano. Marahil ay magdi-diwang ako dahil gusto rin ako ng taong gusto ko.

Ngunit hindi...hindi maari dahil sa mga magulang niya. Ayokong masira ang tiwala ng mga magulang niya sa akin...sila ang may hawak ng kinabukasan ko.

Umiling ako. "I-I'm sorry...pero hindi ko kayang suklian 'yang pagmamahal mo. I-I can't love you...I-I'm sorry."

Tumingin ako sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin at tila pilit inaarok ang aking mga sinabi. Nabahiran ng sakit ang mga mata niya.

"W-why?" Narinig ko ang pagkabasag ng kaniyang boses.

"B-because I-I just can't. I-I'm sorry." Tumalikod na ako tsaka naglakad sa patungo sa aking silid.

Tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata nang makapasok ako. Kaagad kong kinuha ang jacket ko sa kama at isinuot iyon. Sinulayapan ko ang dalawang bag ko na naglalaman ng mga gamit ko. Naempake ko na ito kagabi dahil desidido na ako sa aking pasya na umalis rito.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now