Chapter 56

611 43 6
                                    

Chapter 56

Kahit na apat na taon na nang makabalik ako rito sa Pilipinas, hindi ako nagtangkang bumisita o magpakita kina Doctor Carlos o kahit kay Ma'am Cassandra.

Noong mga panahon na iyon kasi ay hindi ko pa alam paano haharap sa kanila. Umalis ako ng hindi man lang nakapagbigay ng magandang paalam sa kanila. Nahihiya ako.

Ngayon ang unang pagkakataon na magkikita ko silang muli pagkatapos ng walong taon.

"Naalala ko ang pamilyar na senaryong ito. Noong unang araw mo rito sa Maynila ay hinatid rin kita kay Doctor Leondones, at noon ay labing walong taong gulang ka lamang at nag-uumpisa sa iyong pangarap..." Sabi ni Mr. Hans habang nasa loob kami ng elevator at hinihintay ang paghinto nito.

Nanumbalik rin sa akin ang araw na iyon. Oo nga, ganitong ganito ang senaryong iyon. Nakasunod ako sa kaniya at patungo sa opisina ni Doctor Carlos. Ang pagkakaiba lang ay natupad ko na ang pangarap ko.

"Ang bilis lumipas ng walong taon hano po..." Sabi ko.

Huminto ang elevator. Sabay kaming lumabas at naglakad.

"Siyang tunay. Ako'y labis na nagagalak na makitang natupad mo ang iyong pangarap, Doctor Eli..." Sabi niya. Saktong nakarating na kami sa harap ng opisina ni Doctor Carlos.

Kumatok siya ng tatlong beses roon bago iyon binuksan. Sinenyasan niya akong pumasok na.

"Tiwala akong magiging isa ka sa magagaling na doctor ng ospital na ito." Sabi niya bago ako makapasok sa loob.

Ngumiti ako at tumango. "Salamat po sa tiwala, Mr. Hans."

Tumuloy ako sa loob at nadatnan ko sa sofa si Doctor Carlos at Doctor Caspian na nag-uusap.

Una akong nakita ni Doctor Caspian. Malawak itong ngumiti sa akin at tumayo mula sa pagkakaupo at sinalubong ako.

"Welcome to Xavier Medical Hospital Doctor Parson." Sabi niya taska ako niyakap ng mahigpit.

He muffled my hair. "You've grown up really well." Sabi niya.

"Thank you Doc Caspian."

Bumaling ako kay Doctor Carlos. "Kumusta po, Doc Carlos." Bati ko sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at niyakap rin ako. "Welcome, Eli. I'm glad to see you again."

"Ako rin po. Masaya akong makita kayo ulit." Nahihiya kong sabi.

"Let's take a sit and talk for a while. We haven't seen each other for eight years, I want to hear a story from you." Sabi ni Doctor Carlos.

Kahit walong taon na ang lumipas ay walang nagbago sa mainit na pagtanggap at pakikisama sa akin nina Doctor Carlos at Doctor Caspian. Kung paano nila akong pinakitunguhan noon ay ganun pa rin nila ako pinapakitunguhan ngayon.

I told them what happened to me inside of those eight years. Kinamusta rin ni Doctor Carlos ang sina Lolo. Bumalik pala siya sa aming probinsya noon para sa medical mission nila, ngunit hindi na niya naabutan sina Lolo.

Sinabi kong nakalipat na sila rito sa Manila. Sabi niya ay bibisita raw siya sa bahay minsan upang kumustahin si Lolo.

Napagalaman ko rin na ikinasal na si Doctor Caspian five years ago at may kambal na itong anak. Naisip ko si Ma'am Cassandra, paniguradong masayang-masaya siya ngayon na inaalagaan ang kaniyang mga apo.

"I'm sure Keano will be very happy to see, again." Bigla ay sabi ni Doctor Carlos na nakapag patigil sa akin.

Tipid akong ngumiti. "U-uh, kumusta na nga po pala siya? Nabalitaan kong nag top siya sa board exam." Sabi ko.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now