Chapter 55

574 42 3
                                    

Chapter 55

"Happy birthday, Eli!"

Ang matinis na boses ni Stella ang sumalubong sa akin nang salubungin ko sila papasok sa aming bahay. She hugged me tightly.

"Happy birthday, Eli." Yuri hug me.

Maico handed me gift and hug me too. "Happy birthday," he gently tapped my back.

Allen muffled my hair. "Happy birthday, Eli."

"Thank you, tara na kanina pa kayo iniinatay nina Lolo." Sabi ko sa kanila.

Yuri and Allen are still together, while Stella and Maico are already engaged. Masaya akong makitang nasa maayos at healthy relationship ang lahat ng kaibigan ko.

It's been four years since I came back. Tapos na kami lahat sa med school and we've already took our board exam. Laking pasasalamat namin na nakapasa kaming lahat at sa susunod na linggo na ang umpisa nang aming residency.

Natupad ko na ang pangarap naming dalawa ni Mama.

"Oh, nasaan si Flynn? Hindi ba siya makaka punta?" Tanong sa akin ni Lolo.

"Tumawag siya kanina, may meeting siyang kailangan irepresent sa Tagaytay." Sagot ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Lolo nang may pag-aalala sa kaniyang boses.

"Oo naman Lo. Napag-usapan napo namin ang mga ganitong bagay. Importante ang meeting na iyon, mas kailangan siya duon." Sagot ko.

It's my 25th birthday today. Nagkaroon ng business meeting abroad ang Daddy ni Flynn kaya siya ang dumalo sa meeting ng kompanya nila ngayon. Hindi naman big deal sa akin ang pagkawala niya ngayon rito dahil alam kong importante ang pinuntahan niya at tumawag rin siya sa akin kanina. Isa pa, magkasama rin kami kahapon.

Maliit na selebrasyon lamang ang nangyari sa bahay. Mga classmate ko sa med school at ilang dating kaibigan ang dumating.

Alas siyete nang gabi nang sabihan ako ni Kuya Leo na ipinapasundo ako ni Flynn. Nagta-trabaho kasi si Kuya Leo kina Flynn bilang driver at body guard.

"San tayo pupunta kuya?" Tanong ko habang nasa biyahe.

"Basta, secret. Sabi ni pareng Flynn huwag kong sabihin sayo. Surprise daw 'yun." Sabi niya.

Natawa nalang ako at napailing. Tsk. Yung lalaking 'yun talaga. Ang hilig sa mga ganitong bagay.

Tumigil ang sasakyan sa isang five star hotel. Sinenyasan ako ni Kuya Leo na bumaba na.

"Pano, hanggang dito nalang kita maihahatid. Mag enjoy ka, Eli." Sabi niya bago ko maisara ang pintuan ng sasakyan.

Tumango ako at kumaway bilang paalam sa kaniya. Nang tuluyang maka-alis si Kuya Leo ay tsaka ako pumasok sa hotel. May sumalubong sa aking middle age man, na nakasuot ng itim na suit.

"Mr. Ethan Lionel Parson?" Salubong sa akin nito.

"Ako nga." Sagot ko.

Ngumiti siya sa akin. "Mr. Salazar is waiting for you, please follow me sir."

Sinundan ko siya gaya ng kaniyang sabi. Sumakay kami sa elevator at nakita kong pinundot niya ang elevator patungo sa rooftop ng building.

It didn't take too much time and the elevator stop.

Iginaya ako ng lalaki palabas ng elevator. Sumalubong sa akin ang napakaliwanag na paligid. Halos mapatulala ako sa ganda ng disenyo ng lugar. Maliwanag at puno iyon ng bulaklak.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon