Epilogue

1.1K 54 10
                                    

THE LOVE ENCOUNTER

Epilogue

SIX YEARS AFTER

"Okay, so from now on iinom ka na ng medicine mo okay? Huwag kana tatakbo at magtatago. Para mabalis ka gumaling okay?" Pagka-usap ko kay Eron, ang seven year old kong pasiyente.

Nakanguso itong tumango. Hindi ko tuloy mapigilan ang pangigilan ito dahil sobrang cute nito. Ang taba ng kaniyang pisngi, mapula at medyo naka-usli ang nguso nito tapos ay naka bagsak ang buhok.

I patted his head and handed him a lollipop. "Here, this is your prize. Remember always listen to your mom." Sabi ko.

"Thank you po, Doc Eli." Sabi ni Eron.

Nginitian ko ito at marahang pinisil ang kaniyang pisngi bago humarap ako sa kaniyang Mommy at ipinaliwanag rito ang ilan pang gamot na dapat inumin ni Eron. Pagkatapos ay nag-paalam na rin sila. Kumaway ako ng huling beses kay Eron bago ito tuluyang makalabas.

Napabuga ako ng hangin pagkasarado ng pintuan. Bigla ko tuloy na miss ang anak kong si Klio. Ngayong araw ang unang araw ng pagpasok niya sa daycare. Ano kayang ginagawa ng batang yun? Sana lang ay hindi siya nagsu-suplado at nagsu-sungit sa mga classmate niya. Ibang klase pa naman ang batang yun.

Si Klio ang nagsalba sa akin noon, noong mga panahon na parang unti-unting gumuguho ang mundo ko sa dami ng mga nangyari. Pakiramdam ko noon hindi ko na kakayanin ang lahat. I was in the verge of giving up. But then, Klio came. He brought light into my dark world and give me a new strength.

SIX YEARS AGO

"Lo, pauwi na po ako. Dumaan lang ako sa grocery."

Sabi ko kay Lolo.

[Ah ganun ba? Sige-sige mag ingat ka apo sa pagmamaneho.]

Paalala nito. Natawa ako dahil hanggang ngayon kasi ay ayaw talaga ako pagmanehuhin ni Lolo kahit na isang taon na akong may lisensya.

"Opo Lo. Sige na ibaba ko na to, nasa parking lot nako." Sabi ko tsaka na nag paalam.

Pagkapatay ko ng cellphone ay kaagad ko iyon ibinalik sa aking bulsa upang mahawakan ko ng mabuti dalawang paper bag na binili ko.

Habang naglalakad ako palapit sa kotse kong naka park sa dulo ng parking lot ay may naririnig akong tila umiiyak na bata. Medyo nakaramdam ako ng takot nang lumalakas ang iyak habang nag lalakad ako palapit sa aking kotse. Gabi na at halos iilan nalang ang mga kotseng narito sa parking lot ng mall.

"What the hell?!"

Bulalas ko nang may makita akong basket na may lamang sanggol sa tabi ng aking kotse.

Kaagad kong binitawan ang dalawa kong hawak na paper bag upang kuhanin mula sa basket ang bata at patahanin ito sa pag-iyak. Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin kung sino man ang walang pusong nag-iwan ng sanggol dito sa malamig na semento ng parking lot. Ngunit wala akong nakita.

Kung kayat inuwi ko nalamang ang bata. Takhang-takha sila Lolo kung saan galing ang baby na inuwi ko sa bahay kaya ipinaliwanag ko sa kanila ang nangyari.

Nagdesisyon kaming kupkopin muna ang bata pansamantala habang hinahanap ko ang kaniyang mga magulang. Isang bwan ang lumipas ngunit hindi namin sila natagpuan kung kayat nag desisyon akong legal na apunin nalang ang bata. I named him, Kean Lionel ang pinagsamang pangalan namin ni Keanno. At itinuring ko siyang tunay kong anak.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt