Chapter 58

560 37 6
                                    

Chapter 58

Napuno ng nakakabinging katahimikan ang loob ng sasakyan matapos ang sinabi ko. Narinig ko ang mabagal ngunit malalim na mga buntong hininga ni Flynn.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Mahigpit ang hawak niya sa manibela ng sasakyan habang matalim ang tingin sa labas.

“Flynn, I’m sorry…” Humihikbi kong paghingi ng tawad. Hindi siya umimik at nanatili siyang tahimik. Ilang buga ng hangin pa ang kaniyang ginawa bago niyamuling pa-andarin ng makina ng kotse.

“F-flynn-”

“We’ll talk about it later, Eli. Let’s grab a dinner first.” Pagputol nya sa akin.

Hindi makapaniwala akong napatitig sa kaniya. Hindi ba dapat ay sinisigawan na niya ako ngayon dahil sa galit? Kung papalabasin niya ako sa kaniyang kotse at iiwan sa gitna ng kalsada ay mainiintindihan ko. Nagkamali ako at isang pangloloko ang ginawa ko sa kaniya.

Ngunit wala akong ni-isang masakit na salitang narinig sa kaniya hanggang sa matapos kaming mag-dinner. Tahimik kaming dalawa hanggang sa ihatid niya ako sa bahay.

“Flynn…magsalita ka naman please.” Sabi ko bago ako bumaba ng kotse.

Tiningnan niya ako diretso sa aking mga mata. Kita ko ang sakit at lungkot na naroon na mas lalong nangonsensya sa akin.

“What do you want me to say?” Mababa ang tinig ng kaniyang boses.

“M-magalit ka sakin. Kahit ano, sigawan mo ‘ko, murahin mo ‘ko kahit ano. Maiintidihan ko please, wag ka lang manahimik… nagkamali ako at maiintidihan ko ang galit mo.” Nanginginig ang aking boses habang nagsasalita.

“I want to…I want to shout, I want to burst in so much anger and jealousy, Eli! But I can’t… I don’t know why I can’t bring myself getting mad at you…Nasasaktan ako Eli, sobra…pero mahal kita… at dahil mahal kita kaya kong magpakatanga ng sobra.” Puno ng pait at pagpipigil ang kaniyang boses.

Kinuha ko ang kamay niya at mahigpit iyong hinawakan. “I’m sorry. Hindi mo kailangan pigilan ang galit mo Flynn, tatanggapin ko iyon dahil nagkamali ako.”

Umiling siya. “Wala naman ng magbabago kahit magalit pa ako. Nangyari na…” Pinunasan niya ang luhang tumakas sa kaniyang mata. “I’m just thankful na naging honest ka sakin. Kahit paano alam kong may halaga ako sayo.”

“Flynn mahalaga ka sakin. Maniwala ka, mahal kita…”

“Pero hindi kung paano mo minahal si Keano noon at hanggang ngayon.”

Napatigil ako at napatitig sa kaniya. Ngumiti siya ngunit hindi umabot sa mga mata niya ang ngiting iyon. Hinagkan niya ang aking mukha at hinalikan ang aking noo.

“Mag-usap ulit tayo bukas. It’s getting late, you have to rest already.” Sabi niya bago siya bumaba ng driver seat upang pagbuksan ako ng pinto.

Gusto ko pa siyang kausapin ngunit nawalan na ako ng lakas. Hinayaan ko nalang siyang bumalik sa kaniyang kotse matapos niya akong maihatid sa loob ng gate. Mabilis na lumisan ang kaniyang kotse. 

Hindi ko na naawat ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko lahat ng ginawa ni Flynn sa nakalipas na ilang taon ay nabaliwala lamang ng isang araw.

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Paulit-ulit sa aking isipan ang mga huling salitang sinabi ni Flynn. Akala ko naka-move on na ako. Akala ko nawala na yung pag-mamahal na meron ako para kay Keano, ngunit mukhang nag-kamali ako.

Shit! I am such a terrible person! Paano koi to nagawa kay Flynn?

Ilang beses ko siyang tinawagan upang makasigurado kung nakuwi na ba siya. Ngunit napagod nalang ako kakatawag hanggang sa inabot na ako ng madaling araw at nakatulog ay hindi niya ako sinagot.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon