Chapter 12

753 45 2
                                    

Chapter 12






Hindi pa rin ako tinigilan ni Stella tungkol sa pakiusap niyang tulungan siyang makipaglapit kay Keano. I told her, I'll look what I can do. But I didn't give her any assurance since I am not sure if I can really do it.


Isang linggo na ang lumipas nang magsimula ang klase. So far, maayos naman ang takbo nang lahat. Friaday ngayon at nakatambay kami sa library para sa recitation sa klase namin mamayang hapon.


Kasama namin rito si Allen. Wala pa raw siyang klase kaya nakikisama siya sa amin. Pabor naman samin iyon dahil may naitutulong siya sa amin sa mga topic na hindi namin maintindihan.


"Gets mo na?" Tanong nito kay Yuri matapos i-explain ang isang topic na hindi masyadong maintindihan ni Yuri.


"Yes! Thank you Allen!" Masiglang sabi ni Yuri na halata namang nagpapacute kay Allen.


Napailing nalang ako. Noong unang araw na ipinakilala ko si Allen sa kanila, agarang sinabi sa akin ni Yuri na crush niya ito. Nakita raw niya ito sa parking noong nag-enroll siya. Kaya naman labis ang saya niya nang malamang kakilala ko rin pala si Allen.


Muli kong itinuon ang aking tingin sa librong nasa harapan ko upang ipagpatuloy ang pagbabasa. Napansin ko si Flynn na katabi ko nakadukmo sa mesa at nakapikit.


Bahagya kong niyugyog ang balikat nito upang gisingin. Bahagyang bumukas ang mata nito at nagtaas ng isang kilay.


"Hindi kaba mag re-review?" bulong ko sa kaniya.


Umangat ang ulo niya at bahagyang nag-inat. Itinukod niya ang isang siko sa mesa at pinatong roon ang kaniyang pisngi, nakaharap sa akin.


"Makikinig nalang ako sa'yo." Sabi niya saka muling pumikit.


Kumunot ang noo ko.


"Seryoso ka?"


"Uhmm." Iyon lamang ang sagot niya.


Kung sabagay, likas na matalino nga pala ang isang to. Hindi ko pa siya nakitang nagbasa ng lectures pero lagi siyang may sagot sa mga surprise recitation.


Nagkibit balikat naman ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Bahagya ko iyon nilakasan upang marinig niya.


Naging maayos naman ang takbo ng mga natitirang klase namin ng hapong iyon. Hindi kami sabay umuwi ulit ni Keano dahil may training siya at sinabay ulit ako ni Kenny.


Gusto ko sanang mapag-aralan kung paano mag commute pauwi sa condo ni Keano para hindi na ako nakikisabay pa kay Kenny na umuwi sa tuwing may training siya dahil nakakahiya.


Minsan may subject akong nag overtime kaya late nag dismiss, nagintay pa sa akin si Kenny dahil may training si Keano. Pero ayaw ni Keano dahil baka daw kung anong mangyari sa akin sa daan.


Hindi ko naman na pinilit dahil baka maasar ko lang ang isang iyon. Nang dumating ang weekend ay naiwan lamang ako sa condo niya nang magisa dahil may training siya.


Ginugol ko ang oras ko sa paglilinis sa condo kahit na hindi naman madumi. Nagligpit-ligpit lamang ako at pagkatapos ay nag-aral. Dumating si Ate Aila kinabukan upang maglaba raw ng damit kaya nagkaroon ako ng kasama. Umuwi rin ito nang hapon.


"Ah, Keano may tanong pala ako." Sabi ko kay Keano nang gabi habang naghahapunan kami.


Tumigil siya sa pagkain at sumulyap sa akin.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now