Chapter 21

771 39 0
                                    

Chapter 21



"Where are you going?"

Salubong ang noo ni Keano nang makita niya akong lumabas ng aking silid. Naka suot ako ng brown na shirt, faded maong pants and sneakers.

Ibinaba niya ang kaniyang papel na binabasa at humarap sa gawi ko.


"Uh, may pupuntahan lang. Birthday ng kapatid ni Flynn." Sagot ko sa kaniya.

Bahagya akong nailang dahil nakatingin sina Kenny at Dylan na parehong nakangisi na naman. 

Lagi nalang nakapakat sa mukha nila ang ngising iyon sa tuwing magkausap kami ni Keano!

Sina Lou at Sandy ay narinig ko sa kusina, mukhang nagluluto ang dalawa.


"Flynn Salazar? Are you close with his family?"


Mas lalong lumalim ang kunot sa kaniyang noo. Shit! Oo nga pala hindi niya alam na minsan akong nag ditch ng klase para samahan si Flynn na puntahan ang kapatid niya sa ospital.


"Uh- hindi naman masyado, a-ano sa kapatid niya lang." Sagot ko.


Naningkit ang kaniyang mga mata. "Anong oras ka uuwi?" Tanong niya pa.


"Uh, uuwi rin ako kaagad." I answered, uncertain.


Magsasalita pa sana siya ngunit natigil siya nang magring ang phone ko. Sinulyapan ko kung sino iyong tumatawag, si Flynn.


"Uh, una na ako." Paalam ko sa kanila.


Tumango sina Kenny at Dylan, "Ingat Eli!" Bilin ni Kenny.


Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Keano ngunit 'diko na pinakinggan pa. Nagtuloy-tuloy na lamang akong lumabas.


Hindi naman sa obligado akong magpaalam kay Keano at kunin ang permiso niya sa lahat ng lakad ko, ngunit dahil sa kaniya ako nakatira ay mabuti na rin iyong alam niya kung saan ako nagpupunta.


Ayokong mag-alala ulit siya gaya noong nangyari noong inakala niyang nawala ako sa mall. He told me, as long as I am living with him I am his responsibility and I don't want to be a burden to him.


That is why, as much as possible I told him everything that happens to me every day in our dinner, with of course some filtered information. It wasn't necessary but I still do.


Nang makasakay ako sa kotse ni Flynn ay dumiretso kami sa mall. Sabi ko kasi gusto kong ibili ng regalo ang kapatid niya. May pera naman akong extra, hindi ko nga halos nagagalaw ang allowance na ibinibigay sa akin nina Doc Carlos.


"You don't have to buy him a gift." Sabi ni Flynn habang nag titingin-tingin kami ng laruan na pwedeng iregalo kay Francis.


"Ayos lang, syempre first time kong aattend sa birthday niya, kaya dapat bigyan ko siyang regalo." Sabi ko.




May nakita akong sasakyan na laruan at kinuha ko iyon tsaka ipinakita kay Flynn.


"Magugustuhan niya kaya 'to?" Tanong ko.


"He's not hard to please, that'll suffice." Sagot niya.


Tumango naman. Tiningnan ko ang presyo at halos manlaki ang mga mata ko sa laki noon. Grabe, kahit kailan hindi pa ako nakabili ng laruang ganito kamahal!


Ngunit dahil unang birthday ni Francis ito na pupuntahan ko, binili ko na rin kahit na ang mahal niya. Ipinabalot na rin namin sa shop nang bayaran namin iyon.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now