Chapter 30

731 46 2
                                    

Chapter 30


Ang mga nagbabagang mata ni Keano ang sumalubong sa akin. Ang pagigting ng kaniyang panga at mariing pag-pisil sa aking braso ang nagbawi sa akin sa pagkakatulala.

"Keano!" Halos pasigaw kong tawag sa kaniya.

Kita ko ang marahas na pagtaas baba ng kaniyang mga balikat. Ilang beses ko ring nakita ang pagkuyom ng kaniyang panga.

Walang pasabi niya akong hinitak na halos ikahulog ko sa stool na aking inuupuan. Mabuti nalang at naitapak ko kaagad ang paa ko kaya hindi ako natumba. Nahulog lamang ang aking bag na nasa kandungan ko. Hindi ko na nagawa pa iyon na pulutin dahil sa paghitak niya sa akin.


Hinitak niya ako palabas ng bar. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Jayce ngunit hindi ko na siya nagawang lingunin.

Hindi ko alam paanong hinawi ni Keano ang dagat ng tao sa aming dinaanan. Basta ang sunod ko nalang nalaman ay hitak-hitak na niya ako sa labas papuntang parking habang mariin ang pagkakahawak sa aking braso.

"K-keano wait lang nasasaktan ako!" Paglas ko sa kaniya. Huminto ako sa paglalakad kaya nahinto rin siya.

Humarap siya sa akin na ganun pa rin ang ekspresiyon. Madilim ang aurang pumapalibot sa kaniya at sa tingin ko ano mang oras ay may gulong mangyayari.

"K-keano bitawan mo." Mahinang sabi ko dahil natatakot na ako sa mga tingin niya. "A..ano bang problema mo?" may panginginig sa aking boses.

"Anong problema ko?! Putangna na Eli! Kanina pa ako nag-aalala sa'yo at halos ikutin ko na ang buong Maynila kakahanap sa'yo! Tapos malalaman kong andito ka lang?! Putangina!"

Halos mapapikit ako sa kaniyang pagsigaw sa akin. Ang galit na kanina niya pa pinipigilan ngayon ay kumawala na. Kung visible ang apoy sa bawat salitang iyon, siguradong natupok na ako noon.

"Hindi mo alam kung anong kaba ang naramdaman ko nang hindi kita maabutan sa condo! Hindi mo alam kung paano ako kinain ng takot sa bawat oras na lumipas na hindi ka umuuwi! I fucking called you hundred times! I texted you! Pero kahit isa sa mga tawag at text messages ko hindi mo sinagot! Putangina!"

Gusto kong magsalita at magpaliwanag pero hindi ako magawa dahil sa galit niya.

"Sino iyong gagong lalaking kasama mo ha? Sino yung tarantadong iyon?!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Ang init sa mga mata niya halos tumunaw sa tuhod ko. "May Allen na, may Flynn pa, tapos may isa pa? Putangina hindi kaba mauubusan ng lalaking nakapaligid sa iyo?!"

Natutop ang bibig ko sa mga salitang sunod niyang binigkas. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin roon.

"Ano bang sinasabi mo?" Litong tanong ko.

Bago pa siya makasagot ay narinig ko ang pagtawag ni Jayce sa akin. Sabay kaming humarap ni Keano sa direksyon ni Jayce. Dala niya ang bag ko at ang box ng cake na hindi ko narin nakuha.

"Eli," Lumapit siya sa amin. Sinulyapan niya ang pagkakahawak sa akin ni Keano tapos ay kumunot ang kaniyang noo. "May problema ba dito bro?" Tanong niya kay Keano nang balingan niya ito.

Narinig ko ang marahas na pagsinghap ni Keano tapos binitiwan niya ako at humarap kay Jayce.

"Wala kang pakealam rito." Malamig na sabi ni Keano kay Jayce.

"Kaibigan ko si Eli, at ako ang nagdala sa kaniya rito kaya responsibilidad ko siya. Teka...sino kaba?"tanong ni Jayce kay Keano.

Humakbang si Keano palapit kay Jayce kaya mabilis akong humarang sa daan niya tapos ay hinawakan ko ang braso niya. Binaba niya ang tingin sa akin.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now