Chapter 48

514 31 0
                                    

Chapter 48

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kaka-iyak sa mahabang biyahe namin ni Flynn. Nagising nalang ako at nakatigil na ang sasakyan.

Kinusot ko ang aking mga mata upang mawala ang panlalabo ng mga iyon. Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita si Flynn sa driver seat. May jacket na nakapatong sa akin, na sa tingin ko ay kanya.

Dumungaw ako sa bintana ng kaniyang kotse. Maraming tao sa labas. Hindi pamilyar sa akin ang lugar. Asan kaya kami?

Binuksan ko ang pinto upang makalabas. Nakaramdam ako ng lamig nang makalabas ako ng kotse. Kaagad kong sinuot ang jacket na nakapatong sa akin kanina.

"You're awake."

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Ngumiti si Flynn sa akin. May bitbit siyang brown na paper bag sa kabilang kamay, habang isang plastic naman sa kabila.

"Asan tayo?" Tanong ko sa nang makalapit siya sa akin.

"Baguio." Maikling sagot niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya. Sinusukat kung totoo ang kaniyang sinabi. He just nod his head as if he's saying 'I'm not joking'.

"Duon tayo, nang makakain ka na." Pag-aya nito sa akin sa isang bench.

Sumunod ako sa kaniya. Inilapag niya sa mesa ang mga dala niya na mga pagkain.

"Ano 'yan?" Tinuro ko ang plastic cup na inilabas niya sa isang plastic.

"Baguio's famous taho." Nag-taas baba ang kaniyang mga kilay.

Inilapag niya yung isang cup sa harapan ko. Hindi naman ako inosente sa taho. Pero kakaiba itong taho nila, kumpara sa kinagisnan kong taho.

"You should try it. That's the best." Pagmamalaki ni Flynn.

Kinuha ko ang plastic spoon na inabot niya at sinunod ang sinabi niya. Saglit pa akong natigil nang malasahan ko ang kakaibang sarap nun. There's something, na hindi ko maexplain.

"Wow, ang sarap!" Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"I told you. Ubusin mo 'yan. Kung gusto mo pa ay bibili pa tayo." Sabi niya na parang Tatay.

Napangiti at tumango nalang ako sa kaniya. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nag-ring ang aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa aking bulsa upang tingnan kung sino ang tumatawag.

Muling nanikip ang aking dibdib nang makita ang pangalan ni Keano naka-rehistro duon. Nanginig ang aking kamay at hindi alam kung sasagutin ko ba iyon o hindi.

"Kanina pa siya tumatawag sa'yo habang tulog ka." Sabi ni Flynn.

Bumuntong hininga ako at hinintay matapos ng pag-ring nun bago ko tinurn-off. Masyadong madami ang gumugulo sa isipan ko at hindi ako makapag-isip ng mabuti. Gusto ko munang huminga at ayusin ang aking isip bago siya kausapin.

Tipid akong ngumiti kay Flynn nang maitango ko ang cellphone ko sa aking bulsa.

"Hindi ko na tatanungin kung ayos ka. It's obvious in your swollen eyes that you're not." Sabi niya na bahagya kong ikinatawa.

"Uh...I'm sorry Flynn. Nadamay ka pa sa gulo ng sitwasyon ko. Dapat ay nasa klase kana ngyon." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Sobrang naku-konsensya talaga ako at pati si Flynn ay nadamay pa sa nangyayari sa akin. Naabala ko pa siya ng sobra.

"How many time do I have to tell you, that you don't have to say sorry? Lahat ng ginagawa kong ito, gusto ko. Kung may magagawa akong pwedeng makagaan ng kalooban mo, gagawin ko." Seryosong niyang sagot.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα