Chapter 09

821 43 0
                                    

Chapter 09






"Hay, Eli, Mamimiss kita kita sa bahay."


Sabi ni Ma'am Cassandra.


Magsisimula na ang pasukan sa susunod na linggo at ngayong araw ay lumipat na ako sa condo ni Keano.


Nahihiya akong ngumiti.


Narinig ko naman ang pagtawa ni Keano na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.


"Stop acting like that mom, para namang hindi mo na makikita si Eli." Sabi niya.


Sumimangot naman si Ma'am Cassandra nang marinig niya si Keano.


"Hay naku Keano, napaka panira mo talaga ng moment bata ka! Anyways, I have to go may kailangan pa akong puntahan..." Paalam nito. Tumango naman ako.


"Keano, ikaw na ang bahala kay Eli. I have to go, bye."


Tumayo si Keano at lumapit kay ma'am Cassandra.


"Ihahatid ko na kayo sa baba." Sabi niya.


Tumango si Ma'am Cassandra at muling bumaling sa akin upang magpaalam. Nag paalam na rin ako sa kaniya.


Pagkaalis nila ay dumiretso naman ako sa magiging silid ko upang iayos ang mga gamit ko.


Isinalansan ko ang mga damit kong ibinili sa akin ni Ma'am Cassandra sa cabinet na naroon. Inayos ko na rin ang mga gamit ko sa school at inilagay iyon sa study table. Pati na rin ang regalong laptop ni Doc Caspian.


Simula noong nag-aral ako, ngayon lamang ako nakaranas na magkaroon ng mga bagong gamit para sa pag-aaral. Usually kasi sa probinsya ay mag recycle lang ng mga natirang school supplies nang nakaraang taon ng pag-aaral ang ginagamit namin.


Ngayon ay bago ang lahat ng gamit ko. Mula sa damit, sapatos, mga papel libro at may kasama pang laptop. Ngayon lamang ako nakaranas ng ganito.


"Knock knock?"


Sumulyap ako sa pinto nang may magsalita.


"Are you comfortable, here?" Tanong niya. Pumasok siya at sumandal sa cabinet.


Tumango ako. "Oo naman. Huwag kang mag-alala, komportable ako rito." Sagot ko. Bahagya pang tumalon habang nakaupo sa kama.


Ngumisi naman siya saka tumango.


"That's good. Anyways, bumili ako ng pagkain, mag lunch na tayo." Pag-aaya niya sa akin. Lumabas na rin siya pagkasabi non.


Nang matapos kong maayos ang mga gamit ko ay lumabas narin ako at pumunta sa kusina.


Sabay kaming kumain. Pagkatos ay nagpaalam siya sa akin na pupunta siyang University dahil may training siya.


Naiwan ako sa condo ng magisa. Natulog lamang ako dahil wala naman akong ibang gagawin. Medyo nakaka bore lang at namiss ko bigla sina Nana Celia at Ate Aila na nasa mansiyon.


Mag aalas sais nang magising ako mula sa mahabang pagkakatulog. Wala pa rin si Keano kaya naman nag linis na muna ako saglit. Hindi naman marumi ang condo niya kaya walis lamang ang ginawa ko.


Pagkatapos ay nag luto ako. May mga gamit na ang kaniyang kusina na binili ni Ma'am Cassandra. Hindi na rin puro beer in can at bottled water ang laman ng refrigerator niya. May mga stocks na roon.




The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now