Chapter 7: Bituin

20 14 1
                                    

Mabilis akong tumayo sa pagkakabagsak, pinunasan ko ang labi na dumampi sa isang stranghero.

"Pwe!"

"Heather..." Pahina ang salita ni Jane dahil nakita n'ya ang talulot ng mga sunflower na nakasabog sa lapag.

"Okay ka lang?"

"Oo," bahagya akong natawa para itago ang nangyari sa aming dalawa... Natigilan ako ng makita kung sino ang tumatayong lalaki sa harapan ko.

Si Ryu...

"E, bakit nasa sahig 'yung sunflower, nadapa ka ba?" Nagtatakang tanong ni Jane, hindi ko agad s'ya nasagot dahil hindi parin ako makapaniwalang si Ryu 'yon.

"Oo e," sagot ko kay Jane pero hindi ko inaalis ang tingin kay Ryu, dumampi ba talaga ang labi ko sa kanya?

Napansin ni Jane ang nakapako kong tingin kay Ryu kaya binalingan n'ya rin 'yon ng tingin at agad na tinulungan tumayo. Kumalat sa daanan ang bitbit n'yang prutas na isa isang kinuha ni Jane. Nang matauhan ako ay tinulungan ko na rin sila.

"'eto o," nakita ko kung paano namilog ang mata ni Jane, sigurado akong nakilala n'ya si Ryu dahil wala akong katigil tigil sa pagbanggit sa kanya sa trabaho, panay din ang pagpapakita ko ng pictures n'ya kay Jane.

"Ikaw ba si Ryu?!" Halatang halata sa boses n'ya ang pagkagulat. Itinuro n'ya pa sa akin si Ryu para kumpirmahin kung si Ryu nga 'yon.

Ilang akong ngumiti at tumango kay Jane.

"Ay wow! Nice meeting you!" Inayos ni Jane ang itsura bago iabot ang kamay n'ya kay Ryu, "In the flesh finally!" kutob na kutob ko na kung ano ang gagawin ni Jane.

"Alam mo ba crush na crush ka n'yang kaibigan ko, walang tigil bunganga n'yan kaku-kwento sayo!" Walang tigil n'yang sabi kay Ryu. Hindi sana ako maiilang kung hindi kami nag-smack ni Ryu ngayon lang.

Mga bituin, kuhanin n'yo ko ngayon na. Kahit ngayon lang tuparin n'yo naman hiling ko.

Kung hindi lang nila ako mapagkakamalang sira ulo ay tatakbo na ako palayo ngayon.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ni Jane.

"Sarado na kami e," dismayado n'yang sabi kay Ryu.

"May susunduin lang ako, dito daw nagtatrabaho yung magbabantay kay lola?" Tanong ni Ryu, habang tiyak na iniisip kung sino sa aming mga nagta-trabaho doon ang susunduin n'ya.

Malakas at nakakahiya ang tawa ni Jane, "Talaga nga naman ang tadhana!"

Halos hindi makahinga sa pagtawa si Jane habang nakaturo sa akin, "Ayan! Si Heather! S'ya magbabantay. Yan pala raket mo ah!"

Sigurado akong iinisin ako ni Jane bukas pagpasok ko sa trabaho.

Ngumiti sa akin si Ryu na parang walang nangyari sa aming dalawa. Paano kaya n'ya nagagawang magpatay malisya? Paturo naman.

Nakakahipnotismo ang ngiti n'ya, hindi ako makapaniwalang sinundo ako ni Ryu Evangelista, siguro pagod lang s'ya noong book signing n'ya kaya s'ya masungit.

Yakap ng kaliwa n'yang braso ang basket ng prutas, unti unti n'yang inangat ang kanang kamay para anyayahan ako...

"Tara na," Gusto kong tumili dahil para s'yang greek god na nakatayo sa harap ko. Gano'n s'ya kagwapo.

Tumango ako sa kanya. Inayos n'ya ang motor at saka ako pinasakay sa likod, ibinigay n'ya din sa akin ang isang helmet na nakasabit sa motor n'ya.

"'wag d'yan, baka mahulog ka," sabi n'ya nang sa likod lang ako ng motor kumapit.

"'wag ka na mahiya, hinalikan mo na nga ako kanina e." Pakiramdam ko ay mabilis na namula ang mukha ko sa sinabi n'ya, ramdam ko kung paano biglaang uminit ang mukha ko sa sinabi n'ya.

Kinuha n'ya ang kamay ko at iniyakap sa bewang n'ya.

"Ganyan."

Katamtaman ang pagpapatakbo n'ya sa motor hanggang makarating kami sa ospital, halata sa mga nurse na kinikilig sila kay Ryu.

Room 463 ang room ng lola ni Ryu, kung titignan si Ryu ay hindi mahahalata sa kanya na may problema s'ya, kahit hindi n'ya sabihin ay alam kong mahirap para sa kanya na makita ang lola n'ya na nasa ospital. Nakukunsensya tuloy ako na nainis ako sa kanya noong book signing, samantalang susunduin n'ya pa pala ang magbabantay sa lola n'ya.

"May pasok kasi ako kaya hindi ko mababantayan si lola, kaya kumuha kami ng magbabatay sa kanya pansamantala." Panay ang ngiti n'ya sa tuwing magsasalita, ngayon ko naiisip na may pagka-judgemental pala ako.

Hinawakan n'ya ang door knob ng pintuan pero bago n'ya 'yon buksan ay nagsalita ako, "Ah, Ryu... Pasensya ka na pala nung book signing ah? Akala ko kasi masungit ka e." Halos kumamot ako sa sariling ulo habang sinasabi ko 'yon.

"Iyon ba? Wala 'yon!" Paano kaya n'ya  nagagawang ngumiti kahit na ganito ang sitwasyon n'ya? Lalo ko tuloy syang nagigiging idolo.

Binuksan n'ya ang pinto ng kwarto. Pagbukas no'n ay narinig ko na agad ang aparatong nakakabit sa lola ni Ryu, gusto kong umiyak sa awa dahil sa sitwasyon n'ya. Naka breathing machine ito at iyon ang tumutulong sa kanya na huminga.

"La, eto ho si Heather..." Malakas ang boses ni Ryu habang nagsasalita, siguro ay dahil mahina na ang pandinig ng lola n'ya at maingay pa ang aparatong nakakabit dito.

Ipinakilala n'ya ako sa lola n'ya at nakita ko naman na panatag ang loob nito sa akin.

Bukas pa daw ako magsisimula, parang orientation ko lang ngayong araw kaya uuwi rin ako ngayon.

Nasa kainan kami malapit sa ospital, ang sabi ni Ryu ay kumain na daw muna kami bago ako umuwi.

Hindi ko mapigilang titigan ang kwintas na suot n'ya, napakaganda no'n. "Ang ganda naman ng kwintas mo."

"Kay mama 'to e, kasing ganda n'ya." sabi n'ya saka itinuloy ang pagkain.

"Buhangin ng meteor yung nasa loob n'yan." Hinubad n'ya ang kwintas at saka binaligtad ang pendant nitong hourglass para makita ko kung paano bumaba ang buhangin na laman nito.

"Ang sabi sa akin ni mama sa tuwing bumabagsak daw ang mga starts kapag meteor shower... "

"Humahaplos sila sa mga tao para tumupad ng mga kahilingan," tumitig kami ni Ryu sa isa't isa nang sabayan ko s'ya sa pagsasalita.

"Pano mo nalaman?" Kuryoso n'yang tanong.

"Sabi din sakin ni mama, kaso nawawala sila ni Hannah ngayon e." pinawi ko kaagad ang lungkot na nararamdaman, alam kong malungkot na si Ryu at ayokong magkwento ng problema sa kanya.

"Naniniwala ka ba sa bituin?" Bahagya s'yang natawa sa tanong ko, dismayado ako sa kanya dahil akala ko ay naniniwala din s'ya sa bituin katulad ko.

"Hindi ko alam. Ikaw, kung totoo sila ano bang hihilingin mo?" Tanong n'ya pabalik sa akin.

"Mabuo ulit kami nila mama at Hannah, ikaw?"

"Matupad nalang siguro ang gusto ni lola," kumunot ang noo ko sa sagot n'ya, wala ba s'yang gusto para sa sarili n'ya?

"Ano ba 'yon?" Tanong ko.

"Ang makita daw akong masaya at matutong magmahal..."

An Infinite MasterpieceWhere stories live. Discover now