Chapter 13: Reunite

21 11 0
                                    

Hindi naman palaging masama si papa, sa totoo nga ay hindi ko alam na kaya n'yang gawin ang mga nagawa n'ya sa pamilya naming. Malinaw pa sa ala-ala ko ang masasayang memorya naming buong pamilya, kung paanong kahit na pagod si papa sa trabaho ay kakargahin n'ya kaming pareho ni Hannah, na kahit mahirap at wala kaming pera ay hindi n'ya nakakalimutan na bilhan kami ng regalo sa tuwing birthday naming at pasko. Hindi perpekto pero masayang masaya kami noon.

Nagbago si papa noong nagsimula s'yang matuto kung paano magsugal, sa tuwing mananalo ay may masarap kaming ulam, maganda ang mood n'ya at hindi kami nangangapa sa kung anong ugali ang ipapakita n'ya. Pero katulad ng iba, mas madalas ang talo, mas madalas na s'yang magalit at sumigaw, natuto din s'yang uminom at nagsimula na n'ya kaming saktan. Ang sabi ng mga pulis pinatay nila papa dahil ayaw n'yang magsugal, gusto n'ya nang talikuran ang masamang gawain, siguro dahil nawala kami sa kanya. Noong gabing tumakas kami ay puno ako ng galit kay papa dahil sa ginawa n'ya, pero kahit gano'n ay hindi ako tumigil na umasa at humiling sa Diyos gabi gabi na ibalik n'ya ang dati kong papa, hindi n'ya ako binigo dahil sa huling sandali ng buhay ni papa kahit sa kwento lang ay narinig ko ang pagbalik n'ya

Nang sabihin sa akin ng mga pulis ang nangyari, pakiramdam ko ay tumigil saglit ang mundo, hindi ako makapaniwala. Ayaw kong maniwala. Hindi agad na pumatak ang luha ko ng makita ko ang walang buhay na katawan ni papa, prinoseso pa ng isip ko kung totoo ba 'to o baka isang masamng panaginip lang.

Tinanggal nila ang kumot na nakabalot sa mukha n'ya, sa unti unti kong paglapit saka ko naramdaman ang unti unti ding pagbigat ng pakiramdam ko, unti unti kong naiintindihan na totoo nga 'to, wala na talaga si papa.

Siguro ay nagtataka si Mich o si Ryu kung bakit sa kabila ng mga nagawa ni papa ay nakuha ko paring umiyak, siguro dahil mas lamang parin ang magaganda n'yang nagawa sa amin kaysa sa mga masasakit, hindi s'ya perpektong ama pero saksi ako kung paano n'ya sinubukan noon. Marami s'yang nagawang kamalian hindi lang sa amin kundi pati na sa ibang tao, pero para sa akin, babaunin ko ang magagandang ala-alang naiwan n'ya, susubukan kong kalimutan ang mapapait naming pinagdaanan. Papa, pinapatawad na kita...

Nakatingin ako sa mga bulaklak na nakapaligid kay papa, matagal na rin akong nagta-trabaho sa flower shop, kahit kalian ay hindi ko naisip na mag aayos pala ako ng bulaklak para sa lamay ni papa.

Naramdaman ko ang malambing na paghaplos sa akin ni Mich, iniabot n'ya sa akin ang isang basong kape, "hindi ka pa kumakain, uminom ka muna nito..." Inabutan din ako ni Mich ng tinapay."Kain ka muna, kahit ito lang."

Katulad ng dati ay malaki nanaman ang utang na loob ko kay Mich, s'ya ang umasikaso at gumastos sa funeral service ni papa. Minsan iniisip ko paano kaya kung hindi kami nagkita ni Mich? Paano kung hindi s'ya umuwi ng Pilipinas? Paano kung hindi kami nagging magkaibigan, paano nalang kaya ako?

Madaming tao sa paligid, may ilan akong kakilala pero mas marami ang hindi, siguro kakilala ni papa sa sugalan, siguro mga chismosa, hindi ko alam. Gusto kong umiyak pero natuyo na yata ang luha ko, gustuhin ko man ay wala ng lumalabas sa mga mata ko.

Rinig sa paligid ang huntahan at bulungan ng mga bisita, may ilang nagtatawanan habang nagku-kwentuhan, ang iba katulad ko ay malungkot din. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang nararamdaman, parang gusto kong matulog ng matagal pero ayaw kong iwan ditto si papa. Halos literal kong nararamdaman ang pagkadurog ng puso ko, wala si mama, si Hannah at ngayon ay wala na talaga si papa.

Hawak ko ang dibdib habang impit na umiiyak, pumatak man ang luha ay kakaunti lang, pilit kong itinataggo ang emosyon dahil ayaw kong may makakita sa akin sa ganito kong pakiramdam. Naramdaman ko ang paghagod ni Mich sa likuran ko, hindi ko alam kung paano n'ya nagagawang lumitaw sa tuwing kailangan ko s'ya. Sumubsob ako sa yakap ni Mich at doon umiyak, saw akas ay nailabas ko na ang pag iyak na kanina ko pa gustong ilabas. Hindi nagsalita si Mich, patuloy lang ang paghagod n'ya sa akin, wala akong ibang kailangan kun'di ang yakap n'ya.

"Heather..." Narinig kong pagtawag ni Ryu, hindi kumilos kaagad si Mich, sa tingin ko ay nagbulungan muna sila bago ako kausapin.

"Heather..." Nakaluhod sa gilid ko si Ryu habang hindi parin ako umaalis kay Mich.

"May sorpresa ako sayo sa kwarto... Tignan mo lang saglit."

Ayaw kong tumayo, ang gusto ko ay lumugmok lang sa pag iyak pero katulad ni Ryu ay pinilit din ako ni Mich.

Pag-angat ng ulo ko ay kita ko ang mahina nilang pagngiti, sa tingin ko nga ay gusto rin nila umiyak pareho. Sorpresa pero bakit sila naiiyak?

Pinunasan ko ang luha at sinubukang ayusin ang sarili, ni wala nga akong pakielam sa sinasabi nilang sorpresa, sumama lang ako dahil mapilit sila.

Matamlay kong binagtas ang papunta sa kwarto, wala akong ka gana gana sa gusto nilang ipakita. Hinang hina ang katawan ko sa ilang araw na lamay ni papa, kahit na bukas na ang libing pakiramdam ko ay hindi parin ako handa.

Binuksan ni Ryu ang pintuan ng kwarto para makapasok kami, bumungad sa akin ang isang babae na kahit na sa panaginip ay hindi nagpakita sa akin. Ang akala ko ay hindi na kami magkikita pa kahit kalian, tinanggap ko na nga noon na hindi na talaga, na kahit anong hirap ang gawin ko sapaghahanap ay hindi na talaga kami magkikita.

"Mama?" Hindi ako makapaniwala, na estatwa ako sa harapan n;ya, ni hindi ko nagawang tumakbo papalapit sa kanya para salubungin s'ya ng yakap na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya.

Ang luhang akala ko ay ubos na ay nagsimulang bumugsong muli, hindi dahil sa lungkot o pagkabigo, kun'di dahil sa tuwa at ligaya, sa wakas ay nagkita na kaming muli ni mama.

Nang magkalapit kami ay niyakap ko s'ya ng napakahigpit, iyong parang ayaw ko na s'yang pakawalan pa dahil natatakot ako na baka mawala nanaman s'ya sa akin.

Hinaplos ko si mama, halos kurutin ko s'ya para lang masigurado kong totoo s'ya at hindi ako nahihibang lang. Kahit na lahat kami sa kwarto ay umiiyak, alam kong luha ng galak 'yon. Niyakap koulit si mama at ganoon din s'ya sa akin, ang tagal naming nangulila sa isa't isa.

"Mama si Hannah?" Sabi ko matapos kumuwala sa yakap naming dalawa. Hindi sumagot kaagad si mama, nakita ko rin ang mabilis na pag iwas ng tingin nila Ryu at Mich.

"Mama?" Nag aalala kong tanong sa kanya. Ang katahimikan nila ay binibigyan ako ng takot.

"Hindi na kaya ni Hannah anak na puntahan ang papa n'yo... Nasa ospital si Hannah, hindi maganda ang kondisyon n'ya."

An Infinite MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon