Chapter 6: Sunflower

30 14 0
                                    

Heather's POV

Pabalik balik si Mich habang prino-proseso n'ya ang nangyari.

"Ibig mong sabihin, kung hindi kita inabutan baka patay ka na ngayon?"

Ikinuwento ko sa kanya kung paano kami umabot sa ganoong sitwasyon nila mama.

Mabuti nalang talaga at dadaan sana s'ya sa amin para ipag-paalam ako kung pwede n'ya akong isama sa bakasyon, kung hindi ay hindi ko alam kung anong sitwasyon ko ngayon.

Kinansela ni Mich ang bakasyon para mabantayan n'ya ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ako makakain dahil sa takot at pag aalala sa kalagayan nila mama. Nawala sila sa paningin ko at hindi ko alam kung nakatakbo ba sila o kung inabutan sila ng mga tauhan ni Mr. Jacinto.

Sinabi naman sa akin ni Mich na gagawa s'ya ng paraan para mahanap kaagad sila mama pero sinabi n'ya rin na hindi madaling mahanap ang mga taong ayaw magpahanap. Sigurado kasing nagtatago sila mama sa mga tauhan ni Mr. Jacinto kaya tiyak na kahit ang private investigator ni Mich ay mahihirapan sa paghahanap.

Nakaharap ako sa malaking salamin sa loob ng kwarto ng condo unit ni Mich, ang sabi n'ya ay dito na daw muna ako tumira sa kanya para mas safe ako. Maganda ang security ng condo at hindi madaling mapasok ng kung sino.

Inayos ko ang dress na suot pati narin ang open cap ko na kasama sa uniporme ng flower shop. "Papasok ka talaga ngayon?" Tanong sa akin ni Mich habang pinapanuod akong mag ayos sa harap ng salamin.

Tumango ako sa kanya bilang pag-oo.

Ayaw sana akong papasukin ni Mich pero ako na ang nagpumilit, kailangan kong magtrabaho lalo na't isang linggo naman na ang nakalipas, kailangan ko rin pumasok para makapag-ipon ng pera para kung magkita-kita na kami ulit nila mama ay may pera akong nakalaan para sa kanila. Nakakahiya din makitira kay Mich kahit na sabihin na matalik ko pa s'yang kaibigan, kailangan kong mag abot kahit papaano para makabawas sa gastusin n'ya lalo na't sa kanya ako titira pansamantala.

Kinuha ko ang duplicate ng susi ng condo n'ya na nakapatong lang sa kama, "Gagabihin pala ako mamaya," mabilis na tumaas ang kilay ni Mich sa sinabi ko.

"Bakit?" Kuryosong tanong n'ya.

"Nag-text kasi sa akin yung i-apply-an ko ng sideline, magbabantay ako sa ospital mamaya." Paliwanag ko

Tumayo si Mich at ipinatong ang dalawang kamay sa balikat ko, "ayos ka lang ba talaga?" Kita ko sa mga mata n'ya ang pag aalala.

Isang linggo na ang nakalipas at sa totoo lang ay natatakot parin ako na baka hinihintay lang ako lumabas ng mga tauhan ni Mr. Jacinto, pero hindi naman pwedeng mabulok lang ako dito sa loob ng condo ni Mich.

"Kaya na!" Siniglahan ko ang tono para maniwala sa akin si Mich. May pagdududa parin sa mukha n'ya pero pinilit n'ya iyong isantabi. Niyakap n'ya ako at hinatid palabas ng condo.

Ngayon lang ulit ako lalabas at hindi ko maiwasang maisip na baka may sumusunod sa akin kaya panay ang lingon ko sa paligid at pagmamadali na kala mo ay may pinagtataguan.

Nakarating ako ng maayos sa flower shop. Niyakap ako ni Jane at tinanong ang mga nangyari, sinabi ko lang sa kanya na ayos na ako at kasalukuyang hinahanap sila mama. Natuwa ako nang sabihin n'yang gagawa s'ya ng flyers na pwede naming ipamigay at idikit sa paligid para mas madami ang makaalam na nawawala sila mama at Hannah.

Pinilit kong maging maayos sa trabaho, isang linggo akong nawala at napakaswerte ko na may binalikan pa akong trabaho.

"Custom arrangement ulit para doon sa babae," sabi ko kay Jane sabay turo doon sa customer na namimili ng mga bulaklak sa labas ng shop.

Napapaisip ako sa tuwing babae ang bumibili ng bulaklak, para kaya 'yon sa partner nila o sa magulang o di kaya ay sa sarili nila? Madalas kasi na lalaki ang mga customer namin kaya kapag babae ay napapaisip ako.

Inasikaso ko ang ibang customer habang nag aayos ng arrangement si Jane. Kita ko sa mukha n'ya ang pagka-irita sa tuwing gagawa ng custom arrangement.

May mga ready made na kasi at pwede namang iyon nalang ang bilhin ng mg customer pero hindi, talagang nagpapagawa pa sila ng bago at syempre ay dagdag trabaho iyon pero walang dagdag na bayad. Bihirang bihira ang nagbibigay sa amin ng tip.

"Ay, sorry po." Sunod sunod ang paghingi ko ng tawad ng maapakan ko ang isa mga customer namin. Yumuko ako para punasan ang paa n'yang natapakan ko.

"Pasensya na po." Paghingi ko ulit ng tawad. Nakakulot ang mahaba n'yang buhok, nakatali ang maliit na bahagi ng buhok n'ya sa harap papunta sa likod kaya kitang kita ang maganda n'yang mukha.

"Ayos ka lang?" Tanong n'ya sa akin na ipinagtaka ko dahil ako ang nakaapak sa kanya.

"O-opo..." Nagugulumihanan kong sagot sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot n'ya sa akin, "Ilan ang quota mo?" Biglaan n'yang tanong na nagpabilog sa mga mata ko.

Tumitig s'ya ng hindi ako kaagad na sumagot.

"Sampu ho ang quota ng lahat sa amin dito." Tumango s'ya sa sagot ko at inisa isa ang mga bouquet sa loob ng shop.

"Kukuha ako ng dalawampu... Sampo rin para sayo." Sabay turo kay Jane.

"Bouquet na dahil alam kong ayaw mong nag-aarange..." Tinuro n'ya ang lahat ng bouquet na gusto at inasikaso ko s'ya hanggang counter.

"Sana bumili s'ya araw araw..." Bulong sa akin ni Jane. Namangha kaming pareho doon sa babae, mabait s'ya at wala iyong duda pero gano'n din ang pagiging misteryoso n'ya.

Lumipas ng mabilis ang araw at ng mag alas singko na ay nag-ayos na kami para magsara.

"Heather!"

"Paki bit bit mo na 'to sa labas, baka kasi makalimutan ko e. Kukunin ko nalang." Sabi n'ya sa akin habang tinutukoy ang isang bungkos ng sunflower na iuuwi n'ya para sa tiyahin n'ya na mahilig sa bulaklak.

"Sige!" Sagot ko kay Jane, isinuot ko lang ang body bag at kinuha ko na ang bungkos ng sunflower na pinabibitbit n'ya palabas.

Nakakailang hakbang palang ako sa labas ng shop ng biglang may makabangga sa akin. Humagis ang bitbit kong bulaklak at hindi ko inaasahan ang posisyon naming dalawa noong nakabungo sa akin.

Nakahiga na s'ya sa lapag habang pabagsak ako sa kanya, sinubukan ko s'yang iwasan pero hindi ko nagawa at nahulog ako sa ibabaw n'ya dahilan para maglapat ang labi naming dalawa.

----------------------------------------------------------------

"Your are not just my light, but also my sunshine even on my rainy days..."

An Infinite MasterpieceOnde as histórias ganham vida. Descobre agora