Chapter 20: Safe and Sound

17 11 3
                                    

...Si Heather...

Muling bumalik sa akin ang premonition ko noon. Unti unti ay nararamdaman ko nanaman ang pag ikot ng mundo ko habang inaalala ko ng maigi ang nakita ko noon. Hindi pwede...Hindi pwedeng maging si Heather 'yon.

May bahid ng dugo ang ibabaw ng kamay ng isang babaeng nakasuot ng hospital gown. Hindi ko makita ang mukha n'ya pero tinatangay ng hangin ang medyo mahaba n'yang buhok, pansin dito ang hair clip na suot n'ya na may sunflower na design.

"Miss!" Sigaw ko, natigilan ito sa paglalakad sa pagtawag ko pero hindi s'ya lumingon sa akin. Ngayon ko lang napansin na nasa itaas pala kami ng isang gusali, kung ibabase sa suot n'ya, siguro ay nasa itaas kami ng isang ospital.

Mabigat ang bawat paghakbang ko, parang ayaw akong palakarin papalapit sa babae ng malakas na hangin, saliwa sa paghakbang ko ang malakas na ihip nito kaya nahihirapan akong lumapit.Nakaharang sa mukha ko ang dalawang braso para matakpan ang mga mata ko at makaiwas sa puwing na dala ng alikabok sa hangin.Sinilip ko ang babae na kaya pala huminto ay hindi dahil sa pagtawag ko sa kanya kundi dahil wala na s'yang lalakaran pa.

"'Wag!" Sigaw ko nang mapagtanto ko ang gagawin n'ya.

Unti unting pumaling ang ulo n'ya para tignan ako ngunit bago ko makita ang hitsura n'ya ay bigla itong tumalon.

Biglang tumigil ang malakas na ihip ng hangin, sinamantala ko ito at mabilis na tumakbo patungo doon sa babae. Hinawakan ko ang kwintas at saka pinatigil ang oras. Sa wakas ay gumana din. Papahiga ang posisyon ng babae na parang nakalutang sa hangin, humiwalay sa pulso niya ang medical bracelet. Dinampot ko yun gamit ang kaliwang kamay ko at humawak naman ako sa kaliwa niyang kamay na nakataas sa ere gamit ang kanan kong bisig. Natatakpan ng iilang hibla ng buhok niya ang mukha niya pero napansin ko pa din na may butil ng luha sa gilid at mga talukap nito.

Halos maabot ko na ang kamay n'ya upang iligtas s'ya ngunit hindi ko iyon nagawa ng biglang tumuloy ang pag takbo ng oras.

Napaupo ako, hindi ko matanggap na si Heather nga ang nasa premonition ko. Sinabihan kami na huminahon dahil ginagawan nila ng paraan ang kalagayan ni Heather, pero kahit na ganon ay hindi naging madali ang paglipas ng oras para sa aming lahat.

Nang lumabas ang isang doctor ay sabay sabay ang naging pagtayo naming mga naghihintay sa labas, nag aabang at umaasa na magandang balita ang ihahatid ng doktor sa amin.

"The operation was successful for both patients," mabilis na kumuwala ang luha ko. Nangangatog parin at may kaba pero unti unti na 'yong napalitan ng pagka kampante at hinahon. Luha siguro ito ng saya. Gusto kong puntahan si Elise para sabihin sa kanya na iba kami ni Heather dahil ngayon ay buhay na buhay parin s'ya.

"We still need to monitor both patients just to be sure. For now, let them rest. Pero pwede na kayong pumasok pag nailipat na sila sa ICU."

Naghintay kami hanggang sa mailipat na angmagkapatid, pagtapos non, ilang sandali lang ay gumising na rin sila. Hawak ko ang kamy ni Heather ng dumilat s'ya.

"Si Hannah..." imbis na sarili ay mas inuna pa n'ya ang kapatid. Napangiti ako dahil ito na nga si Heather, ang pinakaselfless na taong kilala ko sa lahat.

"Ayos lang si Hannah..." itinuro ko si Hannah na gising na rin sa ngayon. Diniretso nila ang braso tila inaabot ang isat isa kahit na malayo. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil ngayon ay tapos na ang lahat ng problema. Magiging ayos na si Hannah, magkakasama na ulit silang tatlo at ngayon na nakaligtas si Heather sa bingit ng kamatayan, naniniwala ako na hindi na kami ulit maghihiwalay pa.

"Nauuhaw ako." Sabi niya gamit ang mahina n'yang boses na halatang pagod pa dala ng surgery.

Agad akong nataranta, sa tinuran niya kahit na nasa katabing table lang ang mga gamit. Kumuha ako ng bulak at isinawsaw ko iyon sa tubig na nasa isang plastic cup. I carefully applied it evenly on her dried and peeling lips. Sinabihan kami ng doktor na bawal muna silang pakainin at painumin sa loob ng walong oras dahil kakaopera pa lang. Ibinilin sa amin na kung sakaling mauhaw siya ay patak patak lang muna. Pagkatapos nito ay taimtim kong hinihimas ang mga malalambot niyang buhok.

"Pagaling ka agad ah... Paggaling mo, pupunta sa mga lugar na gusto mo."

"Talaga? Kahit malayo?"

"Oo naman, saan mo ba gustong pumunta?"

Narinig ko ang mga bulungan nila Mich, Hannah at mama nila na ngayon ay nanunukso habang nakatawa sa aming dalawa ni Heather.

"Bati na ang love birds!" Pang iinis sa amin ni Mich.

Inalagaan ko si Heather hanggang sa pwede na silang makalabas. Marami kaming plano ni Heather kapag talagang kaya na n'ya. Pupunta at maglilibang kami sa amusement park. Manonood din kami ng lahat ng movies na gusto naming, tuturuan ako magluto ni Heather ng paborito n'yang ulam at higit lahat, maghihintay ako na sagutin n'ya na ako. 

An Infinite MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon