Chapter 3: Heather Olivar

60 14 3
                                    

Hindi ko pa binubuksan pa ang pinto ay nadidinig ko na ang awayan na nangaganap sa loob ng bahay, sa totoo lang ay matagal na kaming walang tahanan.

Nag aaway na naman sila papa at mama, hindi na ako nagugulat dahil palagi naman silang nag aaway, mas magugulat pa nga ako kung payapa ang loob ng bahay pag dumating ako.
Didiretso na sana ako ng kuwarto namin ni Hannah, kakambal ko pero hindi kami magkamuhka nang biglang sumigaw si papa sa akin.

"Heather!" Nakakabingi ang pagsigaw n'ya sa pangalan ko.

"Po..." Halos mangatog ang boses ko sa pagsagot sa kanya, isang maling kilos o sagot kasi ay tiyak na magagalit nanaman s'ya.

"Halika nga rito," namuwestra ang kamay n'ya kaya dahan dahan akong lumapit.

Inakbayan n'ya ako na parang kabarkada, ang pagkakaiba lang ay para akong masasakal sa kaniya. Amoy na amoy ko ang alak sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang?" Napalunok ako sa tanong n'ya, hindi ko pwedeng sabihin na umuwi na si Mich at s'ya ang kasama ko. Mayaman si Mich at t'yak na kukulitin n'ya ako na perahan si Mich.

"Alam mo ba kung anong oras na? San ka galing?"
Hindi ako sumagot, sinubukan kong mag-isip ng dahilan pero walang pumapasok sa utak ko.

"Ed---" paghawak palang ni mama ay agad na s'yang tumilapon nang marahas na inialis ni papa ang hawak n'ya sa kanya.

"Ma!" Sigaw ni Hannah at agad s'yang tumakbo para tulungan si mama sa pagtayo.

Kumpara sa aming dalawa ni Hannah, s'ya ang mas mahina. S'ya ang mas sakitin at s'ya ang mas kailangan ng atensyon, kaya sa tuwing nasasali s'ya sa gulo ng pamilya namin ay naaawa ako sa kanya.

Sa totoo lang ay mahina rin naman ako, sakitin din at hindi ko man aminin ay kailangan ko din ng atensyon, pero hindi na ako nag abala pa na makipag agaw kay Hannah dahil kailangang maging matapang ng isa sa amin at pinilit kong maging ako 'yon kahit na mahirap.

"Kinakausap ka ba?!" Binaling ni papa ang atensyon kay mama na s'yang kinatakot ko dahil baka pati si Hannah ay madamay.

"Pa---" iyon palang ang sinasabi ko ay hinawakan n'ya na ako ng mahigpit sa kaliwa kong braso.

Napapanganga ako dahil masakit ang pagkakahawak n'ya at pakiramdam ko ay babaliin n'ya ang braso ko.

"Aawatin mo 'ko e, ikaw dahilan ng pag init ng ulo ko!" Hindi ko alam kung bakit ako ang sinisisi n'ya pero kahit na naiiyak ay pinilit kong pigilan at ipakita sa kanya ang takot.

Binitiwan n'ya ako pahagis. Hinimas ko agad ang braso na hinawakan n'ya na para bang maalis no'n ang sakit.

"Galing dito si Mr. Jacinto kanina," wala akong pakielam sa sinasabi n'ya. Dahan dahan kong itinayo si mama at Hannah.

"May pasa ka ba?" Tinitignan ko ang kalagayan ni mama at ni Hannah ng sinabi n'ya 'yon. Mabilis akong napatingin sa kanya, nagtataka kung bakit s'ya nagtanong ng gano'n.

Inilayo ko sa akin si Mama at Hannah ng lumapit sa akin si papa, hinawakan n'ya ang buhok ko at paikot akong tinignan.

"Buti nalang maganda ka!" Gulong gulo at wala parin akong ideya sa sinasabi n'ya.

"Mag impake ka at aalis ka mamayang madaling araw." Kaswal n'yang sabi sa akin.

"Eduardo..." Dinig na dinig ko sa boses ni mama ang pakikiusap kay papa.

Nagsalin ang tingin ko kay mama at papa, pati si Hannah ngayon ay umiiyak na.

"B-bakit po ako aalis?" Mabilis n'ya akong binatukan sa tanong ko.

"Kasi... May utang ako kay Mr. Jacinto..." Parang alam ko na ang susunod n'yang sasabihin pero umaasa akong mali ako. Alam kong masama s'ya pero hindi namam siguro sukdulan ang kasamaan n'ya.

An Infinite MasterpieceWhere stories live. Discover now