Chapter 2: Mich

61 14 0
                                    

"Mich!" Sigaw ko nang makita ko sa wakas kung sino ang tumatawag sa akin, halos tumakbo ako papalit sa kanya dahil sa excitement.

"Mich!" Ulit kong tawag at saka yumakap sa kanya, "kumusta kana?" Hindi ko maiwasang tignan ang kabuuan n'ya dahil ibang iba ang itsura n'ya ngayon.

"Ang ganda ganda mo na!" Hindi sa hindi s'ya maganda noon, talaga lang ang laki ng pinagbago ng itsura n'ya 3 years ago.

Ang laking nang pinagbago niya, ang kilala kong Mich noon ay panlalaki lagi ang suot. Palaging t-shirt at maluwag na maong lang ang suot n'ya, hindi rin mawawala sa promahan n'ya noon ang cap na baligtad kung suotin n'ya. Tigasing tigasin ang datingan n'ya dati, ngayon ay parang ibang tao ang kaharap ko ngayon, hindi mababakas sa itsura ni Mich na tomboy s'ya dati.

"Anong nangyari kala ko ba tigasin ka?!" Hindi ko mapigilang tumawa ng malakas sa biro ko sa kanya. Noon kasi ay parang magpapabitay s'ya pero hindi s'ya magsusuot ng palda.

"Charot! Share mo naman sa akin ang beauty secrets mo wag kang madamot," biro ko ulit sa kanya na nagpatawa sa aming pareho. Hindi ko maiwasang napatitig at namamangha sa pagbabago ni Mich. Ibang iba talaga ang itsura n'ya ngayon.

Suot n'ya ay ternong crop top at skirt na may nakapatong na denim jacket, sa paa ay nakasuot s'ya ng black dwarf boots. Kung magkikita sila ng dating Mich siguradong nakakatawa ang magiging reaksyon nila.

Kababata ko si Mich, maliliit palang kami ay magkakilala at magkaibigan na talaga kami, palagi kaming naglalaro noon at nakakatuwa talaga dahil kahit na magkaiba ang estado namin sa buhay ay naging magkaibigan kami.

Natatandaan ko pa noong pinagtanggol niya ako sa mga batang nambu-bully sa akin noong gradeschool kami. Ang lakas ni Mich kayang kaya niya pati 'yong mga lalaking nambubully sa akin. Napagkamalan ko pa nga siyang lalaki kasi sa gupit niya buti na lang nakapalda siya na uniform.

Nagkahiwalay kami tatlong taon lang ang nakararaan. Kinuha kasi s'ya ng mga kapatid n'ya papuntang Switzerland. Napilitan s'yang sumama at mag migrate dahil iyon ang huling hiling nang papa n'ya bago ito mawala. Hindi naging madali kay Mich ang biglaang pag alis n'ya pati narin ang pagkawala ng natitirang magulang nila. Alam ko na kahit kasama n'ya ang pamilya sa Switzerland ay mahirap parin dahil iba ang lahat lahat doon kumpara dito sa Pilipinas na kinalakhan n'ya.Awang awa ako noon kay Mich dahil sa mga pinagdaanan n'ya, alam kong umaarte lang s'ya na ayos s'ya noon pero ang totoo ay kailangan n'ya nang karamay.

Sobra ang lungkot ko noon ng malaman ko na aalis na siya lalo na't s'ya lang ang taong kasundo ko lahat. Hindi ako palakaibigan at mailap ako sa tao, talaga sigurong ganon dahil hangga't maaari ay ayaw ko ng gulo. Mas kaunting kakilala ay mas malayo sa gulo. Si Mich lang din ang unang taong nakitaan ko ng pagmamalasakit sa akin, s'ya lang ang napagsasabihan ko ng mga sama ng loob at hinanakit ko sa buhay na hindi humuhusga sa sakin. Malaya akong nakakapagsabi sa kanya at higit sa lahat ay pinakikinggan n'ya ako. Madami kaming pinagsamahan ni Mich kaya sobra akong nalungkot noon, pero ngayon na nandito na ulit s'ya ay sobrang saya ko.

Niyaya n'ya ako sa isang restaurant malapit sa mall. Tinignan ko ang restaurant, may pag ka italian style ang disenyo nito at halatang pang mayaman.

Kakaunti pa lang ang tao ng dumating kami. Agad na may lumapit sa amin na waiter at nagbinigay ang menu. Sa may tabi ng malaking bintana kami pumuwesto ni Mich, kita dito ang pagdaan ng mga sasakyan.

Um-order ako ng isang serving ng mushroom pasta with creamy mustard sauce at isang grape juice, hindi tulad ni Mich na um-order ng red wine at medium rare na steak.

Kinuha n'ya ang steak knife at tinidor at saka maingat hiniwa ang steak na naka-ahin sa kanya.

Ibang iba na talaga si Mich. Pati ang pagkain n'ya ay nagbago na rin.

"So, how are you?" Napatingin ako ng magsalita s'ya.

"Ah!" Nabigla naman ako sa tanong n'ya, bakit ka nag e-English Mich? Kaloka.

"'eto masaya naman, lalo na kasama kita ngayon," medyo ilang kong sagot sa kanya.

"Alam ko yun, what I mean is... Okay ka ba dito sa Manila wala bang umaaway sayo dito?" Binasa ko ang kilos n'ya.

"Aba, kahit ganito na ako mag-ayos ngayon, marunong parin ako manuntok no!" Natawa ako sa sinabi n'ya, hawak n'ya pa ng diretso ang steak knife at para bang handang handa s'yang makipagsuntukan at makipag-away ngayon.

Sa totoo lang ay kinabahan ako na baka wala na ang dating Mich na kakilala ko noon, na baka wala na iyong kaibigan ko na nagtatanggol sa akin at baka nga bagong Mich na ang kaharap ko. Pero s'ya padin pala ang Mich na best friend ko.

"Ano? May nang-aaway ba sayo?!" Pabirong galit n'ya sabi.

"Ako? Aawayin? Nako Mich! Matagal ka na ngang nawala..." Nakita ko ang unti unting pagtaas ng kilay n'ya sa sinabi ko.

"Wala na ang dating Heather na inaapi no?!" Mayabang kong sabi ko sabay kain.

"Basta sabihin mo lang kapag kailangan mo ng tulong ko andito lang lagi si Mich the great," paalala n'ya sa akin sabay taas ng braso para ipakita ang  muscle niya.

"Ikaw talaga, hanggang ngayon ganyan ka pa din pala. Siga ka pa rin,"  tugon ko at sabay kaming tumawa.

Masayang natapos ang lahat, inaya pa ako ni Mich na mag mall kaso kailangan ko ng umuwi ng bahay ng maaga dahil may pasok ako bukas. Hinatid niya ako at di na ako nagulat dahil marunong siyang mag drive. Napaisip tuloy ako kung bakit mas gusto ni Mich kasama ang mga tulad kong mahina.

Nakalayo na ang sasakyan ni Mich at nakatapat na ako sa gate ng bahay namin. Napabuntong hininga na lang ako bago ko ihakbang ang mga paa ko papasok.

_________________________________________________

"If time goes by,love last forever".

An Infinite MasterpieceWhere stories live. Discover now