Chapter 5: Ryu Evangelista

39 15 5
                                    

Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ng isang lalaki...

Napapikit ako ng biglaang makaramdan ng pagsakit ng ulo, kasama nito ay ang mga scenario na nakikita ko. Para akong nananaginip ng gising.

Mabilis ang paghabol n'ya sa babaeng may maiksing buhok...

"Takbo," hindi ko mapigilang sabi kahit na alam ko naman na hindi n'ya ako maririnig.

Mabilis ang pagtakbo ng babae pero mas mabilis ang bala ng baril.

"Ryu, okay ka lang?" Napahawak ako sa isa sa mga organizer ng book signing, parang hinila ng panyong napulot ko ang lahat ng enerhiyang meron ang katawan ko.

Nakita ko kung paanong tumagos ang ang bala sa katawan ng babaeng 'yon. Lumaglag sa kalsada ang walang buhay n'yang katawan.

Heather...

Nakita kong burda sa panyo na agad kong hinigpitan ang hawak, tumingin ako sa tinunguhan ng babaeng kaalis lang, iyong maingay na kanina lang ay kinaiinisan ko.

Hindi naman siguro s'ya mapapahamak...

Hinawakan ko ang kwintas na suot, niyakap ng kamay ko ang pendat nitong hourglass at katulad ng gusto kong mangyari ay unti unting huminto ang oras.

Tumahimik ang paligid at walang gumagalaw kahit na isa. Nanghihina man ay tumayo ako sa pagkakaupo at pilit na sinundan ang babaeng maikli ang buhok.

Dinungaw ko ang mukha n'ya, inalis ko din ang salamin sa mata n'ya upanf makabisado ko ang hitsura n'ya.

Hindi ako dapat nakikielam sa buhay ng iba pero kung may kakayahan akong iligtas s'ya ay gagawin ko kung kinakailangan.

Maputi ang kutis n'ya, kulay brown ang mga mata, mayroon din s'yang matangos na ilong at manipis na labi. Madali s'yang makita sa karamihan ng tao dahil maiksi ang itim na itim n'yang buhok. Ang salamin n'ya rin sa mata ang palatandaan na s'ya 'yon.

Tinitigan ko s'ya ng ilang sandali bago ako bumalik sa kinauupuan at ipagpatuloy ang pagtakbo ng oras. Hinawakan kong muli ang pendat at muling bumalik sa dati ang lahat.

Binabagabag man ako ng pangitaing nakita ay sinubukan kong ipagpatuloy ang book signing.

Mahiwaga ang pendant na hourglass ng kwintas na suot ko. Gamit iyon ay nagkakaroon ako ng kakayahan na pabagalin at pahintuin ang oras, nakakabalik din ako sa nakaraan kung gugustuhin ko.

Namatay sila Mama at papa sa car crash noong bata palang ako, tanging ang kwintas lang na 'to ang naiwan nilang ala-ala sa akin. Kila lolo at lola na ako lumaki at kahit nasanay ako sa medyo marangyang buhay ay nagbago 'yon dahil iniwan sa akin nila mama at papa ang pabagsak na kompanya na hanggang ngayon ay kailangan kong ikayod para hindi kami tuluyang mawalan ng ari arian.

Ang sabi ni lola, ang buhangin daw sa loob ng pendant ang nagpapahiwaga dito. Malaki ang paghanga ni Mama sa mga stars noon pa man, kaya noong may bumagsak na meteor at nalaman nila ang lugar kung nasaan 'yon ay agad silang pumunta at kumuha ng buhangin nito, iyon ngayon ang nakalagay sa loob ng hourglass na pendant.

Hindi ko naman sinasadya na malaman kung paano gumagana ang hiwaga ng pendant, nagreklamo lang naman ako noon sa history class namin kaya ko nalaman ang hiwaga ng kwintas na suot. Hinding hindi ko malilimutan kung paano ko nadiskubre ang kakayahan ng pendant na 'to.

Naiinis ako at mainit ang ulo dahil sa pagpapahiya sa akin ng teacher ko sa classroom. Hindi ko kasi alam ang significance ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal kaya pilosopong sagot ang ibinigay ko sa kanya.

Sinisipa ko ang mga bato na bumabagsak mula sa graba, naiinis parin dahil sa lintek na history subject na yan!

Hawak hawak ko ang pendant ng kwintas ni mama at nilalaro 'yon sa leeg ko para kahit papaano ay kumalma ako.

"History history pa kasi, malay ko ba kung anong silbi ng gawa ni Rizal?!" Inis kong sabi na kala mo ba ay may magagawa 'yon para maipahiya ko pabalik ang teacher ko.

"Kung pwede ko lang kausapin si Rizal sa panahon nya gagawin ko, babalik pa ko sa panahon ng kastila at sasamahan ko pa s'ya sa selda!" Sabi ko sabay sipa ng malakas sa isang bato.

Pagtaas ko ng ulo ay wala na ako sa eskwelahan. Gulat na gulat ako habang iginagala sa paligid ang paningin upang malaman kung nasaan ako.

"Paano ka nakapasok ginoo?"

Halos lumuwa ang mata ko ng makita kung sino ang nagsalita.

"J-jose?" Salubong ang kilay kong tanong gamit ang nangangatog kong boses dahil nagkatotoo ang sinabi ko.

"Siya nga..." Tumayo s'ya sa kinauupuan para lumapit sa akin.

Napagtanto ko na baka ang kwintas ang dahilan kung ako nandito.

Mabilis kong hinawakan muli ang pendant, "Balik, balik, balik sa kasalukuyan!" Paulit-ulit kong sabi na may halong dasal na sana ay gumana.

Dahan dahan kong idinilat ang nakapikit na mata at saka lang ako nakahinga ng maluwag noong nakita ko na ulit ang paligid ng eskwela.

Noong una ay ayaw ko ng isuot pa ang kwintas dahil sa takot na baka hindi na ako makabalik, pero sa tuwing maaalala ko na iyon lang ang tanging naiwan para sa akin ay isinusuot ko iyong muli. Hindi nagtagal at nalaman ko na ang iba pang kakayahan ng kwintas at ngayon ay nagagamit ko iyon ayon sa gusto ko.

"Salamat sa inyong lahat!" Masigla kong sabi sa microphone at saka yumuko ng kaunti bilang pamamaalam sa mga pumunta sa book signing.

"Good jok Ryu!" Sabi sa akin ni ate Analyn na s'yang head ng team namin.

"Not bad... Nakabenta ka ng 689 books ngayon!" Sabi n'ya sabay kurot sa pisngi ko.

Hindi na talaga masama ang 689 books sa unang book signing event ko. Sa totoo nga ay hindi ko i-expect na madami ang pupunta. Alam ko na mayroong mga sumusuporta sa akin pero hindi ko alam na ganito karami.

Inayos ko ang suot na lether jacket bago isuot ang helmet, mag aalas nueve na ng gabi pero hindi parin ako makatulog. Nagpaalam ako kila lola na mag ra-ride na muna para sana pampaantok.

Hindi pa gaanong nakakalayo sa amin ay bigla akong nakarinig ako ng putok. Hindi ko sana iyon papansinin ngunit naalala ko ang premonition kanina.

Hinarurot ko ang motor para hanapin kung nasaan ang gulo. Kinokontra ng isip ang gagawin pero pursigido akong hanapin at iligtas ang may ari ng panyo... Si Heather.

Patagilid kong pinahinto ang motor ng makita ko ang dalawang kasama ni Heather na tumatawid sa kabila ng kalsada. Hinanap agad ng mata ko si Heather na naiwan at hindi pa nakakatawid.

Hinawakan ko ang pendant at pinahintong muli ang oras.

Tumakbo ako kay hether at tinulak ko s'ya para hindi mahalatang nakielam ako sa sitwasyon nila. Nagtago ako saka muli silang pinagalaw.

Dumapa si Heather, tutulungan ko sana s'ya at isasakay sa motor na dala ko pero nakita ko na sumama s'ya sa van na himinto sa harap n'ya. Sinubukan din nilang habulin at isakay ang dalawang kasama ni Heather pero nakalayo na iyon.

Nangielam akong muli at iniba ang lugar ng mga humahabol sa kanila.

Hindi ako dapat nakielam sa tadhana na nakalaan kay Heather, pero hindi ko din kaya ng konsensya ko na baliwalain s'ya.

Hindi ko alam kung magkikita pa tayo muli Heather, pero sana, ito na ang huling beses na ililigtas kita.

An Infinite MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon