Chapter 18: Revelation

21 11 1
                                    

RYU'S POV

It's Saturday, makulimlim at ramdam ko na uulan mamaya. Tulog pa sila lola nang umalis ako, iniwan ko lang sa lamesa ang agahan nila ni lolo at kaunting pera para pang gastos nila maghapon. Sumakay ako sa motor ko, bago ko 'yon paandarin ay sinigurado ko muna kung dala ko ba ang libro ko. Iniptan ko 'yon ng note para masabi ko na sa kanya na gusto ko s'yang ligawan. Nakakatawa mang isipin pero pag dating kay Heather ay nawawala ang angas ko... Natotorpe ako pag dating sa kanya.

Katulad noong mga unang araw ay busy parin kami sa booksale. Nakakatuwa dahil madami ang bumibilli at unti unti ay naiipon namin ang perang kailangan para sa gamutan ni Hannah.

"Smile!" Masigla man ay ramdam at kita ko kay Heather ang pagod. Hindi tulad ko na nakaupo langpara magpa picture at pumirma, si Heather ay palaging nakatayo at hindi humihinto sa pag-galaw. S'ya ang bumabati sa mga pumapasok at lumalabas, s'ya din ang umaasikaso sa mga bumibili na kailagan ng tulong.

Gustuhin ko man ay hindi ako makatayo dahil sa hindi nauubos ang pila ng mga nagpapa-autograph at nagpapicture. Kahit na busy ay nakatuon pa din ang pansin ko kay Heather. Kita ko kung paano tumulo ang pawis n'ya mula sa sentido pababa hanggang sa baba. Hinawakan ko ang pendant ng kwintas na suot at saka ko pinahinto ang oras. Kinuha ko sa bulsa ang panyo ko at dahan dahang lumapit sa nakahitong si Heather. Pinunasan ko ang pawis n'ya, Hindi ko maiwasan na pagmasdan ang maganda n'yang mukha. Gusto kong titigan ang mukha n'ya hanggang sa makibasado ko 'yon.

Nang hindi ko na kaya ang paru-parong nagliliparan sa tiyan ko ay bumalik na akong muli sa kinauupuan ko at saka pinagpatuloy nang muli ang pagtakbo ng oras.

"Hi!" Bati noong babaeng kasunod sa pila. Naka lavender dress s'ya at may nakapatong na putting crop top na cardigan. Poised ang galaw n'ya at mahinhin. Nang makalapit sa akin ay pumorma s'ya ng yakap kaya tumayo ako para salubungin 'yon.

"Okay, one... two... tingin po dito sa camera miss, mamaya na po ang mga hugs," napabitaw ako sa yakap at itinuro ko sa babae ang camera para ngumiti kami at makapag picture na.

Itinaas ko ang kanang kamay para sana sa isang wacky shot pero biglang nagsalita si Heather, "ha, ano, kakain na? Noon break!" Pinagbigyan ko sa isang selfie iyong fan bago ko sundan si Heather. Sinungitan n'ya ako hanggang sa pagkain kaya kahit naman nag aalinlangan ay iniwan ko nalang sa kanya 'yong libro. Ayaw kong makita ang reaksyon n'ya, kinakabahan ako kaya pagkabgay ko non ay iniwan ko na s'ya, para narin siguro lumipas ang inis n'ya sa akin na hindi ko alam ang dahilan.

Palabas ako ng mabangga ko ang isang babae. Maputi s'ya, maganda, parang isang buhay na diwata na nakatayo ngayon sa harap ko.

"Ryu Evangelista?" Hindi ako nakasagot sa sinabi n'ya. Paano n'ya ako nakilala?

"Ako si Elise Salazar, kailangan nating mag-usap."

Nakaupo kami ngayon sa isang coffee shop, hindi ako sigurado kung dala ba ng aircon ang sobrang lamig na nararamdaman ko ngayon o dahil ba sa pagkalito at kaba na nararamdaman ko ngayon.

"Alam ko, nalilito ka... Pero nasa tamang edad ka na para malaman 'to at isa lang ang hihilingin ko Ryu..." Pinatong n'ya ang dalawang siko sa lamesa at saka humilig palapit sa akin. Napakapit ako sa arm rest ng upan ko dahil don.

"Sumunod ka sana sa akin."

Bumalik s'ya sa natural na upo ng dumating ang crew para ibaba ang order n'ya para sa aming dalawa.

"Upo." Mariin at may awtoridad n'yang sabi ng tumayo ako para umalis.

"Pasensya na ho, hindi ko naman kayo kilala... bakit ako susunod sa inyo?" Nanunuya kong sagot sa kanya.

"Mamamatay si Heather kapag hindi ka sumunod," napunta sa akin ang kaninang diretso n'yang tingin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi n'ya. Hindi ako makagalaw.

"Upo," ngayon ay malumanay na n'yang sinabi. Parang aso ay sumunod ako sa sinabi nya.

"Bituin kayo ni Heather..." panimula n'ya na hindi ko maintindihan. Paanong bituin kami ni Heather?

"Humahalik sa mga tao ang mga piraso at buhangin ng mga bituin na tinatangay ng hangin kapag may meteor shower, iyang kwintas mo... buhangin 'yan ng bituin diba?"

Napahawak ako sa pendant, totoo ang sinabi n'ya. "Humaplos sa nanay mo ang buhangin na 'yan noong ipinagbubuntis ka n'ya... Ganon din sa nanay ni Heather."

"Paanong bituin?" Nalilitokong tanong sa kanya, "Katulad sa kwento?" Tumango s'ya sa akin bilang pagsagot. Napaismid ako sa mga sinabi n'ya, hindi ko namalayan ang paghagod ko sa sarili kong batok dahil sa kanya.

"Ano ako ginie? Hindi ko kayang tumupad ng hiling..." Katwiran ko sa kanya.

"Nagawa mo na... Nakapiling na ni Heather ang kapatid at nanay n'ya."

Napatigil ako. Nakatitig ako sa kanya habang inaalala ang lahat. Noong na stuck kami ni Heather sa 1960's tinanong ko s'ya kung ano ang hiling n'ya at sinabi nga n'ya na makitang muli ang mama n'ya at si Hannah. Ako, sa akin lumapit ang mama ni Heather noon para magkita sila sa burol ng papa n'ya. Ako nga ang tumupad ng kahilingan ni Heather.

"Hindi pwedeng magmahal ang bituin ng kapwa n'ya bituin. Kaya bago pa mahuli ang lahat ay umalis ka na, iwanan mo na si Heather."

"Iwanan? Si Heather?" Umiling ako habang sinasabi ko 'yon, hindi ko 'yon gagawin.

"Mamamatay s'ya kapag hindi mo s'ya iniwan."

"Paano mo alam? Paano kung ako 'yon? Pareho kami kaya kahit sino sa amin 'yon diba?" Yumuko s'ya habang umiiling, tila nauubusan ng pasensya dahil di tulad ng sinabi n'ya ay hindi ako susunod sa kanya. Hinding hindi ko iiwan si Heather.

"Dahil ang mas nagmamahal ang naiiwan!" Tumaas ang boses n'ya, dahilan para makuha ang atensyon ng kaunting tao sa coffee shop, Tumingin ito saglit sa amin pero bumalik din agad sa kani-kanilang ginagawa.

"Hindi mo alam 'yon,"

"Alam ko, higit sa lahat... alam ko." Namuo ang luha sa mga mata n'ya, ngayon ko napagtanto na baka umibig din s'ya sa katulad n'yang bituin.

"Iba kami ni Heather..." pagkontra ko sa kanya.

"Nakaguhit na ang tadhana n'yo... natin. Tayong mga matitigas ang ulo at hindi marunong sumunod. Tatlong daang taon na ako Ryu, hindi ka mas marunong sa akin. "Ang bituin na iibig sa kapwa n'ya bituin ay hindi magtatagal, ang mas nagmamahal ang s'yang maiiwan.""

An Infinite MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon