Chapter 4: Handkerchief

39 15 2
                                    

RYU'S POV

Maingay ang paligid, natural booksigning/meet and greet ko ngayon eh. Panigurado mamaya ay pagod nanaman ang katawang lupa ko. Hays.

"Yah! kuya Ryu pa picture! " Kinikilig na sabi noong isang babae kanina na kanina ko pa naririnig na tumitili. May hawak pa itong tatlong libro ko.

Sabay ang ngiti at tango ko sa hiling n'yang picture, na agad kong pinagsisihan dahil gano'n nalang ang marahas nitong pagsunggab sa braso ko. Di naman ako pwedeng magreklamo dahil kailangan kong makisama sa mga readers ko. Mahal ko naman sila kahit na gano'n sila.

Naging sikat ako sa mga librong sinulat ko na pinamagatang Kalopsia, Succiduous, at Atavistic. Magkakaiba ito ng genre at sa totoo lang ay hindi ko talaga inaasahang magiging patok ito sa mga kabataan ngayon lalo na at medyo mahirap bigkasin ang mga pamagat nito. Nakakagulat dahil sa loob lang ng isang linggo ay sold out agad ang mga ito. At ngayon natutupad na ang matagal kong pangarap... Ang maging isang sikat na author.

Nagsimula akong magsulat noong bata pa ako. Madalas akong sumasali sa mga writing contest at dahil biniyayaan ako ng talent sa pagsusulat ay lagi kong nakukuha ang first place at champion. Di kasi ako palakibong bata kaya wala din akong masyadong kaibigan. Madalas natatawag akong wirdo dahil lagi lang akong nasa kwarto at kung may mga nais makipaglaro ay di ko man lang pinapansin. Madalas ay lagi lang akong nagsusulat o kaya ay puro aral lang.

Tanging mga lolo at lola ko na lang ang naging sandalan ko sa lahat. Ibinuhos ko lahat ang galit ko sa mundo sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga kuwento at tula. Madalas nagiging tragic ang ending dahil ayaw kong may masaya... Sa buong buhay ko ay nilamon ako ng galit at lungkot. Galit, dahil parang hindi naging patas ang lahat, wala na nga akong kapatid nawalan pa ako ng mga magulang. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit ilag ako sa lahat ng tao, maski sa mga lolo't lola ko ay di ako naging palakibo.

Bumalik ang lumilipad kong isip ng biglang may yumakap sa aking babae na may hawak na libro. Agad akong napatingin sa kanya. Pansinin ang maiksi n'yang buhok dahil karaniwan sa mga babae dito ay may mahahabang buhok, nakasuot din s'ya ng salamin sa mata kaya sigurado akong malabo ang mata n'ya. Maputi ito pero medyo maliit at hanggang leeg ko lang. Sa tingin ko ay mag kasing edad lang kami.

"Kuya Ryu pa autograph?"

"Uy..."Nagising ang nahihibang kong diwa sa pagsigaw niya sa akin at gano'n nalang ang bigla kong pagkairita sa boses niya.

"Kuya Ryu, pa autograph..."

"Oy, pa-autograph..." Nawawalan ako ng gana na bigyan s'ya ng autograph dahil sa inaarte n'ya. Hindi naman ako bugnutin, dala lang siguro 'to ng pagod.

"Kuya Ryu!" Nagulat ako sa pag yugyog n'ya sa akin. Napakalakas no'n at parang nahilo ako sa ginawa n'ya. Kinuha ko ang librong hawak niya para pirmahan at nang makaalis na s'ya dito.

"Ang sungit mo pala sa personal..." Pairap ang naging tingin ko sa kanya. May side comments pa.

Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa boses nya kahit okay naman. Sa pandinig ko kasi ay parang nag papasweet s'ya.

Pagkatapos kong pirmahan ang libro nya ay marahas ang naging pagbalik ko sa kanya, muntik pa ngang humagis 'yong libro.

"Ito naman kung makabato kala mo siya naghirap sa pambayad!" Hindi ko naman 'yon sinasadya at mag so-sorry sana ako pero dahil sa sinabi n'ya ay huwag nalang.

"Napakasungit mo pala!" Nakakainis talaga sa pandinig ang boses n'ya lalo na kapag lumalakas 'yon.

"Tsk! magiging problema mo yan pagdating ng panahon!" sunod sunod pa ang naging pag iling n'ya na mas lalong nagpainit ng ulo ko. Meron yata talagang mga tao na ipinanganak parang lang mang inis.

"di pa sikat ganyan na ugali mo!" Pangaral nito sa akin.

"Ano bang problema mo ha?!" Tinimpi ko ang paglakas ng boses ko dahil nakakahiya sa ibang tao.

Dahil sa lakas ng boses n'ya ay nagsimula na kaming pagtuonan ng pansin ng mga tao sa mall. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at hinarap ko s'ya. Pabulong ngunit mariin kong sinabi, "Pwede bang umalis ka na na miss, nangugulo ka lang dito e."

"Excuse me... Ikaw 'tong nagbalibag ng libro ko, kung ibinalik mo lang sana ng ayos edi wala tayong problema." Halos mapa face palm ako sa sagot n'ya.

"Di ko naman akalain na ang author pala ng librong ito ay basura ang ugali," panunuya nito, napapikit nalang ako dahil sa pagtitimping patulan ko pa s'ya

Agad umusok ang tenga ko sa inis sa kanya. Ba't di na lang kasi siya umalis nang matahimik na ang mundo ko. Ang daldal niya. Nagpigil na lang talaga ako dahil masyado na kaming nakakatawag ng pansin sa mga tao at ayoko ng ganoon, introvert ako eh.

"Umalis na po kayo kung wala na kayong kailangan," sabi ko at tumalikod na s'ya para umalis pero agad ding bumalik ng tingin sa akin. "Gusto ko mag papicture kahit na masungit ka," hiling n'ya sabay hila sa akin. Wala naman akong magagawa kung hindi sumunod na lang nang matapos na at di ko na marinig ang boses n'ya.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng sa wakas ay makaalis na s'ya.

"Kuya Ryu!" Sigaw noong mga kasunod sa pila, sana naman ay hindi sila katulad ng isang umalis na 'yon.

Pabalik na sana ako sa pag upo ng maramdaman ko na may naapakan ko sa sahig. Nakita ko ang panyo na kulay dilaw, doon to sa babaeng masungit, eskandalosa, at pabebe na 'yon.

Pinulot ko ang panyo at doon ko nakita ang sa tingin ko ay pangalan n'yang nakaburda.

Heather ❤

An Infinite MasterpieceWhere stories live. Discover now