Chapter 11: Time, You and Me

17 12 0
                                    

.... Wala kami sa condo, ibang lugar at panahon ito...

Naguguluhan man ako sa pagbabago sa paligid ay pilit ko iyong isinantabi lalo na noong masilayan ko ang palad ni Ryu na hindi tumitigil sa pagdugo.

"Ryu," pagtawag ko sa kanya na puno ng pag aalala. Kinuha ko ang panyong nasa aking bulsa para gawing pantapal sa sugat n'ya pansamantala. Pinilit kong maging maingat at dahan dahal habang bnabalot ko ng panyo ang kamay n'yang may sugat, naririnig ko ang impit n'yang pagdaing sa tuwing msasanggi ko ang sugat n'ya.

Tumayo kaming pareho matapos ang ilang sandal, hindi ko na napigilan pang magtanong sa kanya, "May napapansin k aba sa paligid?" Mabilis ang nagging paglingap n'ya sa paligid pagtapos kong magtanong. Sigurado akong kahit s'ya ay naguguluhan din kung nasaan kami ngayon.

"Ryu, alam mo ba kung nasaan tayo?" May halong takot ang nagging pagngisi ko, "nasa condo tayo kanina diba?"

Sa halip na sumagot ay bumaling lang s'ya sa akin at nilapitan ako, "hindi ka naman nasaktan diba, Ayos ka lang?" S'ya itong may sugat pero ako 'tong inaalala n'ya.

"Ayos lang ako."

Ilang beses ko pa s'yang tinanong habang naglalakad kami pero panay lang ang pag iwas n'ya, parang ayaw n'yang sagutin ang tanong ko kaya kahit na naghahanap ako ng sagot ay hindi ko na s'ya kinulit pa. Ang mahalaga sa akin ay ligtas kaming pareho, lalo na si Mich.

Nag aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan, papalubog na ang araw, kanina pa kami naglalakad sa kawalan ni Ryu. Hindi ko alam kung bakit madalang ang tao at sasakyan sa lugar na 'to pero dahil nga kanina pa kami ay nagsimula na akong makaramdam ng pagod at pagka gutom.

Napahinto ako sa paglalakad, naririnig ko ang malakas na pagrereklamo ng sikmura ko sa gutom., napahawak nalang ako sa tiyan ko habang naktala sa pagtayo. Maya maya lang ay nabangga ako ni Ryu, "'bat ka huminto?" Matamlay at walang emosyon ko s'yang tinignan. Narinig n'ya ata ang pagkalam ng tiyan ko sa guton dahil tumingin s'ya sa kamay ko na naktabing doon at saka bumalik ng pagtingin sa mukha ko.

"Gutom ka na?" Parang hindi pa s'ya sigurado sa tanong n'ya pero matamlay akong tumango sa kanya.

Kumapa si Ryu sa bulsa n'ya, halos manlumo ako nang wala s'yang ilabas na pitaka o pera. Wala din akong dala kahit ano bukod sa sarili kaya pa'no na kami kakain ngayon?

Tumahimik saglit si Ryu, parang nag iisip. Sagli lang ay bigla n'ya akong hinila, "Ayos na ba sa'yo ang karinderya?" Tanong n'ya sa akin habang nakaturo sa malayo man ngunit tanaw na karinderya mula sa kinatatayuan naming.

Para akong iniakyat sa langit nang makita ko iyon. Sa gutom na nararamdaman ko ngatyon ay hindi ko na problema kung saan pa ba kami kakain ngayon, kahit nga mag pagpag kami ay ayos lang sa akin.

Halos tumulo ang laway ko ng makita ko si Ryu na may dala dalang umuusok pa sa init na mami, paglapag n'ya noon ay agad kong sinungaban 'yon 'di alintana ang init. Katulad ng inaasahan ay napaso ako.

"Oh, dahan dahan." Sabay kaming natawa sa sinabi n'ya.

Umorder pa kami ng isang malaking mami na pinaghatian naming at tigisang tapsilog. Tingin ko ay parehas kaming gutom pero sa totoo lang ay mas marami akong nakain kaysa sa kanya.

"Salamat, Ryu ah," sabi ko pagkatapos noong huling subo ko ng kanin. "Buti nalang may pera ka diyan, kun'di magugutom tayo ngayon" Pagpapasamat ko sa knya habang nakangiti.

Nakita ko ang bahagyang pag ngiwi ni Ryu sa sinabi ko sa kanya na s'yang ipinagtaka ko. Maya maya lang ay lumapit s'ya sa akin at bumulong.

"Heather..." Bulong n'ya.

"Wala kasi talaga akong... pambayad..." Mabilis na napawi ang ngiti ko at parang gusto kong iluwa lahat ng kinain ko, napatingin ako sa tindera na kumaway at ngumiti pa sa akin.

"Nakapagpahinga ka na ba? Kapag sinabi kong takbo, takbo na ah, mabilis ka ba tumakbo?" Mahinang tanong ni Ryu at nakuha pa talang magbiro.

"Isa... dalawa..." hindi pa s'ya nakakatatlo ay parehas na kaming tumayo at saka mabilis na tumakas doon sa kainan. Dinig naming pareho ang paghabol at sigaw noong bantay pero hindi kami lumingon at diretso lang ang mata, habang may natatanaw na kalsada ay diretso lang kami sa pagtakbo.

Hingal na hingal kaming pareho ni Ryu, bumitaw ako sa kamay naming magkahawak pala habang tumatakbo. Nakarating kami sa isang parang picnic area. Damuhan at may iilang puno na lilim kung umaga. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung nasaan kami.

Nakatukod sa tuhod n'ya si Ryu at habol ang hininga dahil sa pagtakbo.Binatukan ko s'ya na ikinagulat n'ya, "siraulo ka, pinagod mo ako." Reklamo ko na nagpatawa sa amin pareho.

"Practice 'yon para kapag sasali ka ng marathon," may humor din pala 'tong si Ryu.

"Parang nagutom ulit ako sa pagtakbo natin ah."

"Tara, tapos takas ulit tayo," biro ko. Malakas kaming tumawa pareho sa biro ko.

Humiga kami ni Ryu sa damo para magpahinga. Nakalatag sa kalangitan ang liwanag na dala ng buwan at mga bituin nito, payapa at tahimik ang gabi. Sana ganito nalang palagi ang paligid.

"Alam mo bang takot ako sa dilim dati," napalingon ako ng biglang magsalita si Ryu.

"'Di ako natutulog ng walang ilaw kaya lang pinapagalitan ako nila lola dahil magastos daw sa kuryente kaya kahit na ayaw ko pinapatay ko parin ang ilaw."

Ang akala ko noon ay imposible kong makita sa malapitan sa Ryu. Ang akala ko kakailanganin kong gumawa ng kapansin pansin katulad noong booksigning para lang mapansin n'ya ako, pero heto kami ngayon... Nagku-kwentuhan sa ilalim ng liwanag ng mga bituin.

"Ang ginagawa ko sa tuwing matatakot ako dahil mag isa lang ako sa kwarto at walang ilaw ay binubuksan ko bintana at ang nagsisilbi kong ilaw ay iyan..." tumingin ako nang tumuro s'ya. "...mga bituin at syempre, ang buwan."

Pinagmasdan ko ang ganda at liwanag ng buwan, nakakahipnotismo ang gandang taglay nito, wala sa sarili akong nagsalita para mag kwento kay Ryu. "Alam mo bang ang sabi nila, sa tuwing bumabagsak daw ang mga bituin sa kalangitan ay humahaplos sila sa ating mga tao..."

Ramdam ko ang pagpihit patagilid ni Ryu, para taimtim na makinig sa akin.

Malinaw parin sa isipan ko ang kwento ng mga bituin na palaging kinu-kwento sa amin ni mama noong bata palang kami ni Hannah. Matagal na panahon na ang nakalipas pero tandang tanda ko parin kung paanong... "kapag humaplos daw ang mga butuin sa tao ay maaari silang maging katulad natin, ang tanging pagkakaiba lang ay kaya nilang tumupad ng kahilingan ng mga tao na s'yang misyon nila kung bakit sila napunta dito."

Nakatulala akong nakatingin sa mga bituin. Malinaw ang langit at kitang kita ko silang lahat mula sa kinatatayuan ko, kung may telescope nga ako ay siguradong madali kong makikita ang mga constellations ngayon.

"Totoo kaya kayong mga bituin?" Wala sa sarili kong bulong.

"Kung totoo sila...Anong hihilingin mo Heather?"...

kung totoo man sila at kaya nga nilang tumupad ng mga hiling ay isa lang naman ang hihilingin ko. Iyon ang makapiling at mayakap kong muli sila mama at Hannah.

An Infinite MasterpieceWhere stories live. Discover now