Chapter 19: Hoping

20 11 0
                                    

Nakatayo ako sa may pintuan ng kwarto ni Hannah. Tinawag ni Mich si Heather pero para s'yang bingi sa amin, hindi s'ya tuminag. Pinagpatuloy lang n'ya ang pag kausap at paghawak sa kamay ng kapatid.

Umiling sa akin si Mich, sigurado naman ako na alam n'ya kung bakit hindi kami nagpapansinan ni Heather, tiyak na ikinukwento na ni Haether 'yon sa kanya. Tumalikod ako para umalis doon. Pagkatapos ng mga nalaman ko kay Elise ay hindi na ako mapanatag, kaya noong nag volunteer si Heather sa operation ay nangamba talaga ako. Kung mawawala s'ya sa akin ngayon, ayokong maghiwalay kami ng may angkin s'yang galit sa akin. Iisip nalang ako ng paraan kung paano ko s'ya makakausap mamaya.

"Ryu..." dinig ko ang mahinang pagtawag sa akin ni Hannah, "...eto na si Heather." Mabilis akong napangiti ng ipinorma n'ya ng bigay si Heather sa akin. Hinding hindi makaktanggi si Heather sa kanya.

Walang nagawa si Heather, tumayo s'ya doon at sumunod kay Hannah, kahit na halatang napipilitan ay sumunod parin sya sa akin ng ayain ko s'ya sa balcony ng ospital.

"Gusto mo?" Mabilis kong nabasa sa mukha ni Heather ang pagka inis n'ya sa sinabi ko habang naka abot sa kanya ang hawak kong bubblegum. Hindi ko kasi alam kung paano magsisimula ng usap kaya inalok konalang s'ya ng bubblegum na nasa bulsa ko.

"Tinawag mo 'ko para alukin ng bubblegum?" Mabilis na tumalikod sa akin si Heather, halatang nagalit sa ginawa ko, pero mas mabilis ang pagpigil ko sa kanya. Mahigpit ang naging paghawak sa braso ni Heather para hindi s'ya makaalis.

".007% ng living donors ang namamatay..." seryoso kong sabi sa kanya, "Please... 'wag kang maging .007%...Okay?" abot langit ang pag aalala ko sa kanya lalo na sa mga nalaman ko.

"Hoy," dinig ko ang pag-aalala nya. Yumuko ako dahil hindi ko magawang tignan s'ya sa mga mata.

"Hindi ako mamamatay," imbis na makampante ay mas naramdaman ko ang lungkot. Lungkot kung paano nga na mawala s'ya sa akin? Wala pa kaming nagagawa ng magkasama, hindi ko pa s'ya nadala sa mamahaling resto o nabigyan ng magandang regalo... Paano ako kung mawawala ka Heather?

"Pangako 'yan ah?" Nagmamakaawa kong sabi.

"Pangako."

Naglalakad kami sa hallway ng ospital ni Heather, naka lipas na ang ilang oras at ngayon ay binabagtas na namin ang daan patungo sa operating room. Kinuha ko ang kamay ni Heather, pinagdaop ko mga kamay namin. Ayaw ko s'yang bitawan, natatakot ako na baka hindi na s'ya lumabas pa ng humihinga.

Piniga ng marahan ni Heather ang kamay ko para ipahiwatig sa akin na magiging ayos ang takbo ng lahat. Nakikiusap ang mga mata ko na huwag s'yang tumuloy pero ayaw kong mag away na naman kami kaya kahit na mahirap para sa akin ay susuportahan ko nalang s'ya habang nagdarasal na mas humaba pa ang oras naming magkasama

"Ms.Heather Olivar," tawag noong nurse, at ganon lang ay bumitaw na sa akin si Heather.

Pinagmasdan ko si Heather hanggang sa hindi ko na s'ya makita dahil sa nakasaradong pintuan ng operating room. Tumayo ako sa harap non habang nilalaban ang kagustuhan kong pumasok sa loob at pigilan silang lahat.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung paano naging sigurado si Elise na sa aming dalawa aysi Heather ang mas nagmamahal higit kaysa sa akin. Kaya ni Heather na isakripisyo ang sarili nya para a mga mahal n'ya sa buhay, kahit na pag awayan namin 'yon, kahit na may iba pang paraan, kahit na ang ibigsabihin non ay masasaktan din s'ya... dahil higit sa lahat, mas mahal ni Heather ang pamilya n'ya, ang mama n'ya, lalong lalo na si Hannah.

"Wag kang mag alala hijo, magiging maayos din ang lahat" Paalala ng mama niya. Hinihimas n'ya ang balikat ko para pakalmahin ako. Inaya n'ya ako na maupo katabinila habang naghihintay pero segundo lang ang tinagal ko. Tumayo din ako kaagad dahil hindi ako mapakali. Hindi ko hinayaan ang sarili ko na makaupo dahil hindi nawawala ang takot ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ang bawat patak ng segundo ay katulad ng isang daplis ng sugat sa akin. Gusto kong maayos na lumabas si Heather sa pintuan na iyon. Marami pa kaming bubuuing alaala.

Inaliw ko ang sarili ko sa pag iisip ng mga gagawin namin pagtapos ng operation. Sa kabila ng mga sinabi ni Elise ay naniniwala parin ako na iba kami ni Heather, hindi s'ya mawawala sa aakin. Lalabas s'ya ng malakas at buhay sa operating room, ako ang mag aalaga sa kanya, magpapakain, maglilinis ang pinaghigan niya, magbabasa ng mga libro gusto niyang basahin... aalagaan ko s'ya na parang isang baby.

Naisip ko din na bibilhan ko din siya ng mga books at papagawan ko siya ng shelves para sa mga collection niyang libro. Pwede din na turuan ko siyang magsulat para kapag naisipan niyang gumawa ng novel marunong na siya agad.

Kinakabahan kaming lahat sa labas ng operating room, emosyon na makatwiran lalo na at magkapatid ang nasa loob. Lahat kami ay may hawak na tinapay at bote ng tubig para makapaghintay kami hanggang sa matapos ang operasyon, ako, si Mich at ang mama nila Heather at Hannah. Wala pa sa kalahating oras ang operasyon ay nagsimulang magkagulo ang mga nasa loob.

Dahil naguguluhan ay naglakas loob na magtanong ang ina ni Heather sa isang nurse, "anong nangyayari?"

"'yung isang pasyente po, may anaphylactoid reaction sa anesthesia."

Hinigit ko ang braso ng nurse para hindi s'ya makaalis, "aling pasyente?"

Pabalik balik ang tingin n'ya sa akin, nakikiusap na bitiwan ko s'ya pero hindi ako nagpatinag, "aling pasyente?!" Pasigaw kong tanong.

"'yong maiksi ang buhok..."

Si Heather...

An Infinite MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon