Chapter 21: Lover's Fate

20 11 3
                                    

Nasa van kaming lahat ni Mich ngayon, papunta kami sa rest house nila sa Antipolo. Inaya kami ni Mich para doon mag unwind at mag relax pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin. Nakatingin lang sa bintana ng sasakyan si Heather, pinagmamasdang maigi ang mga tanawin na ndadaanan naming. Ang sarap 'yang tignan habang hinahangaan n'ya ang paligid. Kinuha ko ang cellphone ko at saka ko s'ya kinunan ng picture, tumawa s'ya habang naiilang sa ginawa ko.

"Patingin,"

"Ang pangit ko," komento n'ya sabay tawa.

"Palagi kang maganda..." Nakita ko ang pagpula ng pisngi n'ya sa sinabi ko pero dahil don ay kami nanaman ang naging tampulan ng tukso.

Naging medyo matagal ang byahe, umaga kaming umalis pero magtatanghali na ngayon, dala na rin siguro ng traffic.

"Pinahanda ko na 'yong pagkain natin ah? Sorry talaga, hindi ko po alam na tatanghaliin tayo"

"Ayo slang hija, kumain naman kami, at busog na busog pa."

"E kayong kambal na may tahi? Kaya pa ba?" Natawa kami sa sinabi ni Mich. Kambal na may tahi.

Huminto kami sa isang malaking gate na kulay itim, napaka engrade noong tignan. Sandali lang ay bumuukas na 'yon at pinatuloy ang sasakyan.

"Rest house lang 'to Mich? Grabe ang yaman n'yo pala talaga..." Manghang sabi ko. Hindi rest house kundi mansion ang tingin ko doon. Sa paligid bago makarating sa mismong bahay ay puno ng matatas na puno na hindi ko alam kung ano. Hindi pa kami nakakababa ay may nakahilera ng sasalubong sa amin.

"Pakikuha nalang po yung mga baggages sa likod," utos ni Mich sa isa na agad naming sumunod sa kanya.

Inalalayan ng mama nila si Hannah, samatalang ako naman ang umlalay kay Heather. Dahan dahan lang ang naging pagkilos n'ya dahil kailangan n'ya mag ingat lalo na at sariwa pa ang tahi n'ya. Hinatid ko s'ya at iniwanan saglit para si Hannah naman ang alalayan.

Naghawak kamay ang kambal, tila sabik na sabik sa isa't isa.

"Anong gusto mong gawin?" Tanong kay Heather na ngayon ay katabi kong nakaupo at naghihintay ng tanghalian.

"Movie marathon tayo mamaya?" Suhestiyon n'ya na mabilis kong tinanguan.

Nag usap kami habang kumakain, magpupuyat kami mamaya kasama ang pamilya ni Mich para mag movie marathon. Bukas naman ay igagala kami ni Mich sa mga pasyalan dito sa Antipolo. Nag request ng food trip si Heather at Hannah na gagawin din namin bukas kasama si Mich. Excited din si Mich na dalhin kami sa malapit na mall para raw ipag shopping ang kambal, past time pala n'ya ang pagbili sa mall, kakain din kami sa paboritong kainan ni Mich dito sa Antipolo. Marami pa nga daw kaming magagwa kung magaling na sana sila Heather at Hannah pero dahil kailangan mag inga ay hindi pa kami pwedeng magpunta sa mga amusement park.

Naging mahaba ang gabi, alas dos na kami natulog matapos naming manuod ng apat na movie, masaya palang manuod ng nakaktakot kapag madami. Nagtatakutan kami, at kahit na tigasin pa noon si Mich ay isa s'ya sa mga pinaka takot kanina.

"Hindi ka makatulog?" Tanong ko kay Heather na nakatingin sa kawalan sa may balcony. Umiling s'ya sa akin.

"Ang tagal kong hiniling 'to... yung mabuo kami tapos masaya tayo..."

"Naniniwala ka parin bas a kanila?" sa mga bituin.

"Oo naman, tinupad nga nila 'yong hiling ko e. Binigay ka pa nila sa akin." Pinalambot ng mga salitang 'yon ang puso ko.

"Magpahinga ka na, mahaba pa ang araw natin bukas." Suhestiyon ko sa kanya na agad naman n'ya sinunod. Hinatid ko s'ya hanggang sa kwarto nila, dalangin na makatulog s'ya ng mahimbing ngayong gabi at may lakas bukas ng umaga.

Alas siyete palang ay gising na kami, nag aayos ngayon si Hannah, s'ya nalang ang hinihintay at aalis na kami. Wala sa plano kahapon pero ang sabi ni Mich ay pupunta daw kami ng ngayon. Kumain kami ng agahan sa isang restaurant, pagkatapos ay dumiretso na sa park.

"Ang ganda..." paghanga ni Heather si parke.

"Naalala mo Hannah, binibili tayo ni papa dati ng cotton candy saka lobo!" excited n'yang kwento.

"Tapos mahihintay tayo don sa swing kasi ayaw umalis nung ibang bata!" sagot naman sa kanya ni Hannah. Nakakatuwa silang tignan, parang mga batang muli habang masayang nagkukwentuhan.

"Kung pwede lang ako tumakbo tatayain kita e!"

"Hindi pwede, maupo ka lang d'yan Hannah," pagsuway ng mama nila. Ni-imagine ko tuloy ang batang Heather. Parang sa kanilang magkapatid ay s'ya ang mas tahimik, kahit na sakitin ay mukhang mas maharot si Hannah. Nakinig ako sa mga kwento nila, sigurado akong babalik ako sa nakaraan para lang panuorin si Heather na umiyak dahil walang kulay dilaw na lobo.

"Heather..." hinubad ko ang suot na kwintas, ibinigay ko 'yon kay Heather.

"Bakit?" Nagtataka n'ya tanong nang iabot ko sa kanya ang kwintas ko.

"Pangangalagaan ka nyan. Hawakan mo lang kapag gusto mong mag time travel o pahintuin ang oras... Isipin mo lang kung saan at kung kalian." Pagtuturo ko sa kanya kung paano gamitin 'yon.

"Bakit pa ko babalik sa nakaraan... e, nandito ka na sa tabi ko." Napangiti ako sa sinabi n'ya. "Gusto mo ng cotton candy saka lobo?" Bumakas sa mukha n'ya ang hiya dahil alam n'ya tutuksuhin ko s'ya dahil narinig ko ang kwento ng pag iyak n'ya noong bata s'ya.

"Sisiguraduhin kong kulay dilaw."

Iniwan ko si Heather kasama sang iba pa para tumawid sa kalsada, bumili ako ng dalawang cotton candy at dalawang kulay dilaw na lobo, isang pares para din kay Hannah.

Matatwa sigurado sila Mich kapag nakita nila 'tong binili ko.

""yong kulay dilaw po, dalawa..."

Inabot sa akin ng lalaki ang dalawang kulay dilaw na lobo. Siguradong matutuawa si Heather...

Umalingawngaw sa paligid ang tunong ng preno ng sasakyan, wala sa akin ang kwintas pero parang bumagal ang takbo ng oras.

"Iyong bata!"

"Iyong babae!"

Nabitawan ko ang lahat ng hawak ko, kahit sa mga oras na pinaglalaruan kong pahintuin ang oras ay hindi ko naramdaman ang paghinto non, pero ngayon... Habang tumatakbo ay ramdam ko ang pagtigil ng mundo ko.

Hinawi ang mga nakaharang sa daan, wala akong pakielam kung masaktan sila, ang mahalaga sa akin ay mahawakan ko si Heather. Gusto kong malaman at makita na ayos lang s'ya.

Nag uunahan ang luha ko nang makita ko kalsada na puno ng dugo, si Heather.

"Heather!" Paulit ulit kong tawag sa pangalan n'ya, may halo iyong pakiusap na gumising s'ya at kausapin ako. Gusto kong sabihin na n'ya na ayos lang ang lahat, na walaakong dapat na ipag alala dahil ayos lang s'ya.

"Heather!" Pagtawag kong muli pero hindi s'ya sumagot.

"Heather!" Imbis na pasigaw ay paiyak nang tinawag ang pangalan n'ya. Ang akala ko ay ayos na, na nakaligtas na kami sa tadhana, pero tama si Elise... Iiwan nga ako ni Heather.

Niyakap ko ang duguan na si Heather, hindi ko alintana ang dugo n'ya na kumapit sa damit ko. Sa kamy n'ya ay hawak hawak n'ya ang kwintas. Ang kwintas na dapat ay magliligtas sa kanya. Hawak n'ya iyon katulad ng turo ko sa kanya, sigurio ay sinubukan n'yang pahintuin ang oras para mailigtas ang bata pero hindi gumana. Natakasan n'ya lang pala ang unang bingit ng kamatayan. Pero hindi katulad ng dati, sa pagkakataong 'to ay hindi kos'ya nailigtas. 

An Infinite MasterpieceWhere stories live. Discover now