Epilogue

23 12 1
                                    

Malungkot at biglaan ang naging pagkamatay ni Heather, mahirap tanggapin pero sinusubukan namin, pero hindi s'ya... hindi si Ryu.

"Ma'am Elise?" Mahina akong ngumiti kay Jane, kaibigan ni Heather na binilhan ko din ng bulaklak noon.

"Kamusta kayo?" Ramdam ko ang pighati ng lahat ng tao sa loob, mabuting tao si Heather, kahit kalian ay hindi s'ya gumawa ng masama sa kapwa n'ya, alam ko dahil magmula noon ay sinusubaybayan ko na s'ya.

"Mahirap ho," nanginginig ang boses si Jane, tanda na pinipigilan n'ya ang pag iyak. "Kausap ko lang s'ya sa telepono e..." niyakap ko si Jane at hinayaan s'yang umiyak sa akin. Nanatili man akong nakatago habang sinusubaybayan ko si Heather ay napamahal na s'ya sa akin, ramdam ko ang sakit ng pagkwala n'ya.

Ganoon parin ang hitsura at kulay ng mundo pero ang pagkawala ng prisensya ni Heather ay naging malaking kawalan.

Pinuntahan at kinausap ko lahat ang mahahalagang tao kay Heather, sinusubukan na pagaanin ang nararamdaman nila.

May bitbit akong payong bilang pang sangga sa malakas na buhos ng ulan. Nakaluhod si Ryu habang umiiyak sa harap ng puntod ni Heather, basang basa ang suot n'yang itim na polo at slacks. Hinawakan ko ang balikat n'ya pero mabilis n'ya iyong iniwas.

Lumuhod ako sa tabi n'ya, "hindi matutuwa si Heather sa ginagawa mo..."

"Wala kang alam." 

Ang kurot sa dibdib ko ay hindi lamang para sa kanila ni Heather, ibinabalik nang pangyayaring ito ang sa amin ni Benjamin.

"Ryu---"

"Hindi, alam mo na mawawala sa'yo si Ben!" Sinabi n'ya 'yon na para bang hindi ganoon kasakit ang akin kaysa sa kanya.

"Si Heather... Akala ko ayos na, akala ko magiging masaya na kami!"

"Noong niligtas mo s'ya sa mga humahabol sa kanya pa nakatakdang mawala si Heather, sobra sobra na ang oras ang ibinigay sa inyo." Paliwanag ko.

"Ni hindi n'ya nasabi sa akin na mahal n'ya ko..."

"...Hindi ko nasabi sa kanya kung gaano ko s'ya kamahal, na kung pwedeng ako ang mawala ay gagawin ko mabuhay lang s'ya!" Ang pighati ay hindi lamang rinig sa boses n'ya, kita iyon sa buong pagtao ni Ryu. 

"Ryu, dalawang taon ng patay si Heather, pag pahingahin mo na s'ya."

"Hindi... hindi ko kaya, hindi ako katulad mo Elise... mahina ako." Tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan, kahit na sa ulan ay kita ko ang pagtulo niyon. Ang akala ko noon ay mahina na ako pero tama si Ryu, mas mahina s'ya sa akin.

"Iba't ibang paraan mo na nakitang namatay si Heather, hindi ka ba napapagod?" Sa loob ng dalawang taon ay walang ginawa si Ryu kundi ang bumalik sa nakaraan nila ni Heather, kung saan buhay pa ito at masaya silang dalawa. Tuwing babalik s'ya ay sinusubukan n'yang ibahin ang kapalaran na nakatakda sa kanila. Ang buhayin si Heather ang naging misyon n'ya. Pero katulad ng palagi kong sinasabi sa kanya ay hindi na n'ya mababago ang nakatadhana, hindi maaaring magmahalan ang dalawang bituin dahil mawawala ang ningning ng isa.

Ang galit na Ryu ay nawala, napalitan 'yon ng walang pag-asa at lumuluhang si Ryu, damang dama ko ang pakiramdam n'ya ng pagkatalo. Kahit na maputik ang lupa dala ng pag ulan ay hindi na 'yon pansin. Kita ko parin ang walang tigil na pagatak ng mainit n'yang luha sa kabila ng ulan. Pagkabigo, pagatalo, lungkot, pighati at sakit. Iyon lang nararamdaman ni Ryu mamula noong mawala si Heather, buhay man s'ya ay para narin s'yang patay sa ginagawa n'ya.

"Ryu..." badya ko ng pagsaway sa kanya nang makita kong hawak nanaman n'ya ang pendant ng kwintas.

"Tama na," pakiusap ko, pero katulad noon ay pag iling lang ang nagiging sagot n'ya sa akin.

RYU'S POV

"Ryu..." badya ng pagsaway sa akin ni Elise, palagay ko ay alam na n'ya ang gagawin ko.

"Tama na," halata sa boses n'ya ang pag mamakaawa. Gustuhin ko mang itigil ay hindi ko na kaya, hindi ko kayang wala si Heather, kaya katulad noon ay umiling ako sa kanya. Hinawakan ko ang pendant ng kwintas at saka ako bumalik sa unang araw kaming nagkita.

Muli ay naging maingay ang paligid, nandito na ulit ako sa booksigning/meet and greet ko

"Yah! kuya Ryu pa picture!" Nilagpasan at hindi ko pinansin ang babae. Dumiratso ako sa pila, hinahanap ang babaeng nakasalamin at maiksi ang buhok. Si Heather.

Napangiti ako ng makita s'yang buhay na buhay, katulad noon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na s'ya. Katulad noon ay gulat na gulat parin s'ya. Mahigpit ko s'yang niyakap habang impit na umiiyak, kahit na magalit sa akin si Elise, kahit na malaman 'to ni Heather at magalit din s'ya sa akin ay hindi ako titigil sa pagbalik sa oras para makasama s'yang muli.

Labing limang beses ko ng binalikan si Heather, labing limang beses ko na s'yang nakitang nawala sa akin sa iba't ibang paraan. Sa tuwing mapipigilan ko ang isa ay may kasunod naman na trahedya. Kahit na anong subok ko na pigilan 'yon ay hindi ako nagtatagumpay, sa huli ay palagi lang akong bumabalik sa umpisa para makasama ko s'yang muli.

I don't mind the pain, because for me... even if it's tragic, our love is an infinite masterpiece.

An Infinite MasterpieceWhere stories live. Discover now