Chapter 16: Emergency

23 11 0
                                    

Hindi ko alam kung pinahinto ngayon ni Ryu ang oras o kung pinababagal n'ya lang talaga ang takbo ng mundo ko. Bahagya akong nakaingala habang tinititigan ko ang kanyang mukha, hindi 'yon nakakasawang tignan. Sa ngayon, pakiramdam ko ay kabisado ko na ang bawat parte ng hitsura n'ya.

Binulabog kami ng tawag mula sa cellphone ko, "Hello, mama?"

"Anak..." Ang garalgal na boses ni mama ang mabilis na nagpakaba sa akin, mabilis akong binalot ng takot at pagkangamba.

Hinatid ako ni Ryu sa ospital, mabuti nalang at malapit lang kami doon. Wala pang limang minuto ay nakarating na kami, hindi ko alintana ang pagbangga ko sa mga kasalubong, nagmadali lang ako habang inabaybay ang patungo sa kwarto ni Hannah.

"Mama!" Halos maluha ako ng makita ko si mama na nag-iisa sa harap ng kwarto ni Hannah, tanaw ko sa malayo ang panghihina n'ya, pinipigilan kong umiyak, ayokong magmukhang mahina sa ngayon dahil sa ngayon ay kailangan kong magpakatatag.

"Heather, anak!" Sinalubong ko ng yakap ang umiiyak kong ina, dinig ko sa paghagulgol n'ya ang takot na baka mawala na sa amin si Hannah. Dinaluhan ko siya na may nagtatanong na mga mata.

Dahil sa malala na ang kidney failure ni Hannah ay naging prone s'ya sa blood clots. Ang sabi ng doktor ay kailangan n'ya ng emergency surgery dahil sa malaki ang namuong dugo sa kanya, hindi pwedeng ipagpaliban dahil maaring mamatay sa blood cloth si Hannah, lalo na at hindi na kaya pang dumaloy ng dugo sa ugat n'ya.

Matapos nag ilang oras ay iniluwa din ng pintuan ang dokor, "don't worry Mrs.Olivar... your daughter is stable now, mamaya pa s'ya gigising, but right now she's okay." Sa wakas ay makakahinga din kami ng maluwag, unti unting nawala sa amin ang takot. Pumasok kaagad si mama sa kwarto ni Hannah pero nanatili ako sa labas, tinanaw ko lang sila sa kapirasong bukas ng pinto, hindi sa ayaw kong makita si Hannah kun'di dahil gusto ko munang bumawi ng lakas, pakiramdam ko kanina ay mawawalan ako ng malay, nakakapanlata.

Matamlay kong binilang ang naipon naming pera sa ilang araw na pagbebenta ng libro, madami namang bumili lalo na ng mga libro na sariling gawa ni Ryu, pero hindi parin sapat para sa kailangan namin para kay Hannah, lalo na ngayon na nag sinuhestiyon na ang doktor na maghanap kami ng kidney donor. Mahirap dahil kailangan maging match ng donor kay Hannah.

"Ayos ka lang?" Buntong hininga lang ang naisagot ko kay Ryu. Ramdam ko ng ilagay ni Ryu ang palad n'ya sa kaliwa kong balikat, "'wag kang mag alala, gagawan natin ng paraan okay?"

Hindi ko mapigilan na mapangiti kay Ryu, pakiramdam ko ay safe ako sa tuwing nasa paligid ko s'ya, hindi ko alam kung paano pero dahil si Ryu ang nagsabi ay naniniwala ako na magagawan namin ng paraan 'to. Hinawakan at saka ko marahang pinisil ang kamay n'yang nakapatong sa akin bilang sagot at pagsasabi na naniniwala ako sa kanya.

Nagising ako sa kaluskos ng kung ano, nakatulog pala ako sa lamesa ng hindi ko alam. Unang hinanap ng mga mata ko Ryu, nakatayo s'ya at may dala dalang bote ng coke mismo, ngumiti ako bilang bati sa kanya.

"Kain ka muna," sabay abot n'ya sa akin ng maliit na paper bag. Hindi ko pa man nabubuksan ay alam ko ng pandesal ang laman n'on sa loob. Ang amoy ng bagong lutong tinapay ang namayani sa paligid.

"Ano 'yan?" Nakataas ang isa kong kilay. Nakakairita, hinihimas n'ya kasi ang buhok ko, parang aso!

"Hanga ako sayo kasi kahit na alam kong nahihiapan ka, hindi ka sumusuko... lalo na para kay Hannah..."

Nilamot kami ng katahimikan, gusto kong magpasalamat sa kanya pero para akong napipe. Mas namamayani ang kagustuhan kong umiyak. Umiyak dahil nakikita at na a-appreciate n'ya ang paghihirap ko. S'ya palang ang unang nagsabi at nagpakita non sa akin.

Sa totoo lang ay pagod na ako. Pagod na akong kumayod sa flower shop at samahan si Ryu sa fund raising. Pagod na akong mag asikaso ng mga kailangan ni Hannah, pagod na akong alagaan s'ya. Pagod na akong mag isip ng paraan sa mga problema namin na walang ginawa kun'di ang madagdagan sa araw araw. Pagod na ako sa lahat, pero hindi ako pwedeng mapagod at sumuko dahil lahat ng ginagawa ko ay para sa ikahahaba ng buhay ni Hannah, kaya kahit na mahirap at kahit nakaka drain ay hindi ko ipapakita ang pagod na meron ako.

Kaya siguro gusto kong umiyak dahil masarap sa pakiramdam na nakikita pala nila ako.

"I'm sorry ms. Olivar, hindi match..."

Gusto ko nang iumpog ang ulo ko sa pader, mayron nang donor pero hindi naman match

"Paano ho kaya malalaman kung 100% match?" Kuryoso kong tanong. Hindi sumagot kaagad ang doktor na kausap namin. Kabaliwan ang naiisip ko pero sa tingin ko ay ito nalang ang paraan. Kambal kami ni Hannah kaya siguradong match kaming dalawa.

"Ako ho ang mag do-donate... Kailan ang surgery?"

An Infinite MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon