Chapter 76

3 0 0
                                    

"Ang swerte mo. Kita mo yan?" Tiningnan ko naman ang tinuro niya. Tinuturo niya ang mga lalaking naka itim na suit na parang mga bodyguard kung tumayo. Simula noong dumating ako dito kanina, hindi pa rin sila umaalis.

"Mga bantay mo yan Samonte. Kaya kahit nangangati na ang mga kamay kong tapusin ang buhay mo, hindi ko pa rin magagawa sa ngayon," napabalik naman ang tingin ko sa kaniya.

Bantay ko? Kailan pa?

"Paano ko naman naging bantay yan. Sa dami ng anak ng mga bigating taong nandito, hindi na imposibleng may mga bodyguards na nakakalat dito," depensa ko. Hindi naman siguro naapektuhan pati utak niya no?

"You're wrong. All of that men in black are your bodyguards. Takot si Cris na malaman mo ang katotohanan, I guess," saad nito na nakakuha ng atensiyon ko. Anong katotohanan na naman?

"I know Cris since we were elementary. And up until now hindi ko pa rin mabasa ang isip niya. Paanong nangyaring ang isang bagong dating na tulad mo? Nakuha agad ang puso niya? Isn't it confusing?" Dagdag nito.

"Siguro dahil talagang mahal niya lang ako kesa sa—"

"Mahal? Hahaha! Alam mo kung anong say niya sa salitang yan?" Putol niya sa akin.

"Walang demonyong nagmamahal Samonte. Tandaan mo yan," dagdag pa nito.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now