Chapter 40

9 1 0
                                    

    I woke up early because of the sound of the waves crashing onto the seashore. Hindi ko man lang namalayan kagabi na nasa tabing dagat pala ang bahay ni Nanay Jenny. Si nanay Jenny ang nanny ni Cyryl noon.

    Pagkatapos kong ligpitin ang pinagtulugan ko agad naman akong lumabas para tulungan si nanay Jenny maghanda ng agahan at siyempre magsasight seeing sa paligid.

   "Oh hija, ang aga mo namang magising, hindi ka ba nakatulog ng mahimbing?" Tanong ni nanay Jenny na may halong pag-aalala.

   "Naku hindi po nanay. Sadyang maaga lang po talaga ako nagigising. Nasanay na eh, tsaka hindi na po ako makabalik sa pagtulog kasi naririnig ko po yung hampas ng mga alon." Saad ko naman para hindi na siya mag-alala.

   "Halika, upo ka muna dito... Pasensiya ka na at talagang sanayan lang sa pagtulog ang mga nakatira sa tabing dagat. Hindi mo siguro napansin ang dagat kagabi." Saad niya ulit.

   "Oo nga po eh. Ngayon ko lang napansin na may dagat pala dito sa pwesto niyo." Segunda ko naman.

   "Gusto mo bang tingnan ang dagat? Pwede kitang ipasyal sa dalampasigan," alok ni nanay Jenny.

    "Naku, huwag na po. Nakakahiya naman, pwede naman pong mamaya nalang pagkatapos mag-agahan niyo ako ipasyal," alinlangang saad ko. Nakakahiya kayang mas inuuna ko pa yung pagpasyal kesa sa agahan.

   "Oh eh kung ganoon, tulungan mo nalang akong magluto at mukhang napagod talaga yung tatlong barako dahil hanggang ngayon ay tulog pa rin," saad niya bago niya ako iginiya sa kusina.

    Maagang namalengke si nanay Jenny. Bumili siya ng samu't saring gulay, isda, karne at prutas at lahat ay preskong-presko. Ang gaganda nang mga gulay at prutas, sa ganda nito manghihinayang kang kainin o galawin man lang.

    "Ah nay Jenny, resort po ba ito? Napansin ko kasi kagabi na tatlong bahay lang yung nandito eh." Tanong ko habang naghihiwa ng gulay. Ang awkward kaya kapag walang mapag-uusapan.

      "Hindi hija, care taker lang kami dito, ang bait nga ng may-ari ng resort na ito at pinayagan ang pamilya ng dalawang anak ko na magtayo ng bahay dito eh." Sagot niya naman. Kung ganoon, sa mga anak niya pala ang dalawang bahay na yun.

    "Pero may mga cottages naman din dito sa resort, yun nga lang nandoon pa sa main resort, bale excess nalang ang lugar na ito. Reserved for the care takers. Dahil linggo ngayon, siguradong maraming mga turista ang magsisidatingan mamaya, makikita mo kung paano nila mabibigyang buhay ang lugar na ito," dagdag niya pa.

    "Ang sarap siguro sa pakiramdam ang  mamuhay sa tabing-dagat no? Parang kahit anong oras ay kaya mong takasan ang totoong mundo," saad ko habang nagpapatuloy sa paghihiwa ng gulay. Ano kaya ang lulutuin ni nanay at napakarami ng pinapahiwa niya.

   "Kahit saan naman hija masarap mamuhay. Sa probinsiya man o syudad, basta ba kung saan ka sasaya at kung nasaan talaga ang puso mo, makukuntento ka na." Tugon niya naman. Ang lalim ng hugot ni nanay. "Katulad lang din yan ng pagmamahal, kung mahal mo ang isang tao, kahit na ano gagawin mo para mapasaya lang siya. Kagaya ko, kahit ano gagawin ko para mapasaya ang mga turistang bumibisita dito, ang mga anak ko at ang asawa ko. Hindi naman kasi ibig sabihin na dahil masaya ka ngayon, masaya ka na sa lahat ng panahon. Siyempre kailangan mo ring isaisip na kailangan mong mag-ipon ng lakas ng loob at matibay na paninindigan bago mo makakamtan ang tunay na kasiyahan. Dahil ganoon ang pagmamahal hija, handa kang masaktan para makamtan ang tunay na kasiyahan." Dugtong niya pa.

    "Naks naman nay, may banat ka doon ah, alam mo rin palang humugot, grabe maiiyak ako doon ah," pang-aasar ko kay nanay na tinawanan niya lang bago nagpatuloy sa pagluluto.

   Tama nga naman siya, hindi ka magiging masaya kahit na sabihin pa nating kuntento ka na kung wala naman diyan ang puso mo. Kung hindi mo din lubusang natatanggap ang mga nangyayari.

    Pero ano nga ba dapat ang unahin? Paano kung nasa gitna ka ng seryosong sitwasyon at kinakailangan mong mamili sa dalawang bahagi ng katawan mo? Pipiliin mo ba ang puso mo dahil gusto mong sundin ito o pipiliin mong sundin ang utak mo dahil alam mong yun ang nararapat sa ganoong sitwasyon.

     "Ay ewan!" Saad ko nalang habang napagdesisyunang tapusin na yung hinihiwa ko.

    "Huwag mo nang isipin pa ang mga komplikadong sitwasyon hija. Isipin mo ang ngayon, pabayaan mo ang kahapon at hayaan mong maturuan ka nito para sa hinaharap. Hindi mo kailangang pag-isipan ng matagal ang mga bagay na malabong paniwalaan." Sagot ni nanay Jenny sa akin.

    Magsasalita pa sana ako ng pumasok sina Ivan at Louell sa kusina na parehong mga bagong gising.

    "Morning/ Good Morning everyone," sabay na saad ng dalawa.

    "Morning," saad ko din.

   Binigyan naman sila ng kape ni nanay Jenny na agad naman nilang tinanggap at nagpasalamat.

    Hindi rin naman nagtagal ng ilang oras bago pumasok si Cyryl sa kusina.

    "Maayong buntag nay," saad niya habang niyayakap si nanay Jenny.

    Come to think of it. Kahit sa bahay hindi ko nakikitang ganito ka obvious si Cyryl. Alam ko namang mahal niya ang mga kapatid niya, yun nga lang, hindi niya pinapakita ng harapan. Mas gusto niyang suportahan ang mga ito ng hindi nila nalalaman but here, his different, he let's me see who really he is when his with the second girl he treats like his second mother.

     "Sus dong. Ulitawo na ka ba pero wa gihapon ka nagbag-o. Hilig lang gihapon ka magpalambing-lambing sa ako," sabi ni nanay Jenny na talagang wala kaming naintindihan. Nagkatinginan naman sina Ivan at Louell na pawang wala ring naintindihan. [Hay naku hijo, binata ka na pero hindi ka pa din nagbabago. Mahilig ka paring magpalambing sa akin.]

    "Lingkod na didto arun mangape," bigla nalang pumunta si Cyryl sa tabi ko at binigyan agad ni nanay Jenny ng kape. Pagkaalis ni nanay Jenny ay lumapit naman sa akin si Cyryl. [Umupo ka na doon para magkape]

    "Good morning baby," bulong niya sa akin.

Agad ko namang inilibot ang paningin ko at baka may nakakita ng ginawa niya. Mabuti naman at busy ang dalawa sa kapeng inihanda ni nanay Jenny para sa kanila.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now