Chapter 51

8 0 0
                                    

   "Aray! Dahan-dahan naman. Alam ng masakit eh," reklamo ni Brenz habang ginagamot siya ng isang babae.

    "Eh kung hindi ka ba naman kasi tanga edi sana hindi mo hinayaang mabugbog ka ng mga hinayupak na yun!" Ano kayang nangyari at naiinis ang kasama ni Brenz.

   Nandito kami ni Cyryl sa may pinto papuntang kusina nagtatago dahil nasa loob ang dalawa.

   "Kilala mo ba siya?" Bulong ko kay Cyryl na inilingan niya lang.

   "Alangan namang pabayaan kitang mabugbog doon. Gentleman ako kaya ko ginawa yun!" Naiinis na tugon din ni Brenz.

    "Gentleman mo mukha mo eh magkaaway nga yung angkan natin diba kaya dapat pinabayaan mo nalang ako. Nagkautang na loob pa ako sayo ngayon." Naiinis rin na tugon nung babae.

    "Wala akong pakialam kung magkaaway man o magkaibigan ang angkan natin. Problema na nila yun. Pinalaki kami ng lola naming huwag manakit ng mga babae." Saad naman ni Brenz.

   Grabe! Ngayon ko lang ata narinig na nagsalita siya ng mahaba ah. At talagang naiinis pa.

   "Aray naman! Huwag mo kasing diinan. Kanina ka pa ah. Kung may galit ka sa akin sabihin mo, huwag mong idaan diyan sa pasa" dagdag niya pa.

   "Huwag ka kasing malikot. Kunting diin lang kumikislot agad napaka-arte mo naman!" Saad nung babae habang kumukuha ng bagong cotton.

    "Siyempre naman! Pride ng mga Del Franco ang pagkakaroon ng perpektong mukha kaya dahan-dahanin mo."

    "Edi sana hindi ka nagpasuntok sa mukha mo para walang problema! Ang arte na nga napakabobo pa! Tsh—"

   "ARAY NGA! Tama na nga yan! Sinasa—"

   "Grabe naman ang ingay Caryl. Ang lakas ng boses par— oh kuya! Ice! Nakabalik na kayo? Kailan pa? Sana nagpasundo nalang kayo." Nabaling naman ang tingin ng dalawang taong nasa kusina sa pwesto namin dahil sa maingay na bibig ni Allen. Talaga namang mokong ang nga taong ito eh. Pero inaamin ko namang namiss ko sila.

   "Huwag kang maingay!" Pabulong kong isinigaw sa kaniya.

   Lumapit naman siya agad sa puwesto namin at nakipag fist bump sa kuya niya habang nagsasalita. "Bakit kasi kayo nagtatago diyan? At bakit ang ingay ni Caryl?"

   "Ang ingay mo Allen, nabuking tuloy tayo. Nagdala pa naman ng babae itong bunso natin." Saad ni Cyryl bago ako hinila papasok sa kusina.

   "ATE AICELLLEEE!" Agad naman akong dinamba ng yakap ng babaeng kausap ni Brenz. Kilala ko ba ito?

   "Ahh.. Excuse me lang ha. Magkakilala kayo?" Singit ni Brenz.

   Tiningnan naman ako nang lahat kaya nagkibit balikat nalang ako.

  "Ouch. Ang sakit nun ate Ice ah. Ako ito. Cyra Jade. Naalala mo ba?" Puno ng pag-asang pagtatanong niya.

   Cyra? Cyra...Cyra... Saan ko nga ba narinig ang pangalang yun? Cyra.. Cy—

   "AYY OO NGA! CYRA NA SIKAT SA DATI KONG PAARALAN!" saad ko nalang. Tama! Sikat itong batang ito dahil ang hilig makipag basag ulo.

   "Ayun! Nakuha mo rin. Kumusta na? Hindi ko alam na dito pa pala kita makikita ulit. Hindi na kita nakita sa school simula noong pasukan eh." Saad niya.

    Umupo naman si Allen sa tabi ni Brenz habang sabay nilang iniinspeksiyon ni Cyryl ang mukha ni Brenz.

   "Naku pasensiya ka na ha. Hindi na ako nakapag paalam sayo. Biglaan kasi yung paglipat ko eh. Tsaka akala ko alam mo na kasi alam ni Lorraine eh. Nakalimutan kong hindi nga pala kayo magkasundo," awkward naman akong ngumiti sa kaniya.

  "Huwag mo nang alalahanin yun ate. Okay lang naman eh. Ang importante alam kong maayos ka. Msnhhgtgygtiihgui," hindi ko man lang marinig nang maayos yung binulong niya.

  "Ano?" Tanong ko.

   "Ahh.. Ang sabi ko masaya akong nakita kitang maayos sa pangangalaga nila. Alam mo namang pamilya ang turing ko sayo diba," saad niya naman habang binibigyan ako ng ngiti na nginitian ko pabalik.

   Nakita ko namang hindi pa tapos sa pagiinspeksiyon ang magkakapatid kaya minabuti ko nalang tanungin si Cyra. "Ahh. Ano nga palang nangyari kay Brenz at bakit puno siya ng pasa?"

   "Eh nagfefeeling bayani. Ayan nabugbog" balewalang saad nito.

   "Hindi ka parin pala nagbabago. Nakikipag basag ulo ka parin?" Pangungusisa ko.

  "Hindi naman na ate. Kukunin ulit ni kuya ang itim na credit card ko kapag hindi ako nagbago kaya minabuti ko nalang na magbago. Yun nga lang, hindi maiiwasang may makasalubong akong dating kaaway na gustong gumanti sa daan. Eh hindi marunong pumirme ang Del Francong yan kaya ayun, nadamay." Balewalang saad niya.

   "Hoy! Nasa pamamahay ka nang mga Del Franco kaya ayos-ayusin mo yang pananalita mo," sita naman ni Allen.

  "Talaga ba Cris?" Baling naman ni Cyra kay Cris. Ano namang koneksiyon ng dalawang ito?

  "Hayaan mo siya Allen." Sagot naman ni Cyryl bago kumuha ng band-aid at tinapos ang panggagamot kay Brenz.

   "Ano?! Pero kuy—"

   "Kaninong motor yung nasa labas?" Singit ng isang boses na kararating lang. Halata naman sa mukha nina Allen at Brenz na kinakabahan sila habang si Cyryl ay prente lang na nakupo.

   "Kuya!/ Kuya Raven!" Sabay na saad nang dalawa.

   "Oh! Anong nangyari diyan sa mukh— at bakit may Montecarlos na nakapasok sa pamamahay na ito!" Dumagundong ang malaki at malalim na boses ni Raven sa loob ng pamamahay na siyang nagpataas ng balahibo ko.

   Anong meron sa pagitan ng dalawang angkan na ito?

   "Kuy—"

   "Sinong nagbigay ng pahintulot para papasukin ang isang Montecarlos sa bahay na ito!" Putol niya sa sasabihin ni Allen.

  "Sor—"

  "Kung ayaw mo sa akin hindi mo naman kailangang sumigaw sa ganitong kaliit na lugar. Masyadong masakit sa tenga yang boses mo." Matapang na saad ni Cyra.

   "Hoy ano ba! Tumahimik ka na lang pwede?" Pabulong na sita ni Brenz sabay hila kay Cyra sa likuran nito.

  "Huwag mo sabihing piniprotektahan mo ang Montecarlos na yan sa akin Caryl?" Ano ba kasing nangyayari at bakit galit na galit si Raven kay Cyra? Wala namang ginagawang masama si Cyra sa kaniya ha. Mabuti nga at tinulungan niya pang makatakas si Brenz sa mga kaaway niya eh.

   Sa pagkakakilala ko pa naman sa kaniya, wala siyang pakialam sa kung sino man maliban sa pamilya niya kahit na mamatay ang mga ito sa harap niya.

  "Rave—"

  "Sweetie don't. Just don't." Hindi ko man lang namalayang nakalapit na si Cyryl sa akin.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now