Chapter 24

15 1 0
                                    

  Nandito kami ngayon sa kusina. Kinaladkad pa nga ako nang mga mokong dahil mas gugustuhin kong dumeretso sa kwarto.

   "Oh ayan! Dapat ganiyan kayo mag-usap, harap harapan para naman makita niyo ang epekto niyo sa isa't isa," saad ni Wencel na akalain mong isang tagapayo.

    "Go on Ice, I will let you spill out your words. Makikinig lang ako promise," Simula nang dumating ang mga mokong na ito hindi na nawala ang ngisi sa mukha nang hari. Napakakapal!

   "Kung ang dahilan nang pagngisi-ngisi mo diyan ay iniisip mong nangseselos nga ako sa inyo ni Stacey. Please, cut it. Wala kang mapapala. Aasa ka lang. Dahil sinasabi ko ngayon sa'yo Cyryrl, kung talagang nagseselos ako, pagkarating mo pa lang galing sa kung saan kayo nagpunta ni Stacey, mararamdaman mo nang nagseselos ako." Sabi ko habang nakatitig sa mata niya.

    Kailangan kong maging matapang. Hindi ko siya mahal diba, crush ko lang siya kaya hindi ko dapat maradaman ang salitang selos. Kahit na ang sakit sakit makitang masaya siyang nakikipag-usap sa mga babaeng lumalapit at kumakapit sa kaniya, kaya kong tiisin huwag lang lumalim ang kung ano man itong nagbabadya. Siguro naman mabilis lang itong mawala diba?

    "Hindi ako nagseselos sa inyo. I don't even know the word jealousy. I'm not interested to entertain such feelings that I don't think exist. Kung igigiit mo pa ring nagseselos ako, tandaan mo ito Cyryrl. Hindi. Ako. Magandang. Magselos. Okay?," salaysay ko habang dinidiinan ang huling mga salita.
 
   "Hindi daw siya nagseselos man," singit naman ni Wencel. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ni Cyryrl kasi tinititigan niya lang ako at parang walang balak magsalita. At mali pala ang hinala ko kasi nagsalita rin siya pagkalipas nang ilang segundo.

   "You don't want to entertain that particular feeling yet you feel it already. Saan sa mga sinabi mo ang dapat kong paniwalaan Ice? Ang hindi ka magandang magselos o ang ayaw mong maramdaman ang salitang selos?" This time parang nabulunan ako nang sarili kong laway.

   Okay, you got me there boy. Ayokong magselos kasi alam kong nakakasakit ako nang damdamin. I'm not that bad to hurt Stacey deeper than what I intended to. Pero kapag pinapangunahan ako nang selos, wala na akong paki alam sa mangyayari. Nasa huli ang pagsisisi indeed.

   "Tinanong ka na Ice, anong sagot mo?" Singit ulit ni Wencel.

   Isa pa ito, nakakahiya kayang maglabas nang sama nang loob sa harap nilang lahat. Pero minsan lang ito kaya keri na.

   "Bakit ka ganiyan Cyryrl? Bakit parang laro lang sa'yo ang lahat. Akala mo ba masarap sa pakiramdam ang harap harapang pahiyain. Hindi ko alam kung paano nagkaroon nang ideya si Stacey pero alam niyang hindi tayo magkadugo. Tapos nung niyaya ka niyang umalis sumama ka naman, ni hindi mo nga isinaalang-alang kung ano ang mararamdaman ko. Akala mo ba masaya na ikaw lang itong may kakayahang ipagdamot ako? Hindi iyon masaya Cyryrl, mas lalong hindi nakakatuwa. Kaya bakit naman kita iisipin kong makipag-usap ako sa kung sinu-sinong lalaki? Kung talagang hindi ka nagseselos, patunayan mo. Hindi lang ikaw ang marunong maglaro nang kaunting baga," sunod sunod kong sabi nang isang hingahan lang. Grabe! Napagod ako doon ah.

    "No comment dude, ikaw na," turo ni Wencel Kay Cyryrl. Ano tingin niya sa ginagawa namin? Debate?

   "So it all started last Friday. Kaya ayaw mo akong kausapin nitong nga nakaraang araw kasi nagseselos ka," baliw na ba siya?

   "Sabi nang hindi ako nagseselos eh!" Naiinis nang tugon ko.

   "Hindi nga raw pinsan." Wencel.

   "Shut up Jean, malapit ka na sa'kin," banta ni Cyryrl. Agad namang izinipper umano ni Wencel ang bibig niya na tinawanan nalang nang tatlo pang tahimik na nakikinig. "Kung hindi ka nagseselos, anong tawag mo diyan sa ugaling iyan. Ano pang silbi nang mga sinabi mo kung hindi selos iyang nararamdaman mo Ice," desedido talaga siyang mapaamin ako.

   "Ano... Hindi ito selos kasi...kasi...a-a-no," bakit ba wala akong maisip! Bwesit naman oh. Ba't ngayon pa ako nablangko!.

   "Ano Ice? Wala akong alam kung anong ibig sabihin nang ANO," pang-aasar ni Cyryrl.

  "Alam mo, bwesit ka! Sabi nang hindi nga ako nagseselos." Nakakapagod naman ang kolokoy na ito eh.

   "Ano nga? Bakit ka naiinis eh tinatanong lang naman kita," hindi parin nawawala ang mapang-asar na ngiti sa labi niya.

   Naiinis mo mukha mo. Teka! Naiinis? Tama naiinis lang ako. Hindi ako nagseselos.

  "Hindi ako nagseselos kasi naiinis ako. Oo. Tama. Naiinis ako kasi kahit na kaya kong gawin iyang mga pinaggagagawa mo sa harapan ko hindi ko magawa kasi nga tinatakot mo lahat nang lumalapit. Ang unfair kaya nang ganun Cyryrl. Malaya ka ngang nakikipagharutan sa kung sinu-sinong babae tapos ako may bantay pa. Nakakainis ang ganun!" Litanya ko na umani lang nang tawa sa mga mokong.

   What! Totoo naman iyong mga sinabi ko ah! Slight nga lang nang kaunti, pero pwede na iyon. Kesa naman isipin nilang nagseselos nga ako.

   "Ano pang ibang palusot ang naisip mo Ice?" Nakakaasar na ah.

   "Okay. That's it. I'm out of it. Kung ayaw niyong maniwala, wala na akong paki alam doon. Hindi kayo ang magdedecide kung anong gusto kong gawin. Ayaw niyong tanggapin ang explanation ko, then that's your lost. Masyado kayong hambog para isiping nagseselos ako. Sinabi na ngang hindi, pinagpipilitan pa rin. Napakakulit niyo. Ang hirap makisabay sa takbo nang ugali niyo. Minsan makulit. Minsan ang susungit niyo namang lima. Minsan naman masyado kayong madaldal. Nakakapagod kayong intindihin. Nakakapagod kayong hulaan kaya diyan na kayo. Magsama sama kayong lima, pareho naman kayo nang ugali. Magpapahinga na ako. Nakakapagod makipagtalo sa mga kagaya niyong mokong," pinaikot ko nalang ang mga mata ko sa kanila bago ko sila iwan doon. Narinig ko naman ang tawa at asar ni Wencel Kay Cyryrl. Narinig ko rin ang saway ni Raven sa mga tumatawa.

    Nakakapagod siyang gustuhin. Kung ipagpapatuloy nang damdamin ko ang gusto niyang gawin, kakailanganin ko nang maraming lakas para mapangatawanan ang gagawing desisyon. Pero paano ko naman gagawin iyon, eh nakakahiya kayang ipakita sa kaniya ang parehong affection na nararamdaman niya. Hindi ko kaya!

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now