Chapter 55

5 1 0
                                    

  Hindi ko namalayang nakatulog ako agad pagkahiga ko sa kama. Naalimpungatan nalang ako nang maramdaman kong may mga brasong nakapulupot sa katawan ko.
 
   Siyempre, wala namang ibang mokong na parang linta kung makayakap sa akin kundi ang hari nila at tsaka masyado siyang halata sa bango niya kahit patulog na ang gago. Pano maging ganun? Kaya hindi na ako nagulat nang mas higpitan niya pa ang yakap niya.
 
   "May balak ka atang pisain ako?" Pagtataray ko kahit halata pa ang antok sa boses ko.

   "Ba't ka umaIis agad kanina? Hindi ka man lang nakipagkwentuhan sa amin. Akala mo siguro hindi kita nakita no?" Grabe naman makapagtanong. Interviewer?

   "Ayoko ngang makisingit. Ngayon niyo pa nga ulit nakasama lola niyo tapos makikisingit pa ako." Paliwanag ko nalang.
 
   "You are mine baby. You're a family now. Kaya huwag mo nang isiping nakikisingit ka lang," saad niya naman. Dahil sa sobrang kaantukan hindi ko na alam kong sinagot ko ba siya o talagang nakatulog na ako bago siya natapos magsalita. Basta ang alam ko, pagkagising ko, wala nang mokong na Cyryl sa tabi ko. Hindi ko naman masasabing panaginip lang yun kasi hanggang ngayon, naaamoy ko pa rin ang pabango niya sa kumot at sa unan.

    "Good morning," bungad sa akin ng kambal na mokong pagkapasok ko sa kusina.

   "Morning," maikling tugon ko nalang din bago nagtimpla nang kape.

    "Nasan na yung morning kiss ko?" Banat naman nang hari nang mga mokong.

    "Manahimik ka gago. Ang aga-aga yan pinoproblema mo," saway ko agad. Hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo ko pagkagising pero talagang wala ako sa mood makipagbiruan.

   "Pfftt. Yan kasi. Aga-aga ang landi mo. Matuto ka namang ikonsidera ang nararamdaman ko. Nakapremyo ka tuloy, pfftt." Pang-aasar naman ni Raven na todo pigil sa pagtawa.

    Sinulyapan ko naman ang dalawa nang mabilisan at nakitang masama na ang tingin ni Cyryl sa kambal niya.

    Ipinagpatuloy ko nalang ang pagtitimpla nang bigla namang nagsipasukan ang natitirang mga mokong.

   "Good morning Aicelle/Good morning Ice/Good morning ate," sabay-sabay na bati nang tatlo pagkalapit sa pwesto ko.

    "Teka, nasaan yung sa amin?" Singit naman ni Raven na sinundan agad nang pang-aasar ni Allen. "May good morning ka sa akin kuya kapag sinabi mong bakla ka."

    "Pffft. Grabe ka naman Allen, huwag mo namang ibulgar. Baka mahiya ang kuya mo at hindi na tayo kausapin." Segunda naman ni Wencel.

    Hindi naman maipinta ang naiinis at napipikong mukha ni Raven nang dahil sa dalawang pinagtutulungan siya, "huwag na huwag kayong kakain mamaya pagkatapos naming magluto kung ayaw niyong malason. Mga gago!"

    "Pfffttt, hahahaha/bwahhahahaha," sabay na tawa nang dalawa nang makitang napikon nila si Raven.

   Mga baliw talaga. Tsk!

   Paalis na sana ako sa kusina nang bigla nalang akong tawagin ng hari ng mga mokong. "Sweetie saan ka pupunta?"

    Agad namang umaktong parang nasusuka ang apat na nakikinig nang dahil sa sinabi ni Cyryl. Kahit kailan talaga ang hilig-hilig nilang asarin ang isa't isa.

    "Bakit ka ba tanong ng tanong? Hindi naman ako lalayas" mataray na tugon ko.

    Lumaki naman ang mata nang tatlong kararating lang dahil sa sinabi ko.

   "Ang init nang ulo ni Ice, kabaliktaran nang pangalan niya," bulong ni Wencel kay Allen na rinig na rinig ko naman. Kahit kailan talaga ang tanga-tanga nang mokong na to.

    "Baka may dalaw. Ganyan si Al sa akin eh kapag may dalaw," sagot naman ni Allen. Sasagot na sana ako nang biglang lumapit si Cyryl.

    "Sweetie, what did I do wrong for you to be like this?" Saad nito habang bakas sa mukha ang kalituhan.

   "Ang aga Cyryl ang ingay-ingay mo. Magluto ka na nga lang jan," saad ko bago sila tinalikuran.

    Baka nga magkaroon ako nang dalaw ngayon. Kanina ko pa kasi nararamdamang kumikirot ang puson ko eh. Nakakabadtrip naman oh!

   Nasa lamesa ako sa tabi nang mga bulaklak pumwesto para mawala ang init ng ulo ko. Panay naman ang diin ko sa puson ko nang maramdaman ang pagsakit nito. May naglapag naman ng isa pang tasa sa lamesa na napagkamalan kong si Cyryl.

    "Ano ba Cyryl, sabi nang huwag ka mun—lola! Good morning po. Naku! Pasensiya na po kayo, hindi po kasi maganda gising ko eh," awkward kong saad. Grabe, akala ko si Wencel lang yung tanga eh, isa din pala ako doon.

   "Good morning rin hija, kanina pa kitang tinitingnan at napapansin kong parang namimilipit ka sa sakit. Okay ka lang ba?" Tanong nito. Naalala ko tuloy si tita Amanda sa kaniya.

   Kumusta na kaya si tita, wala man lang akong balita sa kaniya.

   "Hija?" Untag sa akin ni lola.

   "Ahh, opo. Ano po yun?" Tanong ko naman. Ano ba Ice! Huwag ka ngang lutang!

   "Okay ka lang? Medyo namumutla ka." Saad nito.

   "Opo. Okay lang po ako. Medyo malamig lang po dito sa labas eh," mabilis ko namang tugon.

   Looking at lola, I can say that she look older than the last time I saw her. Siguro nastress lang siya sa mga paghahandang ginawa niya sa Manila. Sino ba namang hindi masestress kung alam mong uuwi ang mga anak mo galing iba't ibang bansa.

    Ang swerte naman ni lola, may uuwi para lang makasama siya kahit isang beses lang sa isang taon. Eh ako kaya? Kailan kaya babalik si tita Amanda dito? Makikita ko pa kaya siya ulit?

   "Yes? May dumi ba sa mukha ko hija?" Untag ulit sa akin ni lola.

    Minsan talaga gusto ko nalang lamunin nang lupa para hindi ko na maramdaman ang hiya.

   "Ahh...hehehe... Wala naman po," awkward kong tugon.

   "May problema ba? You're acting different since earlier," halata naman sa tono nang boses ni lola ang pag aalala.

   "Wala naman po...naisip ko lang bigla, ang swerte niyo po at may uuwi para lang makasama kayo. Naalala ko lang po si tita Amanda. Kumusta na po kaya siya. Wala po  ba kayong balita sa kaniya lola?"  Saad ko.

   Bigla namang lumungkot ang mukha ni lola kaya pinilit kong maging magaan ang aura ko para hindi niya isiping nalulungkot din ako.

  Ayokong kinaaawaan ako nang mga tao.

    "Pasensiya ka na hija, but Amanda didn't reach out to me since she left the country. Iniisip ko na nga lang na baka masyado niyang ineenjoy ang pagdating niya doon para makalimutan akong tawagan at itanong ka. But I am certain na she's okay and doing good kaya huwag ka nang mag-alaka okay?... I heard you already submit your final requirements for the Christmas Vacation," pag-iiba niya nang usapan. Wala naman akong magawa kasi si lola na ang nagsabing huwag ko nang alalahanin yun eh.

   Sinabi niya nang nag-eenjoy lang si tita Amanda kaya nakalimutan niya kami pansamantala. Sinabi niyang huwag akong mag-alala edi yun na narin ang gagawin ko. Kapag sinabi ni lolang okay na, na okay lang, yun ang paniniwalaan ko. Wala eh, madali akong maniwala sa mga taong pamilya ang turing sa akin. Ayokong madissappoint sila sa akin kaya sinusunod ko nalang.  Sinusunod ko kasi yun ang tama, yun ang dapat kahit hindi ako sigurado.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now