Chapter 41

6 1 0
                                    

    "Ano yong sinabi mo kay nay Jenny kanina?" Bulong ko sa kaniya dahil nakocurious talaga ako kung anong pinag-usapan nila at ibang lenggwahe pa ang gamit.

   "It's just a simple good morning baby, tapos sinabi niya lang na hindi parin ako nagbabago," simpleng tugon niya.

   "Eh ano namang tawag doon sa lenggwaheng ginamit niyo?" Bulong ko parin. Nakakahiya naman kong marinig ni nanay Jenny na wala akong kahit ni katiting na kaalaman sa lugar nila.

  "Bisaya ang tawag doon sweetie, yun ang ginagamit nila sa pang-araw-araw na pananalita. May alam din naman silang english at tagalog pero mas palagi nilang ginagamit ang sarili nilang lenggwahe." Saad niya, umayos naman siya ng upo ng umupo ang dalawa sa katapat naming upuan habang humihigop ng kape.

    "Ang galing mo naman at alam mo kung paano magsalita ng lenggwahe nila Cyryl." Manghang-manghang tugon ko.

    "Kaunti lang din naman ang alam ko, yung mga simpleng salita lamang nila kaya madali lang kabisaduhin," saad niya na agad naman tinutulan ng dalawang kaharap namin.

    "Sus, pahumble pa ang gago, akala mo talaga bagay sa kaniyang maging mapagkumbaba," kahit kailan talaga si Ivan ang parating nauunang magreak sa dalawang ito  eh.

    "Akala mo naman hindi nahirapang kabisaduhin ang salitang bisaya, kung alam ko lang nagmamalinis ka lang sa harapan ni Ice eh," dugtong naman ni Louell.

    "You two envy me because Aicelle's amazed on how I can fluently speak their language idiots." Bwelta naman ni Cyryl. Kahit kailan talaga eh.

    Magsasalita pa sana si Cyryl ng bigla nalang tumunog ang cellphone niya na nasa mesa, sayang nga lang at hindi ko nakita kung sino ang tumatawag dahil agad niya itong dinampot. Hindi naman sa chismosa ako, naiintriga lang ng kaunti. Very slight lang naman.

    "Excuse me for a while," paalam niya bago lumabas ng bahay. Siguro si Raven yung tumatawag, pero hindi naman siya umaalis kapag tumatawag si Raven ah?

    Tiningnan ko ang dalawa sa harapan ko at baka may napapansin sila pero busy naman sila sa kaniya-kaniyang cellphone. Bakit ba kasi walang magandang nangyayari sa cellphone ko. Tss.

    Sinulyapan ko naman ulit ang pintong nilabas ni Cyryl hoping na papasok siya agad pero hindi naman nangyari kaya nag-aalala ako. Bakit ang tagal niyang bumalik? Since we leave the house for this sudden trip, palagi nalang siyang matagal bumabalik kapag may tumatawag sa cellphone niya. Siguro tungkol lang sa trabaho ang pinag-uusapan nila kaya natatagalan siya.

    "Don't think about it too much Ice, trabaho lang yun kaya medyo natagalan si Cris. Huwag kang mag-alala masyado, hindi ka naman iiwan ng isang yun dito eh. Besides, kung iwan ka man niya, nandito naman kami para ihatid ka," untag ni Louell sa akin na nginitian ko na lang. Sana nga. Sana nga trabaho lang.

    "Oh maghanda na kayo para sa agahan, malapit na akong matapos dito," saad naman ni nanay Jenny. Agad naman naming nilinisan ang lamesa at hinanda ang mga plato, kutsara't tinidor at mga baso.

     Hindi pa natatapos sa paghahain si nanay Jenny ay pumasok na si Cyryl. Ngayon ko lang napansin ang suot niya, nilalamig ba siya kagabi para magsuot ng sweatshirt at jogging pants? Kulang nalang ata sapatos at ready na siyang umalis. Pero wala naman siyang pinuntahan kagabi diba?

    Wala nga ba? Yan ang nag-iisang tanong na pilit lumilitaw sa isip ko.

  Umupo naman siya deretso sa tabi ko na parang walang nangyari. Salitan naman sa pagtikhim si Ivan at Louell na siyang ipinagtataka ko at pinag-alala ni nanay Jenny.

    "Okay lang kayo hijo? Masyado bang mapait ang kapeng tinimpla ko?" Pagtataka ni nanay Jenny.

    "Ahh.. Hindi naman po, okay lang po yung kape niyo, kumati lang po talaga lalamunan ko eh," saad ni Louell.

    "Eh ikaw ba hijo? Okay lang?" Baling niya naman kay Ivan.

    "Opo nay, don't worry po, minsan lang po kasi ako umiinom ng kape eh," agad naman na tugon ni Ivan.

    Cyryl unexpectedly whince like he's in pain na agad ko namang dinaluhan.

   "Okay ka lang?" Pag-aalala ko. Ano bang nangyayari sa magkakaibigang to?

    Sinamaan niya naman ng tingin ang dalawa, nakipaglaban naman si Louell ng titigan sa kaniya habang binabalewala lang ni Ivan ang nakakatakot na tingin ni Cyryl. Hindi naman nagtagal ang titigan ni Louell at Cyryl ng bigla nalang nagbitiw ng isang malalim na bunting hininga si Cyryl at humarap sa akin.

    "Sorry sweetie, it's just a business matter. You don't have to worry okay?" Saad niya naman sa akin. Binigyan ko lang siya ng baliw-ka-ba look bago tinulungan si nanay Jenny na maghanda. Anong nangyayari sa mga yun? Ang weweird ng utak.

    Agad naman kaming kumain pagkatapos magdasal, habang busy sa pagbibigay ng papuri ang dalawa sa luto ni nanay Jenny, napansin kong tahimik lang si Cyryl.

    "May problema ba?" Tanong ko na siyang nakakuha ng atensiyon niya.

    "No.. Walang problema, pagod lang to," tugon niya.

    "Pagod? Eh ang tagal niyo ngang nagising kanina," saad ko naman. Parang may mali talaga eh.

    "Si—"

    "Siya nga pala hijo, wala ba kayong pasok at nakapagbakasyon kayo?" Putol naman ni nanay Jenny. Agad namang napunta ang atensiyon namin sa tanong niya.

    "Oo nga naman Cyryl, sinabi mo pa kay Raven na isang linggo kang hindi papasok. Paano na yung pasok natin?" Segunda ko naman ng may pag-aalala.

        "It's okay sweetie, semestral break natin this week kaya okay lang kahit na sa susunod na sabado pa tayo umuwi." Tugon niya naman. Nawala na ang pagiging matamlay niya kanina at napalitan na ng sigla.

    "Kumusta na nga pala yung mga kapatid mo hijo, si Cynthia at yung mga magulang mo? Ang tagal ko na ring walang balita sa kanila," tanong naman ni nanay Jenny.

   "Ayun, mas matitigas pa yung ulo kesa sa akin. Si lola naman nasa Manila, sa pasko pa naman uuwi sina mommy dito kaya kami-kami lang sa bahay." Tugon niya naman.

    Habang patuloy kami sa pag-aagahan, patuloy naman ang kwentuhan ni Cyryl at nanay Jenny na dinudugtungan naman nina Ivan at Louell. Looking at Cyryl, he's so carefree na kung iisipin, ibang-iba ang ugaling ito sa ugali niya sa paaralan at sa mga taong walang ambag sa buhay niya.

    "Maglibot-libot nalang kayo sa dalampasigan at sa resort doon sa unahan mga bata, maglilinis na muna ako bago pumaroon," suhestyon ni nanay pagkatapos namin kumain na siyang sinunod din naman namin.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now