Chapter 57

5 0 0
                                    

   "Oh ano? Hindi ka makakain nang hindi ginagamit kamay mo?" Mataray na bulong ko pagkaupo namin sa hapag. Ang gago, tumabi pa talaga sa akin. Akala siguro mapapaamo ako nang ganoon kabilis.

    "Sorry na kasi, wala naman talaga akong balak na iwan ka eh, gusto ko lang na makakuha ka nang sapat na tulog," bulong din niya pabalik. Mokong talaga.

   "Cris Cyryl, ikaw na ang magdasal." Utos nang lola niya na siyang dahilan kung bakit siya napaayos nang upo.

  "Si X nalang lola, wala ako sa mood ngayon para sa dasal." Saad nito habang nakabusangot.

  "At kailan pa kinakailangan nang mood ang dasal?" Mataray na saad naman nang lola niya.

   "Sabi ko nga po.... In the name of the father, the son, and the holy spirit,...." Yan kasi. Sa halip na magpalambing magdasal ka nalang. Inilibot ko naman ang tingin ko sa mga taong nakaupo sa mesa. Masasabi kong taimtim ngang nananalangin ang mga mokong maliban nalang kay Wencel at Allen na salitan kung kumuha nang pagkain. "Lord sana po patawarin na rin ako ni Ice dahil hindi ko po kayang magkaaway kami habang bumabyahe. Amen," bumunghalit naman nang tawa sina Wencel at Allen na sinundan nang saway nang lola nila. Sinamaan ko naman nang tingin ang hari nang nga mokong pagkatapos niya akong kindatan. Pati sa dasal mokong pa rin!

   "Ang swerte ni Ice kasama sa panalangin mo dude," pang-aasar agad ni Wencel.

   "Siyempre, kailangan bumawi kung gusto niyang maging magaan ang biyahe niya," singit naman ni Raven habang pinagsasandok nang kanin ang lola nila.

   "Hay naku, napakadali niyo talaga makahanap mang matutukso. Magsikain na kayong lahat at nang maaga tayong makaalis.. Aicelle, hija, kumain ka nang marami ha. Mukhang pinapagod ka nang apo ko eh," Oo nga pala, inamin ni Cyryl ang totoo sa lola niya noong nagkwentuhan sila. Hindi ko tuloy malaman kung anong gagawin ko dahil baka pagalitan ako dahil nakipagrelasyon ako sa apo niya na amo ko. Mabuti nalang at mabait si Lola...pero paano naman ang mga makikilala ko mamaya pagdating namin sa Manila? Naku naman...

  "Sa backseat na kami," agarang saad ni Wencel pagkalapit namin sa sasakyang gagamitin papunta sa airport. Ginawang driver ni lola ang isa sa mga guards kaya nasa shotgun seat siya ngayon nakaupo. Nauna namang umupo si Cyryl malapit sa bintana. Maghihintay pa sana ako kung saang pwesto ang mababakante nang bigla nalang akong hinila nang hari nang mga mokong para umupo sa tabi niya. Agad ko naman siyang sinamaan nang tingin na binalewala niya kang. Kasunod ko naman si Raven habang nasa likod sina Allen, Wencel at Brenz na busangot na busangot ang mukha dahil katabi ang dalawang maiingay. Kawaw naman.

   "Okay na ba lahat? Wala na kayong naiwan?" Tanong ulit ni lola.

   "Wal—"
  
    "Ay lola! May naiwan po ako!" Agad na putol ni Allen sa aming lahat.

   "Ano ba naman yan dude. Kung kailan tayo nagmamadali nagiging malilimutin mo naman," sita naman ni Wencel na busy sa phone niya. Nahahawa na siguro to kay Brenz.

   "Ano yung naiwan mo at si Dencio na ang kukuha Allen hijo," tanong sa kaniya ni lola. Nakatutok naman lahat nang paningin namin sa kaniya, hinihintay kung anong nakalimutan niya.

   "Kaso lola wala dito sa bahay eh," saad niya. Napakunot naman nang noo si lola sa sinabi niya.
 
   "Nasaan ba yan at nang madaanan natin," tugon naman ni lola.

   Umani naman nang apat na batok ang kawawang Allen pagkatapos sagutin ang tanong ni lola, "Si Alexis po naiwan ko....aray!! Masakit yung huli ah. Sino yun?" Ayan kasi alam nang nagmamadali eh.

   "Wala ngang KAYO kaya huwag ka nang UMASA," pagdidiin naman ni Wencel nang mga salita kay Allen. Pinamukha pa talaga eh.

   "Makapagsabi ka, eh ikaw nga hindi mo masabing gusto mo siya dahil magiging kapatid mo na siya." Sagot naman ni Allen na dahilan nang pagdilim nang mukha ng kausap.

   "Kayong dalawa tama na yan ha kung ayaw niyong maiwan," singit nang katabi kong nakatutok din sa phone.

   Nag irapan naman ang dalawang nagkapikunan bago nanahimik. Pero ako? Hindi ako matatahimik. Sino naman kaya ang magiging kapatid ni Wencel? Mag-asawa ba uli ang mama niya? O baka ang papa niya?

   "Stop thinking about it, they're just kidding around," bulong nang hari nang mga mokong sa tenga ko.

   Kinunotan ko naman siya nang noo "May magjojoke bang nagakakapersonalan?"

   "Don't mind them. Alam mo namang baliw ang mga yan," saad ulit nito na tinutulan ko.

   "Mokong kamo, nagmana sayo. Hari ka nila diba?"

   "Hindi ah. Ang bait ko kaya," tugon ulit nito bago pinagsalikop ang kamay namin.

   "Saan banda at bakit parang hindi ko nakita kahit noon pa?" Pang-aasar ko sa kaniya.

   Inirapan lang naman ako nang mokong. Agad namang nang-usisa ang mga mokong na nakapaligid sa amin.

  "Ice? Anong pakiramdam na makikilala mo na si Mommy?" Tanong ni Allen habang nakadukwang. Inaabangan naman nang mga mokong ang sagot ko.

   "Well....ahm, kinakabahan of course. Natatakot? ...ewan, basta hindi ko alam kung mapapanatag ako," seryosong tugon ko.

   "Hindi mo naman kailangang kabahan, mabait naman si mommy," tugon ulit nito.

   "Kapag nasa mood kamo," bulong na singit ni Brenz na siyang sinaway nang iba.

   "Ikaw talaga Caryl, alam nang natatakot si Ice dinagdagan mo pa."

   "Manahimik ka nga Caryl, lumalabas na naman yang pagiging nega mo."

   "No.. It's okay..really. Kahit naman siguro sabihin niyong matatanggap ako agad-agad, hindi pa rin ako mapapanatag. Kaya huwag niyo nang pagalitan yang si Brenz." Saad ko nalang bago manahimik.

   "Naku, huwag mong pansinin yan. Hindi lang siya pinayagan ni mommy na ligawan niya yung chilhood friend niya noon nagtampo na. Akala mo talaga kung umasta parang matanda. Eh ten years old palang naman siya nang mga panahong yun," singit ni Raven bago tinago ang cellphone para makisali sa usapan.

   "Siyempre naman, si kuya Allen nga naggirlfriend na noong thirteen siya bakit ako hindi? Sana sinabi niya na lang na bawal pa sa akin. Nilait niya pa nga si Ella diba kasi ang rumi-rumi daw. Saan ko daw napu—"

   "Enough is enough Caryl. We had different situations with mom. Hindi lang ikaw ang napagbawalan kaya huwag mong takutin si Aicelle." Putol sa kaniya ni Raven. Nanahimik naman ang iba dahil sa namumuong tensiyon.

  "Hindi mo magawang magalit kay mom kasi sa ating lahat ikaw ang pinakapaborito niya." Sagot naman nito.

   "Galit? Sa ganoong bagay gal—"

   "Enough of that argument boys. We are going to have a vacation yet you two are starting a fight. Settle your personal things with your mother when we get there. Huwag niyong idamay si Ice sa issue niyo sa mommy niyo. Ikaw naman hija...," agad naman akong napaayos nang upo.

   Bakit ako damay?

   "Just be yourself. I know she will like you for her son. Every mother wants every good things when it comes to their sons kaya ikaw Caryl, wait for your turn. Hindi naman kasi sabay-sabay ang pagmamahal na darating sa inyo. Who knows.. Baka nga ipagpasalamat mo pang tinutulan ka nang mommy mo noon eh, get me?" Puno nang pag-intindi ang mukha ni lola pagharap niya sa amin.

   Naging tahimik naman ang byahe pagkatapos nang seryosong pag-uusap na iyon. 

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now