Chapter 20

19 2 0
                                    

   After kung pumasok sa loob nang kwarto, nakaramdam ako nang konsensiya. Naggiguilty ako sa inasta ko kanina. It seems like he's really expecting us to have fun. Hindi pa rin tumitila ang ulan. Hindi nga lang ganoon kalakas tulad nang kanina.

   "Bakit naman ako makokonsensiya? Hindi porket isa siya sa pinagtatrabahuan ko ay ganun lang kadali para sa kaniyang sumama sa iba at umuwi sa akin na parang walang nangyari no! May pa angkin angkin pa siya sa aking nalalaman tapos harap harapan niyang isasampal sa akin na pambahay lang ang ganda ko?! Ano tingin niya sa sarili niya? Sinuswerte?!" Inis na inis akong humarap sa salamin sa loob nang CR. Naisipan kong mag shower muna para maiwasang magkasakit. Mahirap nang matapakan ang pride nang dahil lang sa lagnat.

    Habang nasa ilalim nang shower, hindi ko maiwasang isipin ang pangyayari kanina. Oo na. Inaamin kong medyo masakit nga iyong ginawa ko pero "Masakit din naman iyong harap harapan kang ipahiya ah. Sabihin na nating magpinsan nga lang ang alam nang lahat dito sa  school sa akin at sa mga Del Franco at sabihin na rin nating may gustong patunayan si Stacey pero pwede namang paunahin nalang niya si Stacey na umalis bago siya sumunod. Pinakita niya pa talaga sa akin!" Pinagdidiskitahan ko na ang sabon panligo. Walang patutunguhan ang ganito. Magmumukha lang akong baliw.

   "Hold yourself Ice. Hindi ikaw ang dapat maghabol kaya huwag kang umasa," kastigo ko bago ko tinapos ang paliligo.

    Ilang oras din ang itinagal ko sa kwarto, kung hindi pa nga lang pumasok sa isip ko na kailangan ko nga palang ipagluto nang hapunan ang mga mokong ay hindi ako kikilos, kaya kahit na napipilitan ay bumaba pa rin ako.

   Nagulat nalang ako nang makitang may nakahain nang soup sa lamesa at nakahanda na ang hapunan. Kumpleto na rin ang mga mokong.

   "Oh, mabuti at kusa ka nang bumaba, ipapasundo ka pa sana namin kay Cyryl," bungad agad sa akin ni Wencel.

   "Kahit kailan talaga kuya hindi napipigilan iyang bunganga mo," sita naman ni Brenz na siyang dahilan nang pagbaling nang pang aasar ni Wencel sa kaniya.

    "Talaga? Gusto mo lang sa iyo palagi ang atensiyon ko bunso eh, huwag kang mag alala, hindi ka naman mapapalitan sa puso nang kuya Wencel mo. Mahal na mahal kita bunso," napakahilig talagang mang-asar nang mokong na ito.

   "Eww yuck!" Hindi nalang pinansin ni Wencel ang naging tugon ni Brenz dahil ako na naman ang binalingan niya.

   "Halika na Ice, kanina pa ako nagugutom ikaw na lang hinihintay namin," aya ni Wencel.

   "Bumaba pa naman ako kasi akala ko sinumpong na naman kayo nang sakit niyo. Mabuti at nagluto kayo. Sino nga bang nagluto? Mukhang masasarap ang lahat nang ito ah. Atsaka ang dami pa, hindi niyo talaga kilala ang salitang tipid." Pangangaral ko.

    "Walang iba kundi siyaaaaa," sagot naman ni Wencel na may pawagayway pa nang kamay na animoy dancer nang isang TV show at nagpopromote nang isang product.

   Matikas naman na nakaupo ang hari nang mga mokong sa pwesto niya habang may nakasilay na ngisi sa mukha na ang sarap sarap sapakin. Tuwing naiisip ko iyong ginawa niya noong biyernes, talagang naiinis ako ng todo. Mahirap pa naman akong lumimot.

    "Umupo ka na at kumain. Alam kong namiss mo ang luto ko," buong pagmamalaking tugon nang loko.

   Tsss. Namiss mo mukha mo!

   "Ahh huwag na, kumain na kayo, magkakape nalang ako. Wala akong ganang kumain eh," tugon ko na siyang nagpawala sa ngisi sa labi nang mokong.

  Now take that you jerk!

  "Hay naku naman Ice, huwag nang pakipot. Pag usapan niyo na lang iyang issue niyo mamaya. Nagugutom na kami oh," singit ni Wencel habang tinuturo ang tatlo pa na pawang may hawak nang kutsara't tinidor.

   "Hindi ko bitbit ang pagkain Wencel kaya kung gusto niyong kumain dahil nagugutom na kayo, kumain kayo. Hindi niyo naman kailangang humingi nang go signal sa akin para kumain eh. Talagang wala akong gana at namimiss ko ang magkape kaya magkakape ako," pangangatwiran ko.

   "Kape sa hapunan?" Palatak ni Wencel.

   "Kahit pa sa breakfast, recess, lunch, merienda at kahit sa midnight snack Wencel mas gugustuhin kong magkape," malapit na akong mawalan nang pasensiya sa isang ito. Kaya sa halip na makipagbangayan ay tinungo ko nalang ang lalagyan nang tasa at nagtimpla nang kape.

   "Pero-"

   "Enough Wencel, she just made her decision. She's right, she doesn't have the food at mas lalong hindi natin kailangang humingi nang permiso sa kaniya para kumain. Let her be," pigil ni Allen sa kaniya. Yan! Ganyan ang dapat.

  Sasandok na sana sila nang pagkain nang bigla na namang nagsalita ang mokong na suplado.

   "Walang gagalaw sa mga pagkaing iyan. Kung gusto mong pakainin sila, umupo ka sa pwesto mo at sumabay sa aming kumain," baling niya sa akin. Gone the playful Cyryl. Ang Cyryl na nakatingin sa akin ngayon ay ang kinatatakutan, iyon nga lang hindi ako natatakot. Medyo lang.

   "Hindi ko alam kung saan sa hindi ako kakain ang hindi mo maintindihan, kung ayaw mong kumain huwag mo silang idamay," saway ko sa kaniya.

   "Oh come on guys, pwede naman kaming manood sa away niyo habang kumakain, bakit hindi niyo muna kami pakainin?" Singit na ni Allen. Hindi na nakatiis.

   "Ayaw mong kumain? Edi sige, ilagay niyo ang lahat nang iyan sa basurahan at itapon niyo sa labas," utos ni Cyryl.

   "Baliw ka ba? Nagugutom ang mga kapatid mo tapos ipapatapon mo lang? Kung hindi ka kakain huwag kang kumain, huwag mo silang idamay diyan sa ugali mong bulok," inis na litanya ko.

   "Kaya nilang mag order nang pagkain nila, niluto ko iyan para sayo tapos babalewalain mo. Anong gusto mong maramdaman ko? Maging masaya kasi mas pinipili mong magkape kesa ang kainin ang inihanda ko sayo?" Inis rin na tugon niya.

   "Mas gugustuhin mo pang gumastos sila para lang makakain? Kakaiba din ang takbo nang utak mo Cyryl, mahirap hulaan, mahirap intindihin," litaniya ko bago pinulot ang tasa nang kape at umalis sa kusina. Bahala sila kung hindi sila pakainin nang lolo niyong masungit!

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now