Chapter 60

5 0 0
                                    

   "Why don't you want me to correct my mother baby. She has to know that Stacey is faking her status infront of their eyes. Ano ngayon kung mayaman siya, eh hindi naman siya ang mahal ko. The important thing is it's you who I love and not her! That's why I don't understand why you want me to stay silent after what you've witnessed earlier," frustrated na saad ni Cyryl. Nandito kami ngayon sa guest room na tutuluyan ko pansamantala. Pagkatapos akong ipakilala nina Wencel ay hinila agad ako ni Cyryl paakyat nang hagdan. Naging tahimik muna siya saglit bago naging ganito kafrustrated matapos kong sabihin na hayaan nalang naming magpanggap si Stacey na girlfriend niya. Ayoko naman talagang gawin yun, pero naisip ko na baka kapag tinuloy niya pa yung balak niyang aminin na hindi totoo ang sinasabi ni Stacey ay baka lalo lang magkagulo. Ayokong maging dahilan nang magulong pasko nila.

   "Cyryl, kuntento naman na akong alam nang mga kapatid, pinsan at lola mo ang totoo. Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin nang mga tao sa baba, bahala silang umikot sa pagsisinungaling ni Stacey, ang importante alam mo ang totoo... Ayoko rin namang magsinungaling sa pamilya mo..pero mas ayokong maging sanhi nang magulong pagtitipon niyo. Tama nang hindi kayo magkasundo nang ina ninyo, alam kong wala akong karapatan pero ayokong dagdagan ang bigat na nararamdaman niya dahil lang sa ugali ninyo. Please Cyryl, kahit ngayon lang...kahit ngayon lang hayaan mong makilala nila akong kaibigan mo. Hindi ko rin naman sigurado kung kaya ko nga bang harapin ang pamilya mo kapag sinabi mo ang totoo." Mahabang saad ko. Pagod na ako. Masyadong mahaba ang byahe namin. Hindi ako sanay kaya gusto ko nalang magpahinga. Ayoko nang isipin pa ang kadesperadahan ni Stacey, ang importante ako ang mahal ni Cyryl at hindi siya.

   "Come here," agad naman akong lumapit sa kaniya. Nakaupo siya sa gilid nang kama kaya umupo nalang ako sa tabi niya. Niyakap niya naman ako nang mahigpit habang nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko.

  "I don't want to hide you but I can't force you either. I know nasasaktan ka knowing na makikita mo araw-araw ang mga gagawing pamimiste ni Stacey but I assure you that no matter what happen, you are the only girl who can be this close enough and more to me," bulong niya.

    Wala naman akong masabi kaya hinaplos ko nalang ang braso niya para pakalmahin siya. This is hard. I don't know if I can survive. Knowing Stacey, sigurado akong gagawin niya ang lahat para lang pagselosin ako. Ang dumi nga naman niyang maglaro.

   "Hindi ko naman kailangang makita ang kabobohan niya. Pwede naman akong manatili dito. Okay lang naman sa akin yun," mahinahong saad ko pagkalipas nang ilang oras nang pananahimik.

   "Ano? Hindi okay sa akin yun baby. Hindi kita makikita kung mananatili ka dito. Ayoko nang ganun. And besides, sayang naman ang bakasyong ito kung mananatili kalang sa loob nang kwarto mo." Angal agad nang hari nang mga mokong. Para namang mamamatay kapag hindi ako nakita.

  "Alam mo para kang tanga. Mamamatay ka ba kapag hindi mo ako nasisilayan o nahahawakan man lang? Ibang level na rin yang tsansing mo ha. Tsaka...mabuti na yung nandito lang ako sa loob. Maiiwasan pang magkrus ang landas namin nang bruhang yun. Sigurado akong sa oras na magtagpo kaming dalawa, makakatikim na siya sa akin. Isa pa, pwede mo naman akong puntahan dito kapag gusto mo akong makita. It's fine with me I swear," tugon ko nalang bago siya nginitian. Agad namang sumilay ang nakakalokong ngisi nang mokong.

   Tingnan mo to, kapag talaga may naiisip na kapilyuhan lumalabas pagiging manyakis nito eh.

  "Ibig ba sabihin nung sinabi mo, pwede akong manatili dito hanggang kailan ko gusto?" Saad nito habang hindi nawawala ang pilyong ngisi.

   "Huwag kang mag-isip nang kung anu-ano jan. Gusto ko nang matulog, kanina pa ako inaantok," saad ko nalang bago tuluyang sumampa sa kama at humiga. Mas lalo namang lumawak ang ngisi nang baliw nang humiga ako, "sige, tabi na tayo matulog."

    "Sinong may sabi?!" Agad na bwelta ko. Kung anu-ano na namang kabulastugan ang naiisip nang mokong na ito.

   "Baby naman, pagod rin ako kaya gusto ko nang matulog. Hindi ka ba naaawa sa akin? Kahit ang tabihan ka ayaw mo. Gusto mo ba si Stacey tabihan ko?" Sa sinabi niyang yon agad natuon sa kaniya ang atensyon ko at binigyan agad siya nang nakakatakot na tingin. If looks could kill, matagal na siyang walang buhay sa harap ko.

   "Oh! Anong tingin yan? Bakit, ayaw mo ba?" Pangungulit pa nang gago. Gusto ata makatikim nang sapak ang isang to ah.

   "Mahal mo ba lahi mo Cy?" Pikong-pikong saad ko.

   "Waohh...waohh.. Easy there baby, that's new you know...giving me a nickname. Kahit na gusto kong marinig na tawagin mo rin akong baby, I guess I should settle first at Cy" ang hilig talagang ibahin ang usapan eh no. Matawag lang ng Cy akala mo walang atraso sa akin.

  "If you really want to hear me calling you baby, don't you dare stick your ass on that classy stupid bitch or else you would really going to miss your clan's line!" Sagot ko naman bago nagtalukbong.

   "Yan ka na naman eh. Ang layo-layo na nang topic natin babalik at babalik ka parin kay Stacey. Siguro may crush ka sa kaniya no? Tsaka...classy stupid bitch ha, hindi naman halatang kinamumuhian mo siya." Saad din niya bago pumasok sa kumot at yakapin ako mula sa likod na siyang inalis ko.

   Anong tingin niya sa akin, ganun-ganun lang kung mainis. Ha! Crush pala ha. Akala ba niya matatakot ako sa mga pinagsasasabi niya. Pwes, maghanap siya nang ibang lalandiin dahil hindi ako papayag na magmukhang kawawa no.

   "Bakit?" Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang alisin ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin.

  "You should take precautions Cyryl, anong malay mo, habang nasasanay ka sa sinungaling na malanding yun, nasasanay din akong lumandi sa mga kalahi ni Eva. Kaya huwag ako kalabanin mo, good night Del Franco," I kiss him on his forehead before I return to my position earlier and drive off my ass to sleep.

   I should call it a day. I'm tired as fuck!

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now