Chapter 6

19 3 0
                                    

   TULALA. Yan lang ang naging reaction ko sa dalawang oras naming nakaupo dito sa library. Dalawang oras na rin silang dalawang nagpapalit palit ng tingin sa isat-isa at sa laptop. Ano kayang meron? Mukhang busy sila at walang paki alam na nakita ko sila.

    "Sorry, hindi ko sinasadyang maisturbo kayo", alam Kong masyadong mahina yung boses ko pero alam ko namang narinig rin nila ako.

   "Oh, don't mind it. Its nothing really," sagot ng babae habang busy parin sa laptop. Ano kayang pinagkakaabalahan ng dalawang toh? Hindi ko naman matingnan di Cyryl, baka mahuli pa niya akong tinitingnan siya. Delikado!

    "PSH, just make it fast para makaalis na ako. Masyado na tayong nagtatagal dito." Utos in Cyryl. Kahit kailan talaga walang respeto sa babae ang isang to.

    "Baby, your to moody. Anong kinain mo kanina ah?" Baling ng babae sa kaniya. Hindi ba siya natatakot masungitan?

     "Can you stop calling me baby Shai? Alam mong mainit yung dugo nung isa pag magkasama tayo, pinoprovoke mo naman. Kung gusto mong maglaro, huwag ako idamay mo." Litanya niya na siyang nagpasimangot sa babaeng may pangalang Shai.

    "Ang sungit talaga! Psh!" Bulong din ni Shai. I guess I'm not really needed here. Why I am still here anyway? Aalis na sana ako when the girl close her laptop and have her full attention to me. Mas nakakakaba pa ata to eh. Ang ganda niya kasi kaya kinakabahan akong tumingin.

   "Anyway, my name's Shaira Florentino. You can call me Shai, sorry kung nadisturbo ka namin kanina ah? Napagalitan ka tuloy ng matandang dalaga", bulong niya sa huling sinabi. Matatawa na sana ako ng mapagmasdan na naman ang kagandahan niya.

   "Ah, hindi. Hindi ko rin naman alam na nasa ilalim kayo ng mesa eh, ako pa tuloy ang nakadisturbo sa inyo", pasensiya ko.

    "No really, your not a disturbance." Ngiti niya bago nagligpit.

   "Teka, a-aalis ka na?", tanong ko. Bakit? Iiwan niya kami?

   "Oh, I'm sorry, pero pwedeng next time nalang tayo magchikahan? I am running against someone pa kasi eh, hindi pwedeng maabutan ako nun", salaysay niya habang may hilaw na ngiti sa labi. "But if you want, I guess Cyryl here can accompany you", suggestion niya. Yun nga ang iniiwasan ko eh, ang hindi maiwan sa kaniya. Hayst!

    "Tss, you think I don't have some errands to do!", striktong bulong ni mokong. Ewan ko lang kung sa akin ba o kay Shaira. Pero ano pang magagawa ko kung hinigit na niya si Shaira palabas.

    Inaamin kong hindi ako mapakali sa mga titig niya at talagang kinakabahan ako ng sobra kahit na alam kong wala namang tamang dahilan.

    Pero nakakapanghinayang palang talikuran at hindi piliin ng isang Cris Cyryl Del Franco. Ang hindi piliin kasi talagang walang rason para piliin ang isang Aicelle Samonte. Isang babaeng walang wala at walang karapatang makuha ang pansin ni Cyryl. Nakakainggit si Shaira! Sobra!

    After that moment, pinili ko nalang pumunta sa parking. Dito ko nalang siguro sila hihintayin. Tutal, iisang kotse lang din naman ang dala namin.

   NAMIN. Sana nga may halaga din ako sa kanila kahit na alam naman naming lahat na napipilitan lang silang pakisamahan ako dahil yun ang bilin ng Lola nila. Kaya ayokong mag isa eh, naiisip kong hindi ako belong sa kung nasaan ako. Hindi nga ako belong sa mundo ni tita Amanda eh, ano pa kaya sa mundo ng mga nagwagwapuhang nilalang na ito? Hindi lang yaman ang maipagmamalaki nila.

   Hindi naman sa naiinggit ako kasi mayaman sila. Wala akong paki alam sa pera nila. Kaya ko namang mabuhay ng nagtatrabaho kahit na mahirap. Basta ba pagkauwi ko may pamilyang sasalubong sa akin. Yung matatawag mong iyo hanggang huli. Yung hindi ka iiwan at handang maghirap hindi ka lang maiwan. I envy their relationship. Kahit na pinsan lang nila si Wencel pero tinuturing pa nila itong sariling kapatid.

   "Nay, kung bakit ba kasi hindi niyo ako binigyan ng kapatid bago niyo ako iwanan", bulong ko habang nagmamaktol. Pero siguro mabuti na rin ang ganito. Hindi ko siguro kakayaning makitang maghirap din ang kapatid ko kung sakali. Mabuti nang ako ang maghirap kasi sanay naman na ako.

   Isa isa nang nagsidatingan ang mga mokong pagkaraan ng ilang sandali. May pinuntahan pa silang mall bago kami dumeretso sa bahay.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now